Chapter 10 Valentine's Day

2K 50 11
                                    

"Oh shoot pls" ! para akong tanga na sigaw nang sigaw as if maririnig ni Xian ang bawat pagsigaw ko. Isang buwan na akong nakaka-alis sa condo unit niya and sinced that day hindi pa kami nagkikita.

Hindi ko alam kung sinasadya niya or wala lang talaga siyang pakialam sa akin.

I've been waiting for him to text or call me, pero mukhang imposible. Paaasahin ko lang ang sarili ko.

Nagpakatotoo na ako

Nagmukhang tanga sa harap niya

Sinabi ko nang mahal ko siya

Pero wala pa din siyang sinabi about us. Kaya naisip ko noon, wala talaga siyang plano para sa aming dalawa.

Nung gabing yun, feeling ko pang-display lang ako sa media.

Pang boost nang ego niya

Duwag daw ako!!

Siguro nga duwag ako.

But god knows kung gaano ko kagustong maging matapang para sa aming dalawa.

Hinintay kong may sabihin sya

Gusto kong marinig from him that he feels the same for me.

But he just let me left the house.

"Yes"!!! napapalatak kong sabi nang ma-ishoot ni Xian ang bola. 10 seconds left, lamang ang team ni Xian nang dalawa dahil sa puntos na ginawa niya.

I'm missing him everyday, pero kapag hindi ko pa kasi gagawin ang paglayo sa kanya.

Baka habang buhay na lang akong masasaktan.

"Patawa ka din eh noh? sabi mo ayaw mo na sa kanya pero sa tuwing may laro si Xian para kang sira na panay ang sigaw jan"! naiiling na sabi ni Ate Cindy.

"Eh hayaan mo na! hanggang sa tv na lang naman ako" nagpapa-unawang sabi ko kay ate

"Hindi ba mas mahirap yan? nakikita mo siya, napapanood pero hindi mo pwedeng kausapin at puntahan"

"Mas maigi na yung ganito ate, at least hindi ako aasa"

"Kunsabagay nga, pero sayang siya" umiiling pang sabi ni ate.

"Paano mo naman nasabi"? curious kong tanong

"Saglit ko lang kasi siyang naka-usap pero nakita ko sa kanya yung goodness nang puso niya" seryosong sabi ni ate habang nakatitig din sa screen. Kasalukuyang nakatutok kay Xian ang camera, he was choosen to be the best player of the night.

"Sinong naging inspirasyon mo para sa gabing ito"? tanong nang sports anchor.

"Siya pa din, wala namang iba" playing safe na sagot ni Xian, pero naka-smile siya.

"Si Ms. Kimberly ba"? nang-iintrigang tanong pa nang anchor. Pero hindi siya sinagot ni Xian, he just smiled

"Why there's a need na isama pa ako sa usapan"?

"Because the public knows him being engaged to the beauty queen Kimberly Chiu"! maarteng sabi pa ni ate, kunwari may hawak pa siyang mikropono habang nagsasalita.

"Hmpp, hayan nga't kahit pabalat bunga hindi niya masabing ako yung inspirasyon niya"

"Affected"? tila nang-iinis pang sabi uli ni ate.

"Ma at Pa, Malay ko at Pakialam ko sa kanya"!!! madiin kong sabi.

"Pretender"! hirit pa ni ate bago ako iniwan sa salas.

Nang mapag-isa, nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Hanggang kelan nga ba ako ganito?

Hanggang kelan ko iindahin ang pambabalewala niya kung pwede naman akong mag-entertain nang iba.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon