Love # 61: Power

323 6 4
                                    

[STACIE JAIDE YOUNG'S POV]

It's been days, naka-pagfinal exam na kami at ang final results na lang ang iniintay namin. But all in all, summer vacation na namin.

"Stacie, gusto ko ikaw mag-sstyle sa akin ha." masayang sabi ni Ria sa akin. Kasama ko s'ya dito sa may park, hinihintay n'ya kasi si kuya Kai na galing sa dance studio.

Tumango ako sa kanya, she's preparing for their marriage, civil muna since kailangan muna nilang grumaduate ni kuya Kai before their church wedding. It's only a private wedding na family and close friends lang ang aattend.

"Yay!" Tuwang tuwa na sabi ni Ria sa akin at niyakap ako.

Hindi pa masyadong halata ang tyan n'ya dahil ilang linggo pa lang naman ito, "By the way Ria..." tiningnan n'ya ako and tilted her head, "You're due on December di ba, paano ka next sem?" I asked her.

She smiled at me, "Si tito Malix na yung bahala." sabi nito and I smile. Oo nga pala, tito nga pala ni kuya Kai ang may-ari ng school, so aalagaan din nito si Ria.

"I'm suspecting na i-hohome school ka ni tito Malix then second sem, after you give birth, tsaka ka ulit papasok." natatawa kong sabi.

"Tumpak!" I shook my head, sabi na eh. Ganyan din ang ginawa ni tito Malix sa aming magkakapatid before when we were out of the country for a whole semester dahil ng work nina mommy and daddy, 

"Hayy, excited na akong makita yung magiging inaanak ko." sabi ko.

"Ang tagal pa Stacie ha." sabi ni Ria. "By the way, nasaan nga pala si Mark?" tanong n'ya.

"Ah, ngayon sila pipirma nung sa contract na napanalunan nila sa contest." at tumango naman s'ya.

"Pupunta ka ba dun?" tanong n'ya.

"Hmm? Oo, dadaanan ko sila." sabi ko.

"Ria! S-sorry... I'm late..." hinihingal pang sabi ni kuya Kai.

"Oh..." iniabot ni Ria kay kuya Kai yung bote ng tubig at agad naman itong kinuha ni kuya Kai at ininom, halata mong nagtatakbo s'ya para lang makarating dito.

"Salamat Stacie sa pagsama sa kanya." sabi ni kuya Kai.

I smiled at him and nodded, "Okay lang." Ayaw n'ya kasi na maiiwan na mag-isa si Ria kaya naman ito, inusap pa n'ya ako para lang masamahan ito.

"May pupuntahan ka ba? Hatid ka na namin." presinta ni kuya Kai sa akin.

Tumango naman ako at sinabi na ihatid na lang ako sa LM Entertainment.

"Salamat, ingat kayong dalawa." sabi ko at tsaka kumaway sa kanila, agad naman ako nagpunta sa may entrance at kinausap yung guard.

"Ah, manong..." pinasadahan ako nito ng tingin.

"Bakit po?" Tanong nito.

"Nandito kasi yung kapatid ko, pwede ba akong pumasok?" tanong nito.

"Naku hija, hindi uubra yan. Madami ng fans ang gumawa n'yan." sabi nito.

I sighed, "I'm Stacie Jaide Young, I have an I.D here if you don't believe me." sabi ko at kinuha sa wallet ko ang driver's license ko and school. I.D ko.

Napalunok naman yung guard at nahihiyang ibinalik sa akin yung mga I.D ko, "P-pasensya na po."

"No, it's okay." sabi ko at nginitian ito, "My brother is currently signing a contract here, I'm here to check on him." sabi ko.

A Taste of Love [YWFF Book 2 - Stacie's Story]Where stories live. Discover now