Roxanne's POV
Hindi ako komportable kapag kasama ko si Marlon, yun bang kaming dalawa lang. Pero wala akong magawa, baka sumbatan nya ko sa mga tulong na binibigay nya sa 'min. Inihatid nya na rin ako pagkatapos namin kumain.
"Oh, kamusta ang lakad nyo anak?" bungad sa 'kin ni manong.
Umupo na muna ako sa sofa sa sala..
"Okay naman po tay, kayo po ba, kumain na ba kayo?" -ako
"Tapos na ko nak .." sagot naman ni manong.
Nag aayos sya ng mesa habang ako, nakatingin lang sa kanya habang nakaupo..
"Tay, pwede magtanong?" -ako
"Oo naman anak, ano ba yon?" -manong
Medyo matagal pa ko bago makasagot..
"Nahanap na po ba yung taong may kasalanan sa nangyari sa 'kin?" -ako
Parang medyo natigilan si manong, lumingon sya sa 'kin.
"Humingi ako ng tulong sa mga pulis dati anak, umalis ako sa trabaho nun. Pero walang nangyari." -manong
"Kaya sumuko nalang kayo?" -ako
"Anak, kulang pa ba na ayos na lahat ngayon? Na andito ka na, magaling ka na?" -manong
Nagbago ang mood ni manong. Parang feeling nya siguro hindi pa ko kuntento sa mga sakripisyo nya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya yung totoo .. >___<
"Sorry po .." napatungo nalang ako.
"Wag mo ng isipin yun anak .. Pero ngayong nagising ka na ulit, wala ka bang naaalala kahit konti tungkol sa nangyari nung gabing yun ?" sabi nya sa 'kin. Umupo sya sa upuan sa tapat ko.
BINABASA MO ANG
The Impossible
RomanceAng pagmamahal ay hindi nasusukat sa haba ng pagsasama, walang limitasyon, walang basehan, at walang kasarian. Bakit nga ba sa maling tao, pagkakataon, o oras ako nagmamahal ng sobra at kung kelan huli na ang lahat? Paano pa kita magagawang mahalin...