Chapter 2 Fate

2.6K 34 12
                                    

"Kimberly Sue Yap Chiu at the center please, narinig kong sabi ng emcee. Ayaw ko sana kaya lang, paulit-ulit nang tinatawag ang pangalan ko .

I walk with confidence and glamour. Pakiramdam ko lahat nang mata nakatingin sa akin.

"Kimberly Sue Yap Chiu, represents the Ramos Tarlac team" sabi pa nang emcee.

"Hi Ms. Kimberly" paunang sabi nang emcee sa akin.

"Hello po" nasabi ko na lang.

"We're glad to see a beauty queen here" ani pa din nang emcee.

"My pleasure po"

"After winning the title as the Ms.Tourism Pacific Philippines, what comes next with you Ms. Kimberly?" maarteng tanong nang baklang emcee,

"I will represent our country to an international competition" maikli kong sabi.

"Well, goodluck sa'yo Ms. Kimberly, baunin mo ang pagbati nang buong Tarlac para sa tagumpay mo"

"Thank you po"

"Tulad po nang naka-ugalian na natin dito sa Tarlac, pipili tayo nang natatangi ang ganda mula sa mga naggagandahang dilag na ito sa pamamagitan nang inyong palakpakan"

"Hindi na lang ako sasali" nahihiya kong sabi nang bumulong ako sa emcee, pero hindi niya ako pinansin. Instead, nagpasimula na sa pagpili ang mga tao. Dapat naman kasi talaga hindi na ako kasama sa hanay nang mga babae sa harapan.

"And lastly, pumalakpak ang mga sumasang-ayon para kay Ms. Kimberly. And to my surprised ako ang nakakuha nang malakas na palakpak mula sa mga tao. And I must admit na iba yung pakiramdam na alam mong gusto ka nang mga tao, na pinili ako dahil sa tingin nila ako ang karapat dapat. Ni hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa kanila. I just stood in front of them.

"As your prized Ms. Kimberly, 5,000 pesos and a hotel and resort accomodation for one week sa Gabriel Hotel and Resort"

"Thank you" nasabi ko na lang. But I don't think magagamit ko pa ang hotel accomodation ko, panay na kasi ang tawag ni Mama. I need to go back to Manila katulad nang usapan namin ni Mama. She just gave me a week vacation.

"Let's go! " aya ko na kay Vangie after na matapos ang program.

"Okey, pero kakausapin ko lang si Tito saglit"

"Magkita tayo dun sa tabi, I just need to go to the bathroom" sabi ko na lang bago ako lumayo sa karamihan nang tao.

"Wow sexy" narinig kong sabi nang isang lalaki, kasunod nang pagsipol nang ilan. Alam kong ako ang pinatutungkulan pero I rather not entertain them. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ang suplada mo naman" komento pa nang isa. When I look at him, mukha siyang goons sa pelikula. Natakot ako, pero hindi naman ako papayag na bastusin nila nang ganun. I Stopped walking, tsaka ko sila hinarap.

"Excuse me! ako ba yung seksing sinasabi nyo?" at ngumiti pa ako nang tila nang-iinis.

"Aba'y ikaw nga, pwede ka ba naming pindut-pindutin"? sabi pa nang isa.

"Mahal po ang talent fee ko" hindi ako nagpakita nang takot. Pero huwag nila akong sasagadin at hindi ko sila uurungan.

"Okey lang, basta ba mahusay ka eh"

Bigla wala akong masabi.Lantaran na kasi ang pambabastos nang mga lalaking iyon. I'm about to walk away pero hinawakan na ako nang isang lalaki sa kamay.

"Nag-uusap pa tayo eh, name your prize, makuha lang kita" sabi pa nang lalaki.

"Sorry po pero hindi ako pumapatol sa matanda" pilit kong tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon