Chapter 32 . Interview

20.7K 326 1
                                    

*Ryle POV*


"Saan ka galing? Nauna pa akong umuwi sayo" salubong ni luke sa akin. Masyado kasi akong nadala sa pagkekwentuhan namin ni seff eh.

Napatingin ako sakanya.. nararamdaman ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. It's like this uh? I always feel different when I'm around him.


"I just had a little chitchat with my friend" sabi ko sakanya. Hindi ko naman pwede sabihin na si seff yun dahil mabigat nga ang dugo nila sakanila. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. He's showing too much emotions, hindi ako sanay.

"Sinong kaibigan? Andito na sila tin" tanong niya sa akin. Hindi ako sanay na ganito siya. What the heck is wrong with him?

"Okay fine. Pumunta muna kami ni seff sa isang ice cream parlor. Hindi ko namalayan yung oras" sabi ko sakanya. Naiyukom ko ang mga palad ko.

Kita ko ang pagtagis ng bagang niya..

"Hindi namalayan? Kaya naman pala nasasabihan kayong flirt eh" tumaas bigla ang dugo ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Masama na ba makipagkaibigan ha?! Bahala ka na nga! Akala ko iba ka sa mga kaibigan mo!"sabi ko sakanya at umakyat na sa kwarto ko. Nakakainis! Ang ganda ng gabi ko, sinisira niya.


*Ailee POV*


Pahiga na sana ako sa kama ko pero biglang may nagtext sakin na hindi ko inaasahan ang laman.

'Ysa, I miss you so much. When will you come back? I love You'  yan ang laman ng text. Tinignan ko ang sender. Si James.. ysa? Sino yun?

Naramdaman ko ang pagguhit sa puso ko. Am I affected? Do I like him? For real?

Ailee, bakit ka naman malulungkot diba? Wala namang kayo! Gumising ka na sa katotohanan.. pero sino kaya si Ysa? Buong gabi yan lang naiisip ko. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Ysa at James.


Paano ko kaya haharapin bukas sila james? Kami ni Tin ang mag i-interview sa transferees. Club week kasi at kasama kami sa newpaper club. Itinulog ko na lang to dahil sasakita lang ang ulo ko, kakaisip.


*Sab POV*

Nag aayos ako ng gamit ng club namin. Sa broadcasting ako sumali. Rinig ko ang papalapit na yapak sa likod ko and base sa mga paru-parong lumilipad sa tyan ko. Malamang si Nicoline Landford ang nasa likod ko.


"Sab" lumingon ako.

"What?" tanong ko kay Nico. I'm being harsh pero naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Please talk to me" sabi niya sakin. I can see na nahihirapan din siya pero I can't believe this!

"Ano ba?! Magkano ba yung pustahan at babayaran kita. Para hindi mo na ako guluhin" sabi ko sakanya. Sanay akong makitang lagi siyang tumatawa at nagbibiro kaya hindi ako sanay na makita siyang seryoso.

"Its not about that" sabi niya sakin.

"Tingin mo maniniwala pa ko sayo? Pwes manigas ka!" sabi ko at lumabas na sa room ng broadcasting.

"Ailee!" tawag ko sakanya. Nakaupo kasi siya sa may stairs at nagmumukmok kasama si ryle.


Ryle was wearing her usual bitch face while Ailee is looking like a love sick puppy.

"Napano?" tanong ko sakanila. Pinabasa nila sa akin ang text ni james pero hindi para kay ailee ang laman. Bumibinggo na ang magkakaibigan na 'yon.

"Baliw pala yun eh! Magpapakita ng motibo tapos ganyan!" naiinis na talaga ako sa magkakaibigan na yun!

"Ailee, wag mo na isipin yun. Ganito nalang .. be professional okay?"sabi ni Ryle kay ailee.

"Atsaka ipakita mo na hindi siya ang mananalo sa laban" sabi ko at biglang nagsmile si ailee. "Thanks girls." Naghiwalay na kami ng mga landas at pumunta sa mga clubs namin.


*Tin POV*


"Ready na ba yung mga questions?" tanong ko kay ailee.

"Yup.. bakit pa kasi tayo ang na'assign dito" inis kong sabi. Ayoko talaga silang mainterview.. ayoko nga silang makita.

"I know right. Pwede naman ako sa editorial eh" sabi ko sakanya.

"let's go nalang nga" sabi niya sakin at pumunta kami sa cafeteria dahil nakaupo doon sila luke.

"Excuse me?" tanong namin at napatingala sila samin.

"We are here to interview the four of you for are news paper club" sabi ko sakanila at umupo sa harap nila. I need to be formal.

"Don't be too formal" sabi ni luke. Umiling ako.

"I want to" sabi ko sakanya.

"So first question .. why did you move here?" tanong ko sakanila.

"I think its destiny to meet the four of you" sabi ni charles. Napabuga ako ng hangin sa sagot ni Charles. Liningon ko si Luke at ngumiti ako.

"Luke please answer.. mukhang walang sasabihing maganda ang kaibigan mo" sabi ko.

"Okay.. our family wanted that" sabi ni luke at tumango ako.

"So what did you feel when you first entered this school?" tanong naman ni sab.

"Happy because we saw four beautiful angels" sabi ni nico pero inirapan siya ni sab. Rinig ko ang mahinang mura ni Sab.

"Luke.. mind to answer the question?" tanong ni sab. Si Luke lang naman ang normal dito.

"Nainis kami nung una dahil ayaw talaga namin lumipat pero after that naging masaya naman kami" sabi ni luke.

"So.. masasabi niyo bang hindi kayo nagsisisi sa pagpasok dito?" tanong ko ulit.

"Hindi dahil nakilala namin kayo" sabi ni james.

"Hindi namin pwede isulat yang sinasabi niyo. Newspaper to okay? Makikita lahat ng studyante so si luke nalang ang magsasagot dahil siya lang naman ang may maayos na pagiisip" sabi ni sab.

"Hindi kami nag sisisi dahil masaya dito sa school niyo. Very welcome kami and it gave us everything that we need, to best education and to meeting new friends." sabi naman ni luke.

"Okay .. aayusin muna namin tong mga sagot niyo. Sige bye.. marami pa kaming gagawin" sabi ni sab at tumayo na kami.

"Tomorrow na ang birthday ko. Sana makapunta kayo" sabi ko sakanila. Kahit naman inis ako sakanila ay gusto ko pa rin sila pumunta.

Umalis na kami.

"You will still invite them?" tanong ni sab sakin.

"Kasama ang parents nila sa ininvite ni mommy" sabi ko at tumango nalang si sab.

After ng interview binigay na namin sa mag eedit ang naisulat namin. Umuwi kami kaagad at kumain lang saglit.


Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon