Day 10

58 4 0
                                    

Day 10

Di ako makapakali ngayon. Ngayong araw kasi dapat kami magkikita ni Ezekiel at di ko alam kung ano gagawin ko. Sinabi niya kahapon na mahal niya ako at at at at hinalikan niya ako! Waaaaaaa naramdaman ko bigla ang pamumula ng mukha ko leche.

First kiss ko yun! Naku bat niya ba kasi yun ginawa pwede namang halayin niya na lang ako eh charot lang. Namimili pa ako ng damit na susuotin ko ngayo. Alam niyo na dapat palagi akong maganda sa paningin niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa dilaw na bestida. Kinuha ko aga 'yon at sinuot. Ito ang hulig regalo ng tatay ko bago niya kami iwan. Maganda naman ito at madaming palamuti sa paligid.

Kinuha ko ang boots kong dilaw dahil maulan lang naman . Sayang effort kung magsosoot ako ng matataas na sapatos baka iwelcome ako bigla ni floor.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at hanggang ngayon wala pa din akong natatanggap na text mula sa kanya. Nagcompose ako ng text para sa kanya.

To: Ezekiel ♥

Good Morning! J

Lalagyan ko pa sana ng puso kaso tinawag na ako ni mama. Bumaba naman agad ako. Muntikan pa sana akong matisod ng maybiglang maysumalo sa akin. Naramdaman ko ang matigas na braso nito na nakapulupot sa aking tiyan. Gulat koi tong liningon.

Nangilid namna agad ang aking luha sa mata ng nakita ko ang lalaki sa harapan ko. Nilunok ko ang mga nagbabadyang luha na dumaloy sa aking pisnge. Sa tagal ng panahon na hindi siya nagparamdam sakin ay heto siya nasa harapan ko. Gusto ko siyang sampalin ng malakas pero nawalan na ako ng lakas.

Agad akong kumalas sa pagkakahawak niya at hinarap siya. Nakaramdam ako ng pagpipiga sa aking puso lalo nasa harapan ko ang taong unang kong minahal at unang nagiwan sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong sa kanya. Nakita ko naman sa kanyang mata ang sakit.

"A-anak kain muna tayo" pagyaya ni mama sakin at hinila ako papuntang kusina. Nakatingin pa din ako sa lalaki habang hinihila ako ni mama. Nakita ko siyang umupo sa tabi ni mama pero agad naman akong umubo at tiningnan siya ng masma.

Umismid naman siya at lumipat ng pwesto. Tahimik lamang akong kumakain habang silang dalawa ay tahimik ding nagmamasid sakin. Binaba ko ang baso at tumingin sa kanilang dalawa.

"Bat ka nandito?" tanong ko uli sa kanya. Nagulat naman siya at tumingin din sakin.

"Nak nandito ako para makasama kayo ni mama mo" ngumiti siya ng tipid sakin pero bigla lamang ako natawa.

"Anong akala mo samin ni mama bagay na pwede mo lang iwan basta-basta at babalikan kung kelan gusto mo" di ko namalayan na tumataas na pala ang boses ko. Mayrespeto ako sa matanda pero sa kanya? Wala!

"Nak!" pagsaway sakin ni mama at hinawakan ang kamay ni papa. Gusto kong tusukin ng tinidor mga kamay nila dahil nandidiri ako doon.

"Bakit ma? Tama naman ako ah?" bakas sa boses ko ang pait at pagkamuhi. "Iniwan niya tayo noon tas babalik siya kung kelan tanggap ko na at kaya na natin mabuhay na ng wala siya! Ang problema kasi sainyo sa sobrang bait niyo di niyo na naisip na may mga bagay na dapat ng kalimutan at may mga taong dapat ding kamuhian. Iniwan niya na tayo noon!" sigaw ko sa harap nila bigla namang napatayo si papa.

"Wag mong pagtaasan ng boses ang nanay mo!" suway niya sakin. Mas lalo namang naginit ang dugo ko dahil doon. Punyeta.

"Ano bang pake mo ha? Porke nagbalik ka lang akala mo kung sino-"

Pak

Biglang tumulo ang luha ko lalo na nung naramdaman ko ang paghapdi ng pisnge ko. Tiningnan ko lamang si mama ng blangko. Nakita ko naman sa mata nito ang pagkagulat. Magsasalita sana siya ng pinigilan ko na ito.

"Stop I don't want to hear your excuse" malamig kong tugon at umalis sa harap nila. Naglakad ako papunta sa aking kwarto habang umiiyak.

Alam ko naman na kasalanan ko na nasampal ako ni mama dahil hindi ko sila nirespeto. Pero nasasaktan lang naman ako eh. Pinunasan ko aking luha at tumingin uli sa cellphone ko. Wala pa din na rely si Ezekiel.

'Busy lang yun Aeara' pangungumbinsi ko sa aking sarili at huminga ng malalim.

Agad kong kinuha ang sling bag ko at dilaw na raincoat. Lumabas ako sa aking kwarto at nakita ko doon ang umiiyak na si mama. Pinapatahan siya ni papa. Lumunok naman ako at iniwas ang aking tingin. Nakita ko pang napatingin sakin si mama at balak sanang kausapin ako pero lumbas agad ako sa bahay

.

Sinuot ko ang raincoat at binuksan ang payong. Naglalakad ako papunta sa waiting shed kung san kami unang nagkita. Ika sampung araw na namin ito na magkasama habang umuulan. Di ko alam kung maniniwala ba ako na magiging kami kapag dumating ang araw na ito.

Mahal ko siya at sabi niya mahal niya din ako, pero di ko magawang maniwala lalo na sa araw na ito. Nasaktan na ako ng dalawang beses kaya ayoko na sumugal uli, pero wala naman masama kung sumagal uli ako kahit ngayon lang.

Tumayo ako habang hawak ang aking dilaw na payong. Sinalo ko ang ibang patak nag ulan sa aking harapan. Pumikit ako habang taimtim na humihiling.

"Sana pumunta ka Ezekiel" mahina kong bulong at pinakiramdaman ang hangin.

Isang oras

Dalawang oras

Tatlong oras

Apat na oras

Limang oras

Walang dumating na Ezekiel. Tumawa ako ng mapait habang hinahayaan na bumuhos ang luha ko. Agad ko yun pinunasan at pilit na ngumiti.

"Busy lang 'yon. Dadating yun tiwala lang" pangungumbinsi ko sa aking sarili pero tatlong oras din ang lumipas ay walang dumating.

'Ezekiel bat di ka sumipot? Kung kelan kita kelangan ay wala ka' Binitiwan ko ang payong ko at hinyaan itong madala ng hangin.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Where stories live. Discover now