Day 6

54 3 3
                                    


Day 6

Kinikilig pa din ako kapag naalala ko yung naging date naming kahapon, buti na lang talaga hindi umulan kahapon eh. Naku lumalandi nanaman ako eh. Pero okay lang naman ata kung magpadala na lang ako sa feelings ko diba? At least naging masya naman ako sa mga panahon na 'yon at sigurado akong di ako magsisi na nagkagusto ako sa kanya kahit na lumagapak pa ako kay floor.

Pero pag naiisip ko pa lang na hindi niya ako kayang saluhin parang madudurog na puso ko eh. Siya kasi yung tipong gentleman at caring na tao, ang layo sa kanya maging pafall o paasa. Nakatingin lang ako sa bintana dahil kinikilig pa din ako. Ngumingiti din ako mag-isa. Mainsan naiisip ko pa yung holding hands namin kahapon.

Siya kasi yung lalaki na pang boyfriend material na. Kahapon kala mo couple kami dahil sa sobrang sweet niya yung tipomg hindi niya hahayaang matamaan ako ng ibang tao kapag nasa loob kami ng elevator at punuan. Nagpumulit pa ako sa kanya kahapon na magjeep na lang kesa naman magpasundo pa kami sa driver niya, habang nasa loob kami ng jeep hindi niya hinayaan na maipit ako kahit na siksikan na. Pinupunasan niya pa yung pawis ko, oh diba? Sweet niya?

Shit lang na malagkit kinikilig talaga ako! HAHAHAHA. Naalala ko yung kumain kami sa restro tas ang kalat ko pala kumain kaya pinunasan niya yung gilid ng labi ko gamit yung thumb niya tsaka siya ngumiti sakin. Kung pwede lang talaga mamatay sa kilig malamang pinaglalamayan na nila ako ngayon.

Natapos araw ko ngayon ng dahil lang sa kakaisip ng nangyari kahapon. Feeling ko nga maylumilipad pang puso sa paligid ko eh. Pagkatapos kong ligpitin ang gamit ko ay lumabas na ako ng room. Umuulan nanaman hays.

Bumaba ako ng hagdan dahil yung classroom ko nasa third floor pa. Di naman pwede gamitin ngayon yung elevator dahil gagamitin daw ito ngayon ng bisita. Para lang tanga yung principal namin. Kami yung nagbabayad tas pagbabawalan sumakay? Eh yung faculty nga di naman nagbabayad jusko. Anong pagiisip yan ? Porke bisita.

Dahan-dahan akong bumaba sa hadan dahil baka madulas naman ako at mahulog. Ayoko ng ganun baka wala na akong mukha na maihaharap kay Ezekiel pagnangyare yun! At isa pa matagal na akong nahulog kay Ezekiel charot!

"Ezekiel! Ezekiel ano ba?!" narinig kong sigaw ng isang babae. Bigla naman lumakas kabog ng puso ko dahil doon. Nasa second floor na ako at nasa ground floor galing ang boses ng babae. Sumilip ako sa ibaba at dun nakita si Ezekiel na nakatayo habang pilit na inaalis ang pagkakayakap ng isang babae.

"Ezekiel mahal na mahal pa din kita!" naiiyak na saad ng dalaga. Kung normal lang itong araw na ito matatawa ako dahil sa ginagawa ng babae, huhugot pa ako para sa kanya eh ang kaso nasaktan ako sa nakikita ko.

"Trisha bumitaw ka nga, baka maymakakita pa satin dito!" naiiritang saad naman ni Ezekiel habang pilit niyang inaalis ang pagkakayakap sa kanya ng babae. Napalunok ako dahil doon. Kahit ang hirap nilang silipin dito sa second floor ay titiisin ko.

"Hindi pwede! Ezekiel pakinggan mo naman ako ilang buwan mo na ako iniiwasan!" umiiyak na pagmamakaawa nito. Kumirot naman ang puso ko dahil sa nakikita ko at naririnig ko. Unti-unti ding umiinit ang mata ko. Pinigilan kong tumulo mga luha ko.

"Trish mahal kita---" di ko na pinagpatuloy making sa pinaguusapan nila, umalis na ako doon at umakyat uli papuntang third floor. Di ko alam kung anong gagawin ko. Ang sakit. Yung marinig mo galing sa bibig niya ang mga salitang 'yon.

Sabi na nga ba hindi pa ako ganun kahanda para sa mga bagay na ito. Masyado pa akong bata. Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa aking pisngi at patuloy pa din sa pagakyat. Dapat talaga hindi ko hinayaan na mahulog uli ako. Masyadong masakit. Mabuti na lang wala ng tao sa paligid kaya di na ako nagabalang punasan pa mga luha ko.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Where stories live. Discover now