Epilogue

78 4 6
                                    

Ezekiel's POV

Agad akong napaupo ng pagkagising ko. Kinagat ko ang aking labi dahil di ko nasipot kahapon si Aeare. Mataas ang lagnat ko at kahit anong pilit kong tumayo ay di ko nagawa. Di ko din siya macontact dahil nakaoff ang kanyang cellphone.

Nasabunutan ko aking buhok dahil sa iritasyon. Baka magalit 'yon dahil hindi ko siya nasipot. Agad akong tumayo at pumasok sa CR at naligo agad. Pagkatapos kong magayaos ay nagisip ako ng paraan para makabawi kay Aeare.

Tumingin ako sa bintana at nakita doon ang maaliwalas na panahon. Shit.

AeAre's POV

Hindi naman ako tanga para pabaayn ang sarili ko. Alam niyo na di porke nasaktan ako kahapon ay papabayaan ko na ang pagaaral ko. Hanggang nagyon din ay di ko pa din pinapansin sila mama at papa. Masyado kasing masakit para sakin ang nangyare kahapon lalo na dumagdag pa si Ezekiel.

Nanggigil ako sa kanya dahil pinaasa niya ako. Punyeta siya pagnakita ko talaga siya sasabunutan ko at susuntukin ko yang pagmumukha niya. Naghintay ako kahapon ng matagal eh.

Pero kahit anong pilit kong sumaya ngayon ay nakatatak na sa puso ko ang sakit na natanggap ko kahapon. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagiyak ko. Papunta na ako sa garden dahil pinapapunta ako dito ng walang hiyang si Carl tulungan ko daw siya dahil ayaw niya pa daw mamatay. Sus daming kaechosan.

[Playing: Parokya ni edgar- Harana]

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'to, mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Paliko na ako ng bigla akong nakarinig ng isang tugtug. Napangiti kao dahil 'yon ang paborito kong kanta. Papalapit na ako sa garden ng napansin kong may mga petals ng rosas sa sahig. Sinundan ko naman ito habang di ko maiwasang mapangiti.

Meron pang dalang mga rosas

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Ang lakas ng kabog ng puso ko lalo na nung maynakita akong isang karatula.

[Naka lunok ka ba ng kwitis?

Pag ngumiti ka kasi may spark]

Bigla akong natawa dahil sa kacornyhan nung taong gumawa nito pero ang sweet niya jusko. Naglakad lang ako ng napansin ko nanaman ang isa pang karatula.

[Hindi ko alam ang katapusan ng universe,

Pero alam ko, ang simula, U N I.]

Seryoso ba siya dito? HAHA. Naglakad ako uli.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

Nagulat ako dahil maybiglang maynagbigay sakin ng isang teddy bear na brown. Aww ang cute. Ngumiti sakin ang isang lalaki at hinila ako papunta sa dulo.

Kumabog ang puso ko ng nakita ko doon si Ezekiel na tumutugtug ng gitara habang kumakanta. Tumingin siya sakin habang nakangiti.

Hindi ba't parang isang sine

Isang pelikulang romantiko

Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man

Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Unti-unting nagsilabasan ang mga tao sa paligid naming habang maydalang kanya kanyang letra. Nabuo ang salitang 'I love you Aeare' doon. Shit HAHA

Di ko mapigilang umiyak lalao na touch ako sa ginawa niya ngayon. Alam niyo yun? Kahit na naiinis ako sa kanya di ko pa din maiwasang mapangiti sa ginawa niya ngayon. Lumapit siya sa gawi ko at hinawan ang aking kamay.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

Pagkatapos niyang kumanta ay agad ko siyang niyakap. Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Ngumiti siya ng matamis tsaka hinalikan ang noo ko.

"Bat di ka nagpakita kahapon ha?" pinilit kong magtaray sakanya pero uyng luha ko eh ang epal.

"Shhh" niyakap niya ako "Nagkasakit kasi ako kahapon kaya di kita napuntahan agad, pero pumunta naman ako eh wala ka na kaso doon" sagot niya di ko tuloy maiwasang magalal sa kanya lalo na nalaman ko ang dahilan niya.

"Ara" narinig kong tawag niya sakin, napatingin naman ako sa kanya. "Naalala mo pa ba nung tinanong kita noon kung naniniwala ka na kapag kasama mo ang isang taong mahal mo sa sampung araw na umuulan ay magkakatuluyan kayo?" tumango namnan ako sa kanya dahil naalala ko nga 'yon. Todo tanggi pa ako sa knya nun eh.

"Ika sampung araw nanatin to" bulong niya sakin tsaka niyakap niya uli ako. Napatingin naman ako sa langit dahil di naman umuulan.

"Di naman umuulan eh" pagrereklamo ko sa knya pero ngumiti lamang siya.

Nagulat ako ng maynakita akong petals na nahuhulog mula sa itaas. Napatingin naman ako sa itaas at doon nakita na umuulan ng bulaklak. Literal akong napanganga sa effort ng lalaking mahal ko.

Napansin kong nakaluhod sakin si Ezekiel habang mayhawak na rosas. Tumulo nanaman ang luha ko. Di dahil ayoko sa nakikita ko kundi dahil sa masya ako.

"Aeare Marković" banggit niya sa pangalan ko. "Can I court you?" tumango na lamang ako sa kanya dahil di na ako makagsalita pa.

Di man umuulan ng literal ay umuulan naman ng bulaklak at umuulan din ng pagmamahal.

"Hooy! Linisan niyo dito ah?" narinig kong pabirong singit ni Carl sa moment namin ni Ezekiel. Tumawa na lamang kami at tumingin sa isa't isa.

"I love you" nakangiti niyang saad bago ko pa man masabi ang 'I love you too' ay naramdaman ko na labi niya sa ibabaw ng labi ko.

Isang halik na nagparamdam sakin ng libo-libong boltahe sa aking katawan.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Where stories live. Discover now