Day 4

63 4 2
                                    


Day 4

Nakatitig lang ako sa notebook kong nasa harapan ko. Di ko maintindihan mga sinasabi ng teacher naming dahil iba naman pumapasok sa utak ko. Inaalala ko lang yung nangyari kahapon, nabigla kasi ako sa naramdaman ko. Napahawak ako sa puso ko dahil bumibilis nanaman ang tibok nito pagnaalala ko ang imahe niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako or what dahil nilalagay ko nanaman yung puso ko sa kapahamakan.

Pagkatapos kasi nang nanyare sa bookstore sinama niya ako sa bonding nilang magbabarkada. Akala ko nga ma-op lang ako pero hindi, yung mga barkada niya kasi madali lang silang pakisamahan yung tipong kala mo ang tagal niyo ng magkakakilala dahil sa pamamaraan ng pagkikipagusap nila sayo.

Pero 'yung puso hindi ko alam kung nagiging tanga nanaman ba, Natatakot kasi akong mahulog nanaman at baka masaktan lang ako. Ganun naman talaga diba? Pagitinaya mo yung puso mo its either na manalo ka or matalo ka. Kung baga win-win ang larong pag-ibig kung mananalo ka nga.

Tumingin uli ako sa langit dahil dumidilim nanaman ito di ko alam kung matutuwa pa ba ako kung maalala ko 'yong nangyari o malulungkot dahil hinahayaan ko nanaman sarili ko maging tanga. Kelangan kasi sa pagmamahal dapat handa kang isugal lahat ng nasa sayo, pati puso mo. Pero ang tanong handa na ba talaga ako?

Naalala ko yung mga classmates ko noon na naglalaro ng FLAMES. Palagi nila tinatry yung pangalan ng crush nila at yung sa kanila. Para lang silang tanga noon dahil umiiyak pa or nagttantrums pa sila minsan pagyung resulta ay masama. Natatawa pa nga ako pagnakikita ko yung reaksyon nila. Never ko pa kasing natry na magFLAMES dahil para sakin kung talagang para kayo sa isa't isa dina kailangan nun.

Di ko namalayan na nagsusulat na ako ng pangalan ko sa papel ko at panagaln niya. Di naman ata masama kung magrty diba? At isa pa ngayon lang naman ko to gagawin.

FLAMES

Aeare Marković- ---11-à engage

Ezekiel Aiden Mourte-Kenshin----14 àLover

Total: 25 à Friends

Di ko alam kung ano mararamdaman ko sa resulta ng paglalaro ko. Yung puso ko kasi sumakit bigla eh para siyang kinukurot. Dapat talaga di ko na lang ginaya sila eh! Naiinis kong pinunit yung papel sa notebook ko. Babatuhin ko sana sa labas ng bintana kaso maybigla namang kumatok sa pinto kaya natuon doon ang atensyon naming lahat. Pati yung guro naming ay napatigil at agad na binuksan ang pinto.

*gulp*

Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko ng nakita ko siyang nakatayo doon at maysinasabi sa teacher namin. Kasama niya din yung buo niyang barkada niya na kumakaway sakin at dala-dala nila ang kanilang bag. Bag?! Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nakita kong 2:30 pa lang ng hapon, ang aga naman nila na-dismiss.

"So class! Dito na muna sila buong klase dahil yung room nila ay gagamitin para sa faculty meeting" pagaanunsyo ng guro namin. Ah kala ko naman dismiss na sila. "So kayo na ang pumili kung san niyo gusting umupo, madami pang bakanteng upuan dyan" nakangiting saad ng guro namin.

Napadako ang tingin ko sa mga kaklase kong babae na pasimpleng nagpapacute at tumitili sa gilid. Gusto ko sanang palunukin sila ng bumbilya dahil naiirita ako sa kanila eh. Piniling ko ang ulo ko dahil kung ano-ano nanamn ang naiisip. Tumingin uli ako sa labas ng bintana. Umuulan nanaman, wala na bang sawa ang sakit na dinaranas ni tungkong langit kaya siya umiiyak ng bongga?

Nagulat ako dahil maybiglang gumalaw sa katabi kong upuan. Pagangat ko ng tingin ay nakita ko ang isa sa mga barkada ni Ezekiel si Carl. Ngumiti siya ng malapad sakin at binati ako.

