Chapter 3 . MEET THE 4 PRINCE

47.5K 800 35
                                    

*Ryle POV*


I can hear my classmates whisper, giggle and their enthusiasm for the four guys in front of us. 


"Ang gwapo nila!" napataas ang kilay ko.


"Ang hot" saan banda?


"OMG! I met my prince!" Nasan ang kabayo?


"he's gonna be mine!" Pwede akuin ang tao? Sayo na!


"Please introduce yourself." Wika ng prof namin na mukhang galak na galak sa nakikita. Hindi man halata kay ma'am na masayang masaya siya.


Tumango ang isa sakanila.

"Hi I am James Scott White. Call me James" Saad ng isa sakanila na nakasuot ng white shirt at pants. In fairness.. may taste siya sa fashion.


He took a step back at ang isa naman sakanila na may ngiting aso ang tumapak sa harap. He looks to happy and feeling pa-cute.

"Hi I am Nicoline Landford, call me Nico" Landford? As in Landford Medical Center? Great.. another elite in this school.


"Hey! Charles Stanley here!" Napa-ismid ako sa isang lalaki. Napaka-jolly niya naman. Mukha pang babaero to.. yung tipong panay bar. I don't know.. feeling ko lang naman. He was wearing a cap and a polo shirt.


Naramdaman ko nanamang tumaas at kumulo ang dugo ko sa tinignan nila. They are all waiting for the cruel guy to talk. Let's wait.. but I'm not anticipating anything. Sigurado akong magyayabang lang to.


"Luke Jospeh Scott." Wow. Information overload. Ang dami niyang sinabi na napuno ang isang oras namin dito. Napatingin siya sa gawi ko sabay ngisi, what is he smirking about? Pinanlakihan ko siya ng mata. Wag mo akong maganyan ganyan.


Wait.. what?! Scott?! Great! Another great information!? I just became the principal's son.. No.1 enemy.


Napahawak ako sa noo ko at pinilit na tumingin sa notes ko. I just busied myself sketching gowns. Gusto ko mag fashion design sa college so I am trying my best to enhance my sketches.. kahit ayaw nila mommy I will get what I want.


I will.


Nagtanong pa ng ilang tanong ang prof namin kaya nalaman kong lahat pala sila ay Elite. Nakinig ako without looking at them. Naririnig ko pa ang mga kaibigan kong naguusap pero hindi ko nalang pinansin. I am here to study not to gossip.


Lunch time at sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria. Sa wakas ay wala na sa paningin ko ang mga lalaking iyon. Nag-order kami at dumiretso sa favorite table namin sa gilid. I just sat there quietly and ate my food.


May napansin din ako sa cafeteria.. they are all talking about the four transferee. Pinaguusapan nila kung gaano kagwapo at gaano kaswerte ang mga kaklase nila. Wow.. edi palit kaming section. I am more willing.. pero hindi pwede sa section namin ang puso love life ang inaatupag.


One more thing.. kasama ang table na kinabibilangan ko sa nag-uusap about don.


"Hey! Ang pogi ng mga transferees noh?" Ailee? Nangingilabot talaga ako pag si Ailee na ang nasasabi ng ganito. Hindi niya bagay at hindi naman siya madalas pumuna ng looks. So nagwapuhan talaga siya sa mga yon, that means.


"Yup! I agree Ailee! Looks like.. this school year will be great!" dagdag ni Sab. Well, there's no difference to Sab. Lahat naman ng lalaki para sakanya ay gwapo. Kahit hindi masyado.. hahanapan niya ng good points.


"Yes! Tsaka.. they are pretty humble. Hindi lang talaga makakaila that they are all from a wealthy family lalo na ang isa don, anak pala ng may-ari ng school." saad naman ni Tin. Humble? Humble their faces.


Tumahimik silang lahat kaya napa-angat ako ng tingin. They we're all looking at me like they're waiting for me to talk. I raised an eyebrow. Anong problema?

"What?" matipid kong tanong at sumubo ulit ng pagkain. 

"Wala ka bang masasabi? I mean.. wala ka man lang say, Ryle?" tanong ni Sab habang sumusubo na ng fries niya. Nag kibit-balikat ako at ngumiti.

"Wala" sagot ko at uminom ng tubig.


"Hay! Ibang klase ka talaga. Sabagay mukha silang walang alam kundi mag pa-gwapo nalang.. you know cassanova." saad ni Tin kaya napangiti ako lalo. Tin deserves an award! Opening eye award.


"Kuha mo Kristine!" sabi ko at nag-toast pa kami ng bottle. Natawa siya kaya natawa din ako.


"Nagwapuhan lang naman.. wala na tayong ginawa kung hindi maging over achiever. Alam ko naman na studies muna.." sabi ni Ailee. Tumango ako.. I understand them. Wala namang mali sa pagkakacrush. Besides.. tama siya, we we're all born to take over the different business of our family.


Maybe this is their way of breathing. Sa akin kasi, wala akong ganon. I'm still looking for it though.


"Alam mo Ryle, hindi naman masamang huminga minsan. Try mo.. masaya" natatawang sinabi ni Sab kaya natawa na rin ako. I know.. it will really feel good pero wala akong mahanap na timing kung saan ko gagawin yon at paano ko gagawin iyon.


Everything is normal after that lunch time..I'm still waiting for our driver to come. Hindi ko kasi nakuha ang sasakyan ko kanina dahil ang susi ay nasa drawer ni dad sa offcie niya. I texted our driver already pero uunahahin niya muna daw si mommy at daddy. Sila Sab naman ay nauna ng sinundo, while Ailee got home by herself dahil dala niya ang kots niya. 


Napagdesisyunan kong pumunta sa rooftop. My favorite silent place.. wala naman tao dito at kahit sumigaw ako dito ay hindi naman nila malalaman kung sino.


"Ahhhh!" I screamed at the top of my lungs. Naramdaman kong nanubig ang mata ko at napahawak ako sa puso ko. I just felt so empty.. "I hate this! I hate.. everything" napahikbi ako.


"Can you just please.. make this a little bearable for me?!" I clutched my shirt and sobbed. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Huminga ng malalim dahil sa sakit ng puso ko. It's like I just want to burst and stop this pain.

"I don't want every wealth in this world. A happy family will do.. yun lang naman.. just that pero bakit ang hirap kunin?" Nagtaas ako ng tingin para pigilan ang mga luha ko pero sadyang pasaway ang mga ito at pilit pa rin silang lumalabas.


"Shit! Ano ba yan?!"

Mabilis akong napapunas ng luha at mabilis na hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun. May lumabas mula sa hidden stairs at napaawang ang labi ko.



A tear escaped my eyes.  


"Scott?" mahina kong bulong.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceWhere stories live. Discover now