Chapter 35 . Waiting

21.4K 351 16
                                    

*Ailee POV*


Buhat buhat parin niya ko. Nakikita ko naman na nahihirapan siya.


"Ang bigat mo!" biglang niyang daing. Binabawi ko na yung awa ko.

"Tss! Sino ba nag sabi na buhatin mo ko?" pagtataray ko ulit. Bigla niya kong binaba.

"Hoy! Bahala ka nga! Bubuhatin mo ko tapos iiwan mo din ako dito" sabi ko pero syempre hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sakanya. Umupo nalang ako sa tabi ng daan.

"Tara na" sabi niya sakin at umupo siya sa harap ko.

"Akala ko ba mabigat ako?" sabi ko sakanya tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"Wala na man akong sinabi na binabawi ko na mabigat ka" Aba! Sipain ko ata to!

"Pero hindi ibig sabihin non, Hindi ko na rin titiisin yang bigat mo" sabi niya sakin. Damn! Bakit kailangan niyang sabihin 'yon?

"Wag na! baka napipilitan ka lang" pagkasabi ko non bigla niya akong binuhat na parang sako.

"What the heck! Bring me down!" sabi ko pero tumatawa lang siya. After a few minutes nag sawa din naman ako.

"May bahay don" turo niya sakin sa isang bahay. Binaba niya ko don at kumatok kami.


"Sino kayo?" biglang bumungad sa harap namin ang isang babaeng halos iluwa na ng suot niya.

"Ahm.. miss pwede bang makituloy kami ngayong gabi. Nasiraan kami ng motor." sabi ni renzo. Kung makatingin naman kay renzo parang tutuklawin niya. Sinamaan ko ito ng tingin pero parang wala man lang pakielam.

"Ehem" literal kong saad. Hindi parin kasi siya sumasagot. Napatingin siya sakin bigla.

"At ikaw?" tanong niya sakin. Dukutin ko ata ang mata nito eh.

"Girlfriend niya" sabi ko. Dapat magsasalita na si renzo pero inunahan ko siya. Sige babae! Tignan natin.

"Sige tuloy" sabi niya samin at hinatid kami sa kwarto na pwede naming tulugan.

"Isang kwarto lang?" tanong ko dun sa babae.

"Oo. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay na ito at tutal boyfriend mo naman siya diba" sabi niya at pinagsaraduhan kami ng pinto. Napatingin naman ako kay renzo na sobra kung maka ngisi.

"What?" tanong ko habang nagtitingin tingin sa paligid ng kwarto.

"Kailan pa kita naging girlfriend?" tanong niya habang naka ngisi.

"Concern lang ako sayo no tsaka girlfriend.. babaeng kaibigan."sabi ko sakanya. Habang inaayos ko ang sofa don.

"Sus.. kung alam ko lang gusto mo pala ng ganito pero anong ginagawa mo sa sofa?" tanong niya sakin.

"Dito ako matutulog malamang. Alam ko na man na diyan ka sa kama" sabi ko sakanya at kumuha ng ilang unan.

"Edi tabi tayo" sabi niya sakin! Nababaliw na toh!

"Over my dead sexy body" sabi ko sakanya at umupo na sa sofa. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin. Natigilan ako nang humiga siya sa lap ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo! Alis nga!" sabi ko habang inaalis siya pero nakapikit na siya.

"Mukhang napagod kita.. sorry renzo" sabi ko at pumikit na rin. Hinayaan ko nalang siya na humiga sa lap ko tutal ako naman ang may kasalanan ng lahat.


*Ryle POV*


Kumakain kami ng breakfast nung biglang dumating si ailee.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceWhere stories live. Discover now