"Maynakaupo ba dito?" tanong niya sakin habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ko, medyo nadismaya ako dahil akala ko si Ezekiel ang makakatabi ko. Umiling ako bilang sagot at yung ngiti naman niya ay maslalo pang lumawak.

"Ezekiel! Wala naman pala ditong nakaupo eh! Dito kana!" masayang saad ni Carl atsaka hinigit si Exekiel sa tabi nito at sapilitang pinaupo sa tabi ko. Namumula pa ito dahil sa ginawa niya.

Shit lang! Huwag kang maingay dyan puso! Baka marinig kang punyeta ka, wag kang humarot baka ako mismo ang aalis dyan sayo sa dibdib ko! Pinaglalaruan ata ako ng tadhana hays. Dear tadahana ano nanaman ba ginawa ko sayong mali?!

Noong bata pa ako palagi kong isiisip na dapat pagnagmahal ako dapat mahal niya din ako pabalik ayoko kasing magaya noon sa Nanay kong walang sawang papalit-palit ng asawa, lahat kasi nang naging asawa ng nanay ko ginagamit lang siya minsan katawan niya lang ang habol kagaya nung first love ni Mama kala niya siya na yung kaforever niya kaya nagpadala siya sa tukso kaya ako nabuo pero di alam ni Mama na mayasawa na pala ito.

Oo isa akong anak sa labas, hindi ako galit kay mama pero galit ako sa tatay ko! Ginawa niyang tanga yung nanay ko dahil alam niya na maygusto si mama sa kanya kaya ginawa niya 'yon. Alam niya ng may'asawa na siya ay nagawa niya pa ding gawing kabit yung nanay ko! Ang masnakakagago pa ay di man lang alam ni Mama na may asawa na pala ito at may dalawang anak, kung di pa sumugod sa bahay naming yung tunay na asawa nung tatay ko ay di pa malalaman ni Mama.

Iniwas ko ang tingin ko sa langit dahil uminit nanaman ang mata ko. Ang hirap kasi tanggapin ang lahat na nangyari sa buhay ko. Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko wala sa oras.

"Mayproblema ba?" nagulat ako ng narinig ko ang boses niya. Muntikan ko ng makalimutan ang presensya niya. Tumango lang ako pero bakas pa din sa mukha niya ang pagaalala.

Natapos ang buong araw na pasimple akong tumitingin sa katabi ko. Ewan ko ba pero naiilang nanaman ako sa presensya niya. Ikaw ba naman ipagtabi sa taong gusto mo di ka maiilang sa mga galaw mo? Pati paghinga ko nakakailang eh.

Nagsimula na akong iligpit ang mga gamit ko since tapos na ang klase. Wala na din si Ezekiel sa classroom at ang mga barkada niya. Naiwan na lang ako magisa sa room dahil mayginawa pa akong paper works. Wala pa din tigil ang ulan sa pagpatak at sa totoo lang ay naiirita na ako. Wala kasi akong dalang payong ngayon. Hays langit naisahan mo nanaman ako gaya ng Ex ko hayuf ka!

Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay lumabas na ako sa room. Nagulat pa ako dahil nasa harapan ko ang isang mestisong lalaki at magulo ang buhok. Ezekiel

Napatingin naman siya sakin saka ngumiti. Nagakamot pa ito batok niya na para bang nahihiya sa ginagawa niya. Maslalo tuloy siyang gwumapo sa paningin ko dagdag mo pa pamumula ng buong mukha niya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Baka kasi maynaiwan siya sa loob ng classroom, pero wala naman akong nakitang gamit? Kahit isa. Malinis niyang linisan ang upuan kanina.

"Ahmm ano" nagdadalawang isip pa siya sabihin sakin kung ano ang rason niya habang nagkakamot sa batok niya. "Ano kasi sabay na tayo umuwi" pagyaya niya sakin habang nakatingin sa mata ko.

Natigilan ako doon dahil hindi ko inaasahan ang pagyaya niya sakin. At ang maslalo pang ikinabigla ko ay ang paglakas bigla ng tibok ng puso ko. Nakakakot


Once Upon a Rainy Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon