Day 1

189 7 3
                                    


Day 1

Sabi nila pagnakasama mo daw taong nagpapatibok ng puso mo ng 10 araw na umuulan ay posibleng maging kayo. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, pero dahil nga alam ko na kung gaano kasakit masaktan ay hindi ko ito pinaniwalaan. Nawalan na nga ako ng pake sa mundo, 'yan pa kayang gawa-gawa lamang ng tao. I won't take a risk again.

"Umuulan nanaman" bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa madilim na langit. Ilang araw na umuulan hindi ko alam kung maybagyo ba or what, Wala naman kasi talaga akong pake kung ano ang mangyare sa mundo basta ba buhay ako.

Tumakbo ako papuntang waiting shed. Humahampas ang malamig na hangin. Dinadala din nito ang mahaba at maitin kong buhok. Umupo muna ako sa bench habang tinutuyo ang sarili ko. Wala naman kasi akong dalang payong kaya hindi ako pwedeng makipagsapalaran sa ulan at isa pa maytest kami bukas. Ewan ko din sa sarili ko kung bat hindi ako nagdala ng payong eh, basta ang alam ko lang kahit magpayong ka man mababasa at mababasa ka pa din, parang pagmamahal mo sa kanya kahit anong pilit mong wag masaktan ay masasaktan ka pa din dahil parte iyon ng pagmamahal.

Hindi ko din alam kung bat ba nagmamahal pa din sila kahit alam nila masasaktan lang sila at ang masmalala pa ay sisihin nila ito sa ibang tao. Nakakagago lang, sila yung nagmahal tas magrereklamo sila dahil hindi sila minahal pabalik ng taong mahal nila. Hindi ko din sila masisi dahil nangyari na din 'yon sakin, nagmahal ako ng buo pero anong napala ko? Wala iba kundi puso kong wasak.

Di ko din akalain na hahantong pala sa ganito na magiging bitter ako, pero wala namang masamang maging bitter diba? At least pinoprotektahan ko lamang ang sarili ko at isa pa ayokong maulit ang katangahan ko noon. Ayos na ang isang pagkakamali, matuto tayo doon.

Minsan nga sinisisi ko si tungkong langit dahil ang tanga niya para iyakan ang asawa niya, sipain ko siya dyan eh. Hindi na lang magmove on at tumigil na sa pagiyak, di niya ba alam dahil sa kanya bumabaha sa pilipinas? Wala naman magagawa ang luha niya kundi manggulo sa atin.

"Shit naman bat ngayon pa umulan ng malakas?" napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko. Nakajacket ito, may earphone na suot at magulo ang itim na buhok, mahaba din ang pilik mata niya kaya masnaging maganda ang kulay tsokolate nitong mata. Hindi ko alam kung sinadya niya ba na lakasan ang boses niya or hindi eh.

Piniling ko na lamang ang ulo ko at tumitig sa langit. Kahit ako nababadtrip din sa ulan na walang tigil kung bumagsak. Pamilyar ang kanyang mukha, ah siya pala yung heartthrob sa school namin.

Ezekiel Aiden Mourte-Kenshin

Sinipa ko yung lata sa harap ko dahil sa inis. Hindi ko naman namalayan na napalakas pala sipa ko kaya tumama 'yun kay Ezekiel. Tumingin siya sakin ng masama kaya nagsorry naman ako. Wag na kayo magtaka kung bat ko siya kilala well siya lang naman bukang bibig ng buong babae sa school namin. Gwapo siya pero hindi ko feel kagwapuhan niya, maybe nagsawa na ako sa mukha niya at sa pangalan niya na puro lang naman kahanginan. Kilala siya lahat ng students sa school pero ang tanong alam niya bang nag-exist ka mundong ito? Like me, kilala ko siya pero I bet di niya ako kilala.

Ilang jeep na din ang dumaan pero punuan naman sila lahat, yung iba naman choosy sa mga pasahero kahit naman malaki ang space di pa din ako pinapasakay dahil daw basa ako. Palunukin ko siya dyan ng cactus ei.

"Ano ba yan lowbat pa ako" pagrereklamo ko, maglalaro sana ako ng CoC. Check ko sana baka inatack nanaman wala pa namang shield yun. Kahit anong pilit kong magtiwala sa base ko ay di ko magawa. Maymakakaloots at maymakakaloots pa din ng malaki kahit na anong gawin ko. Ganyan naman lagi eh kahit tiwala sa mundo nasisira pa din.

"Pwede mo naman tong gamitin" napatingin naman ako kay Ezekiel na kanina ko pa kasama dito habang inaabot ang cellphone na hawak niya. Iphone 6, ghad yaman naman ng koya niyo!

"Ha?" hindi ko kasi gets kung ano sinasabi niya eh. Kahit naman sa pagmamahal diba? Ang hirap nilang intindihin pero isa lang alam mo, mahal mo siya at hindi mo kayang mawala siya sayo.

"You need to text someone right? Mayload ako" nakangiti niyang alok sakin. Tama nga ang sinabi nila tungkol sa kanya, mabait siya at gentle man na tao.

"Ah no, sorry maglalaro lang ako ng CoC" sagot ko, gusto ko matawa dahil sa pagiging chismoso niya kaya siya napahiya kaso mabait siya eh kahiya naman, parusahan pa ako ni lord no! Tama na yung dinanas kong sakit mula sa taong minahal ko, charot!

Namula naman siya at iniwas ang tingin, ang cute! Tumingin uli siya sakin at napaubo ng mahina.

"I'm Ezekiel Aiden Mourte-Kenshin by the way" pagpapakilala niya gusto ko ngang sabihin na kilala ko siya kaso baka lumaki lang ulo niya tapos tumaas pa ego niya.

"Aeare Marković" nakangiti kong pagpapakilala, 'yung ngiting kayang magtago ng milyong-milyong emosyon. Ngiting hindi nila aakalain na nasaktan ka.

"Ahhm, sorry nga pala kanina" pagpapaumanhin niya sakin, umiling lang ako atsaka ngumiti.

"Okay lang ako nga ang dapat magsorry eh kasi kasalanan ko naman" nakibitbalikat na lamang siya at naupo sa tabi ko. Kung ibang tao ang gumawa ng ganung bagay ay magiisip ako ng masama pero mukhang mabait naman siya eh at tsaka komportable ako na kasama siya.

Naghihintay pa din kami hanggang sa mayhumintong isang jeep kaya sumakay na ako. Nakita ko pa siyang nakatingin sakin kaya kumaway na lang ako at mouthed him 'have a nice day!'. Lol kahit naman alam kong hindi naman maganda ang araw ngayon HAHA. Weird lang kasi noon di ako nakikipagusap sa mga taong di ko naman talaga kaclose.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя