Chapter 48 . Version

21.5K 337 8
                                    

*Ryle POV*


Nagising ako dahil sa alarm clock ko. It's 7:00 in the morning. Pumikit ako pero ramdam ko pa rin ang sakit sa puso ko. Hindi man lang ito nabawasan. Akala ko sa pagtulog ko ay mawawala na ito pero wala man lang nangyari. Kahit kaunti ay hindi man lang ito nabawasan.

Bawat oras na dumadaan lalo lamang pumapasok sa sistema ko ang sakit, mula sa balat hanggang sa mga ugat ko ay tumatatak ang sakit.


"Urg. May lakad pa ako." naalala ko na pupunta kami nila tin ngayon sa mall.

Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo ako. Ang mga tao sa bahay ay halos pag-ingatan ako na tulad ng isang babasagin na bagay. Iniwan lang naman ako ng groom ko. Hindi naman ganon ka sakit. Sobra lang. Nagiging hypocrite nanaman ako.


"Ma'am?" katok ng maid sa kwarto ko.

"Enter!" sabi ko habang sinusuot ang shoes ko. Huminga ako ng malalim at liningon siya.

"Nandyan na po sila ma'am tin" sabi sakin. Tumango ako at nagsuklay ng buhok.

"Tell them na pababa na ako." sabi ko pero nagtaka ako nang hindi pa rin siya umaalis.

"Ma'am ayos lang po ba kayo? Pinapatanong po ng mommy niyo kung kaya niyong lumabas" napabuntong hininga ako muli at ngumiti. They are all worried. Kulang nalang ay isipin ata nila na magpapakamatay ako.

"I am okay.. I am great actually. Tell her not to worry" saad ko at tumango naman siya. Pagkalabas niya at nabitawan ko ang sapatos ko at huminga ng malalim.


Kinuha ko ang cellphone and wallet ko. Yan lang naman ang importante sakin. Bigla kong naalala ang necklace ko. Napahawak ako sa leeg ko.. that's why I felt like something is missing. Naiwan ko pala sa bahay namin ni luke pero I can't go back there.. babalik lang lahat. I'll just get it when everything is fine. If everything will be fine..

I sometimes wonder kung nasaan siya ngayon. Baka kasama na ang minamahal niya, nasa ibang bansa or what. Bahala siya! Bakit ko pa ba siya iniisip. He doesn't deserve my worry.


Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko silang nakaupo doon. Tahimik lang sila. "Let's go"sabi ko at tumuloy na sa kotse ni Ailee na gagamitin namin. I don't feel like driving today.

"Where's our first stop?" tanong sakin ni ailee. Napatingin ako sa labas ng bintana.

"Salon" sabi ko at tumango nalang sila. Napansin kong tahimik si sab. I mean, Ailee, me and Tin are expected to be silent but Sab? I don't think so?

"Sab? Are you okay?" tanong ko sakanya. Liningon niya ako at ngumiti siya. I know something is bothering her. I know her.

"Yup.. pagod lang ako" sabi niya.. pero hindi ako naniniwala but I think this is not the time to talk about this. So I just dropped the subject.

"We're here" sabi ni Ailee at bumaba na kami sa kotse at tumuloy sa salon.

"Hello girls! What can I do for you this time?" tanong ng friend namin sa salon. I smiled at her.. doon ko lamang napansin na ang sakit pala ngumiti. Damn. Dammit! I am bitter as fuck.

"A haircut that will change our looks completely." sabi ko sakanya. Kita ko ang pagkagulat sa mata niya pero pumalakpak pa rin siya para tawagin ang mga staff niya.


"Okay! Just relax and we will take care of it" sabi niya at umupo na kaming lahat. Tumingin ako sa salamin at napalunok. Hinawakan ko ang mahaba kong buhok.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapagupit.. I just felt like cutting it.


Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Napakabilis ng mga pangyayari pero isa lang ang alam ko.. linoko ako, pinagkaisahan ako at ginawa akong tanga ng lalaking minahal at pinagkatiwalaan ko ng buong buo. 

Kagabi.. paulit ulit sa utak ko yung mga napagsamahan namin, mga napagusapan namin sa mga nagdaang araw at mga bagay na pinangako niya na napako lamang. Bakit kailangan niya pa akong paasahin? Wala naman akong ginawa sakanya. Bakit kailangan ko pa siyang mahalin?

Wala na rin naman saysay kung tanungin ko ang mga bagay na to. No one can answer me. May kasalanan din naman ako.. hinayaan ko siyang gawin niya sa akin iyon.


"Magnifico! We are done! You all look fantastic and wonderful!" sabi ng may-ari ng salon. Napangiti naman ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. I look really good. Napahawak ako sa buhok ko, pinasadahan ko ito at natapos bago dumapo sa balikat ko. Damn! I look really good with my short hair.

Napatingin naman ako kay tin. Pinawave naman niya ang buhok niya at pinaikli niya. Si Sab naman ay pinapern ang buhok niya but she really looks pretty and Ailee.. pinawave din niya ang buhok niya and she removed her bangs.

"We look really amazing!" sabi ni Tin. Ngumiti siya at kita ko na may kulang doon. 

"Of course! this is our Version 3.0!" sabi ko at tumawa sila. Ang sarap pakinggan ng tawa nila.. that is enough for me.

"Gusto ko yan! 3.0 na!" sabi ni ailee at nagtawanan kami ulit. Hinawakan ko sa braso si Sab.

"Let's eat and then we can go to our house and have a rest because we have a flight tomorrow early in the morning" saad ko at at tumango naman sila. 


Naglakad na kami sa mall, we made ourselves feel that we deserve more. Hindi kami dapat nasasaktan ng ganito. Hindi kami nagusap ng mga bagay na alam namin makakasakit sa amin. Puro magagandang ala-ala ang binalikan namin. Lahat ng escapades namin ay pinagusapan namin. Pati ang pag gising ko sakanila dati dahil ayoko makasabay sila mommy ay pinasok nila.

It was good having this time with them. Somehow.. nahahawakan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi.. hindi ko makita ang sarili ko.


I know I need to find it and I will.. for sure.


This is the change..

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceWhere stories live. Discover now