Love # 23: Confusion

279 6 0
                                    

a/n: Annyeong chingus 😁 I'm already apologizing for the grammatical errors and the typographical errors I commited.. didn't get the chance to proof-read it.. hehe.. plus, I put the video trailer on the PROLOGUE..I hope you have time to check it out.. thank you chingus 😘

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

[MIECHIE JADEITE YOUNG'S POV]

Ligtas na ngayon si ate, nandito kami ngayon sa loob ng hospital suite n'ya, meron s'yang oxygen mask kasi masyado daw madami ang nalanghap n'yang usok mula sa sunog. Buti na lamang daw at nailigtas s'ya agad, kung hindi, baka pinaglalamayan na namin s'ya ngayon.. Ayokong mawalan ng ate.. Yun ngang tatlong araw na nawala s'ya, sobrang lungkot na, ano pa kaya kung forever na s'yang mawawala sa buhay namin..

Naka-upo ako dito sa may sofa, sina mommy at daddy naman, nag-gagayat ng prutas, sabi namin magpahinga na muna si mommy pero makulit talaga, gustong alagaan agad si ate, si kuya Jaycie naman, nakatayo sa may bintana,na katabi ng kama ni ate Stacie..

Katabi ngayon ni ate Stacie si kuya Mark, simula ng isugod si ate dito sa ospital, hindi na umalis si kuya Mark sa tabi n'ya.. Hawak lang nito ang kamay ni ate.. Hindi binibitawan..

Napatingin naman ako sa isa pang tao na naririto sa loob ng kwarto.. Magugustuhan kaya ni ate pag nakita n'ya s'ya?

"Stacie?" narinig naming sabi ni kuya Mark kaya napatingin kami sa kanya..

Napatayo ito sa upuan at agad na hinaplos ang buhok ni ate..

"Baby?" napalapit naman kami nina mommy sa kama n'ya.. Unti-unti ay dumilat si ate..

Unang napunta ang mga mata n'ya kay kuya Mark.. Noong una ay napansin ko ang saya sa mata ni ate.. Pero agad itong napalitan ng lungkot, nanlaki ang mga mata nito na parang may naalala na kung ano at tsaka kumunot ang noo n'ya at napatingin s'ya sa kamay nilang dalawa..

Hinila ni ate palayo ang kamay n'ya sa pagkakahawak ni kuya Mark kaya nabigla si kuya.. Tinanggal naman ni ate yung oxygen mask n'ya at sinubukan n'yang umupo pero nanghihina pa s'ya..

"Stacie, you need to rest.." sabi ni kuya Mark sa kanya..

"Tama s'ya, anak.. Wag mo ng pilitin ang sarili mo.." sabi ni mommy at hinawakan ang kamay ni ate pero nagpumilit pa din si ate kaya walang nagawa si kuya Mark kundi ang alalayan s'ya.

Pero lahat kami ay nagulat ng itulak n'ya palayo si kuya Mark..

Nanghihina s'ya pero pinilit n'yang itulak si kuya palayo..

"Stacie? Stacie.." sabi ni mommy sa kanya at hinawakan yung braso ni ate kasi muntik na itong mahulog dahil sa pagtulak kay kuya.

"G-get.. o-out.." nanghihinang sabi ni ate kay kuya.

"Baby, c'mon.." sabi ni kuya Mark at nilapitan ulit si ate. "I know you don't want me to see you like this, but please don't push me away.. Let me take care of you.." sabi nito kay ate pero umiling si ate at muli s'yang itinulak ng buong lakas n'ya..

"L-leave.." yan ang sinabi ni ate.

Hahawakan sana s'ya ni kuya pero iniiiwas nito ang mga kamay n'ya.

"Mark! Leave!" nanghihina pa si ate pero nakuha pa n'yang sumigaw.

Sa kakaiwas n'ya kay kuya Mark at napalingon ito sa bandang likura nina mommy at kuya Mark..

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata n'ya.. Alam kong nagtama ang mata nila..

"K-kevin?" sabi ni ate.

A Taste of Love [YWFF Book 2 - Stacie's Story]Where stories live. Discover now