Chapter 36 . KIDNAPPED?

19.5K 300 7
                                    

*Sab POV*


Naglalakad ako sa may hallway ng campus namin. Mag isa akong pumasok dahil sinundo ni Tin at Ryle si Ailee. Gusto kong sumama kaya lang may kailangan akong ayusin sa club namin.

"Pst" Lumingon ako pero pagtingin ko sa likod ko. Wala namang tao.

"Pst!" Wag kang lilingon sab. Binilisan ko ang lakad ko pero naramdaman ko ding binilisan niya.

"Pst!" ano ba naman yan. Wala naman akong kilala na ganyan ang boses ah? Bigla akong tumakbo pero nung nahabol niya ko bigla niyang tinakpan ang bibig ko.


May naamoy akong kakaiba....


*Ailee POV*


Nakakainis naman! Paano ako lalabas sa kwarto na toh? Paano pag makita ko siya? Anong gagawin ko?

Nagring ang phone ko kaya chineck ko kung sino ang nag message.


From: Ryle

Susunduin ka namin. Hintayin ka namin sa may souvenir shop. Ang ganda ng mga gamit dito. Chao.

Grabe! Souvenir shop? Ano sila tourist? Namomroblema na nga ako eh. Alam ko na.. unti unti nalang ako lalabas para hindi niya makita. Lumabas na ako at dahan dahan bumaba sa stairs.

Slowly..

Malapit na..

Konti nalang..

Malapit na..

Maabot ko na yung pintuan..


"Ailee" breath in.. breath out.

"Hi!" sinabi ko kasabay ng matamis na ngiti.

"Anong ginagawa mo?" sabi niya habang naka ngisi. Nakita na ngang umiiwas ako!

"Wala naman" deny ko sabay iling.

"Sigurado ka?" tanong niya ulit. 


Humakbang siya palapit sa akin kaya humakbang ako patalikod.

"Oo naman! Kailangan ko ng umalis. Susunduin ako nila Ryle eh. Thank you ah!"sabi ko at aalis na sana.

"Hatid ko na kayo" sabi niya. Umiiwas nga ako! Kulit nito!

"May kotse sila" sabi ko naman at hahawakan ko na sana ang door knob.

"Okay lang. Papasok din naman ako" sabi naman niya. Kulit!

"Ano ba naman! Umiiwas nga ako diba!"


What the heck did I just said? Why did I said that?

"Bakit naman?" kita ko ang pagkunot ng noo niya. Pinahihirapan ata ako nito eh!

"Wala. Nevermind.. sige hatid mo na ko. Nakaksawang makipag argue sayo. Ano ano tuloy nasasabi ko" sabi ko at lumabas na. Nakita ko ang veranda.. dito ko naranasan ang mainis, kiligin, magulat at mag daydream.

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?" sipain ko ata to! Ganda na ng umaga ko oh!

"Wala. Sabi ko nga tara na" naglakad nako sa may kotse niya at sumakay. 


Napakatahimik ng byahe. Hindi ako kumikibo dahil naalala ko ang nangyari kagabi.

"Yung kagabi nga pala" bigla siyang nagsalita. This is what I don't want to happen.

"Yun ba, alam ko naman eh. Joke mo lang yun" sabi ko at tumingin sa bintana.


Sige lang Ailee. Bluff everybody.

"Totoo yun" No.. don't listen to him Ailee.

"Salamat" Great! What an answer Ailee! This is killing me to the depths of my soul.

"Welcome" saad niya at rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Ayun sila oh!" sigaw ko. Tumigil naman si Renzo sa harapan nila.

"Sakay na" sabi ni ni renzo

"Thank you!" sigaw nung dalawa.

"Asan mga sasakyan niyo?" tanong ko sakanila.

"Wala kaming dalang sasakyan. Si Sab naman dala yung sasakyan niya, tsaka alam naman namin na ihahatid tayo ni Renzo." sabi ni Tin.


Are they really my best of friends? Bakit hindi nila ako tinutulungan?

"Okay lang sa inyo yon?!" sigaw ko.

"Oo naman. Tignan mo to. Binilhan ka namin ng keychain" sabi ni ryle. Patience Ailee.. patience is a virtue.

"Ewan ko saiyo. Si sab nasaan?" tanong ko sakanila. Inabot sa akin ni Renzo ang isang basong kape. Kailan pa siya nagdala ng ganito?

"Nauna na sa school. Wait tawagan ko" alok ni tin.

"Cannot be reach" sabi ni tin pagkatapos niyang tawagan.

"Ang weird.. never pang namatayan ng phone o nawalan ng signal si sab. Tsaka school natin yun.. nababalutan ata ng signal yung school natin." sabi ko sakanila. Nagkibit balikat naman sila.


Ayoko naman magisip ng masama.


"Bilisan nalang natin"sabi ni ryle.


*Sab POV*

Nasaan ako? Diba dapat pag nakikidnap.. sa abandoned house o lugar dinadala. Iba yung kidnappers ko! Sosyal, ang ganda ng bahay. Okay sab! This is not the right time to say this things.

I might die. I might die today! Sana kung may ransom man ito ay bayaran agad nila dad.


"Gising ka na pala" May dalawang mukhang hitad ang lumapit sakin.

"Ops! wag mo akong hahawakan. Pera ba ang kailangan niyo? Sabihin niyo sa daddy ko. Marami yun pera" sabi ko sakanila pero tumawa lang sila. Anogn nakakatawa?

"Promise!! Bibigyan namin kayo ng pera. Wag niyo lang ako hahawakan at sasaktan" sabi ko pero tumatawa parin sila.

"Ano ba yan?! Tawa lang kayo ng tawa! Pag nalaman ng mga kaibigan ko to! Lagot kayo" sabi ko ulit pero wala eh.. tawa parin ng tawa!


Naiinis na ako sa mga to.

"ANO BA NAMAN?! STOP LAUGHING!" sigaw ko.

"Sabi ni boss. Madaldal ka daw talaga kaya naman nag handa kami" bigla nilang pinakita sakin ang isang makapal na tape at idinikit sa bibig ko.


Dumaing ako. Pero habang nagpupumiglas ako biglang bumukas ang pinto.

Hindi ko inaasahan ang nakita ko.


Bakit??


Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceWhere stories live. Discover now