Chapter 15 Again and Again

2K 51 14
                                    

Chapter 15

"What are you doing here"? kunot ang noong sabi ko habang nasa harapan ko si Xian. Puno ang kamay niya nang madaming laruan.

"Don't worry! Hindi ikaw ang pinuntahan ko dito"! pambabara namang sabi ni Xian. Napahiya tuloy akong bigla. Ngayon ako nagsisisi na pumayag akong maihatid niya nung nakaraang araw, nalaman pa tuloy niya kung saan kami nakatira.

And it seems na palagay ang loob nung dalawa sa isa't isa. Dahil sa matabil na bata si Xiana, I found out na nag-ice cream pala silang mag-ama.

At mas lalo akong nagulat nang marinig kong Dada ang tawag niya sa ama.

"Tulog si Xiana, hindi pwedeng gisingin!Kung gusto mo ako na ang magbibigay nitong mga regalo mo"! lantaran kong pagtataboy sa kanya. Lihim na lihim ang kabang nararamdaman Ayaw kong may mahalata siya na apektado ako sa presence niya.

"I can wait"! insist naman niya.

"Makulit ka din talaga noh? Hindi ba halatang itinataboy na kita"!

"Hindi ako aalis dito"! pagmamatigas nya.

"Go away! taboy ko sa kanya.

"Nakiki-usap ako sa'yo Kimberly, huwag mo namang ipagkait sa akin ang anak ko"

"Kimberly" sabi ko sa isip ko. First name basis na lang ang tawag nya sa akin ngayon.

I don't know why pero bigla nakaramdam ako nang kirot sa dibdib. Wala na yung dating lambing kapag tinatawag niya ako.

"AYOKO"! madiin kong sabi.

"Ayaw mo akong pakasalan! Ayaw mo ding makita ko ang anak ko"! tila nauubusan na ng pasensyang sabi uli ni Xian.

"Infact we don't need you in our lives, your wealth and your precence!" madiin kong sabi

"You've changed a lot"! naiiling na sabi ni Xian.

"Walang nagbago sa akin"!

"Bato na ang puso mo! Yun ang nagbago sa'yo"! iyon lang at umalis na si Xian. Pero iniwan niya ang mga regalo sa may pintuan.

Bato daw ang puso ko?

Gusto ko siyang sigawan!

Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi bato ang puso ko dahil kung bato ang puso? Hindi ko na sana siya mahal

Hindi na sana ako nasasaktan

Wala na sana akong nararamdaman

Pero kailangan kong protektahan ang puso ko mula sa bitag niya.

This time mas kailangan ko siyang iwasan.

Paano kung mahulog na naman ako sa bitag niya?

Hindi na lang sarili ko maapektuhan ngayon. Kung ako lang? Kahit paulit-ulit pa, kaya kong magpakatanga para sa kanya.

But not my daughter, as much as possible poprotektahan ko siya, not to feel the pain.

Tama na yung ako na lang

Okey naman kami ni Xiana noon eh, until he came to the real picture

Noon Ipinapakita ko lang yung picture ng Daddy niya, okey na iya

Itinuturo ko lang ang daddy nya sa monitor ng TV, masaya na siya

Gumagawa na lang ako nang dahilan kapag nagtatanong siya kung bakit sa picture at TV lang niya nakikita ang Daddy nya

Pero nung nakilala niya si Xian two days ago, nagsisimula na siyang magtanong.

Bakit daw hindi napunta ang Daddy nya?

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon