Chapter 37 . Fixed? or NOT?

20K 313 5
                                    

*Sab POV*


NICO?!

"Labas muna kayo" sabi niya sa dalawang hitad. Nagbow sila at lumabas na, tinggal naman niya yung tape sa bibig ko.

"Ano nanamang kalokohan toh?" tanong ko sakanya.

"Ayaw mo kasing makipagusap sakin eh. Ito lang ang naisip kong paraan." sabi niya sakin at umupo sa harapan ko.

"Alam mo ba na pwede kitang kasuhan ng kidnapping?" tanong ko at inirapan siya.

"Makinig ka muna sakin pwede?" tanong niya sakin.

"Ayoko" sabi ko.

"LISTEN TO ME FIRST!" Napaigtad ako sa sigaw niya kaya natahimik ako.


"Okay" I whispered.

"Mali lahat ng akala mo. Kaya ko lang naman nasabi yon.. para palakasin yung loob ni james. Nagiging torpe kasi kay Ailee" sabi niya sakin.

"Ah! So pampalakas pala ng loob ang pag pusta?" sabi ko using my oh-so-famous-sarcastic-tone. Ayoko makipagaway pero pinapataas niya ang dugo ko.

"Hindi.. you're being stubborn!" Ako pa ngayon ang stubborn?

"Paano ako maniniwala sayo kung yung tungkol kay james.. mali ka! May Ysa na siya." sabi ko sakanya. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng matalim.

"Ysa is his past now. Alam namin na si AIlee na ang gusto niya" sabi niya sakin. You're bluffing!

"He told Ysa that he still love her." sabi ko at nagulat siya. 

"Okay! Pero hindi yung ang problema. Ang problema natin ang aayusin natin ngayon" sabi niya sakin. Umiwas lang ako ng tinigin.

"I like you. Mahirap kung sasabihin kong mahal na kita dahil masyado pang maaga pero ito ang sinisugurado ko. Gusto kita at ayokong mawala ka sakin" sabi niya sakin. Napaaawanga ang labi ko. He was too straight. 


Tinignan ko siya sa mga mata. Nakita kong seryoso siya.. yumuko ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"I am sorry" sabi ko sakanya. Sumasakit ang puso ko.

"Its okay.. atleast okay na tayo" tinangal na niya yung tali sa likod ko at lumabas na kami papunta sa kotse niya.


Hindi nagtagal nakarating din kami sa school.

"Sige.. pupuntahan ko lang sila ailee" sabi ko sakanya at tumango siya.


"TIN!" sigaw ko. Nakita ko sila sa may canteen.

"Sab! Saan ka galing?" tanong nila sakin pagkaupo ko sa table namin.

"Hmm... okay na kami ni nico" sabi ko sakanila.

"Good" sabi nila. Napasimangot ako sa mga itsura nila.

"So.. dapat makipag ayus na rin kayo sakanila. Ikaw ailee, pakinggan mo muna si james. Tin, mag move on kana. Ryle.. learn to love luke" sabi ko sakanila at biglang nag iba ang timpla nila.

Did I said something wrong?

"Huh? Sab, hindi porkit okay kayo ni nico. Magiging okay din ang lahat. Tandaan mo wala akong karapatan na humingi ng paliwanag kay james at isa pa.. past niya yun eh, wala akong laban don" sabi ni ailee at bigla siyang umalis. Napayuko nalang ako, masyado lang siguro akong nadala sa kasiyahan ko.

"Sab hindi ako galit pero medyo sumobra ka ng konti doon.. I'll try to talk to her."sabi ni ryle at umalis din.

"Sab, mali ka sa ginawa mo. Siguro you just want the best for us lalo na at okay kayo ni Nico pero hindi lahat pwedeng mag ka ayos."sabi ni TIn. Hindi naman ako iniwan ni tin.


*Ailee POV*


Hindi ako galit sab. Hindi ako galit.. na shock lang ako sa mga sinabi niya. Napakadaling sabihin niya yun dahil okay na sila ni nico.  Kumakain ako ng Ice cream ngayon habang nakaupo sa swing.

Biglang may humawak sa swing. Titingin sana ako sa likod kung sino yon pero nag salita siya.

"Don't turn around" Natigilan ako. Si James to.. sigurado ako.

"Okay" sabi ko naman.

"Naghintay ka ba ng matagal nung isang araw" tanong niya sakin. Biglang tumulo ang mga luha ko, naalala ko nanaman ang katangahan ko.

"Hindi naman.. umalis na din ako mga 9:30" sarcatic kong sabi sakanya.

"WHAT?! Why did you stay there?!" bigla siyang pumunta sa harap ko. Lalong nanikip ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Parang ang tagal na nung ganito kami kalapit.

"Wala eh. tanga ako" bigla niyang pinunasan ang luha ko at yinakap ako.

"I am sorry.. I should have texted you or called you. May emergency lang kasing nangyari. Nahospital si Ysa" sabi niya sakin habang yakap yakap ako. Ysa.. ano nga bang laban ko sakanya.

"Alam mo ba kung anong masakit? Habang naghihintay ako doon. Kung ano anong sinasabi ko sa sarili ko.. tulad ng natraffic ka o kung ano pa man. Bumalik din sakin yung sinabi mong flirt ako. Naisip ko na baka ginagantihan moko. Pero alam mo.. kahit anong pumasok sa isip ko, hindi parin ako umalis doon. Umaasang may himala at bigla kang dumating" sabi ko sakanya.

"I am sorry.. hindi ko alam" sabi niya sakin at bigla siyang umalis sa yakap namin at tinignan ako sa mata.

"I am sorry? Hindi mo alam? Bakit ganon? Lagi kang walang alam? Hindi mo alam na nasasaktan na ako. Hindi mo alam na naghihintay parin ako. Hindi mo alam na nawrong send ka. Lahat hindi mo alam.. paano mo nga naman malalaman kung hindi mo susubukan alamin diba?" sabi ko sakanya.


"I am really sorry" bigla nanamang dumaloy ang luha ko.

"Habang siya.. kasama mo. Ako? naghihintay don. Kahit lang man sana text na hindi ka makakapunta ginawa mo. Atleast hindi ako nag mukhang tanga." sabi ko sakanya. Pinunasan nanaman niya ang luha ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit ako naghihintay ng sagot mula sayo. Wala ka namang responsibilidad na sumagot" sabi ko sakanya. Mag sasalita sana siya pero pinigilan ko.

"Alam ko naman eh. Si Ysa na yung pinag uusapan. Past mo yun, wala akong laban don" sabi ko at tumyo na. Bigla niya akong yinakap ulit.

"Wala akong mapapangako sayo pero please.. trust me Ailee. Kung papipiliin ako sa inyo alam ko na ikaw ang pipiliin ko. Ikaw kasi ang nasa puso ko ngayon"sabi niya. Alam kong seryoso siya dahil nagtagalog siya ng deretso. Okay hindi to time para mag joke. Tumango nalang ako.


Sana hindi ko pag sisihan tong desisyon ko.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceWhere stories live. Discover now