Chapter 7

11.9K 210 3
                                    

Roxanne's POV

Hindi nya ba ko mahal? Titigil ko na ba 'to? Mukhang binalewala nya lang naman yung sulat na binigay ko sa kanya. Hindi nya ba kaya ang ganitong klase ng relasyon, kulang pa ba ko?

*flashback*

"Rox, ano ba yang sinusulat mo jan, kodigo?"

Tanong sa 'kin ni Bel na nakaupo sa tabi ko. Nagpapahinga kami sa room, last subject na namin, 30 minutes na ang lumipas pero hindi pa rin nadating ang prof namin. Tulog sina Ella, May, at Joan ..

"Hindi ha .. akala mo naman sakin noh.." sagot ko.

Gumagawa ako ng love letter, actually note lang sya. Wala naman kasing ka effort effort. Hindi naman kasi ako mahilig gumawa ng ganito, naisip ko na kung hindi ko kayang sabihin ng harapan, isusulat ko nalang. :) Hindi naman din mahalaga kung ano ichura diba, mahalaga yung laman. Naisip ko nalang sa sarili ko na ito na ang last. I mean, kapag nabasa na nya to at ireject nya ko, titigil na ko, kung swertehin naman ako at ganon din ang nararamdaman nya para sa 'kin edi masaya. :D

Nilusot ko yun sa bulsa ni Joan, hindi naman nya naramdaman dahil tulog na tulog sya. Ginising na din namin sila at nagyaya na umuwi, antagal kasi dumating ni sir eh, bahala sya .. Magagalit sya pag late kami eh sya

naman tong laging ganun.

*end of flashback*

Nakaupo ako dito sa gutter malayo layo sa bahay nina Ella dito sa subdivision, may hawak na alak. Madilim na, liwanag nalang ng mga street lights ang nagbibigay aninag sa kalsada. Kaninang kanina ko pa sya tinetenxt eh hindi pa 'rin sya nagrereply. Grabe, hindi ko talaga alam kung ilang text na ko sa kanya ng magtext si Ella ..

from Ella:

"Bhe, wag mo daw iflood si Joan sa text."

Hindi ko sya nireplyan. Pati sya mukhang inis sa 'kin >__

Naghintay ako ng bus dun sa kanto ng subdivision, konti nalang ang mga nadaan, nakakatakot na din kasi wala ng masyadong tao. At ayun, nakasakay na din ako. Tatlo lang kaming pasahero, isang lalaki na dun sa dulo nakaupo. At isang pamilyar na babae. Hmm ... oo, si Karen nga. Nakatungo kasi kaya hindi ko masyado nakilala. Naupo ako sa tapat nya, mukha namang hindi na sya masyadong malungkot ngayon kagaya ng huli kong kita sa kanya.

Malamig ang hangin, walang music dun sa bus, ang boring. Ilalagay ko na sana yung earphone sa tenga ko para magsoundtrip pero biglang may sinabi sa 'kin si Karen ..

"Wag kang mag alala, matatapos na din ang problema mo.."

Sambit nya habang nakangiti. Huh? anong sinasabi nitong matatapos na? ang weird ha. Hindi na nya ko tinignan pagkatapos nun, hindi ko alam pero mukhang nakaidlip ako sa bus.

I can't remember anything but it was a very peaceful sleep ..

---------------

Two weeks later..

Dalawang linggo na ang lumipas? Halos wala akong natatandaan ha .. Dahil ba sobrang depress at broken hearted ko .. =___=

Nagising ako, ang ingay na naman ng mga aso sa labas. Tsk. -,- Inaantok pa ko eh, pero anong oras na .. 7:00am na???? Karipas ako ng takbo sa banyo para maligo. Hindi ako ginising ni mama? nakakapagtaka ha .. Pero naririnig kong gising na sila, nagluluto na si mama sa kusina eh. Mukhang hindi na ko makakapasok ng first subject kaya sa second subject nalang ako hahabol.

"Ma, aalis na ko .."

Sigaw ko kay mama, kinuha ko na agad yung bag ko at umalis na ko. Hindi manlang sya sumagot? Nakakapagtaka na talaga ha .. Nag abang na ko ng bus sa labas ng bahay namin. Ayun, si Ella, ngayon lang din pala papasok ..

"Good morning, bakit ngayon ka lang din papasok?" masaya kong tanong sa kanya.

Hindi nya ko pinansin, o tinignan manlang. Para akong hangin sa kanya .. Hindi nalang ako nagsalita, papalapit na yung kundoktor ng bumunot ako ng pera sa bulsa ko .. Shet .. >__

"Wala kang dalang pera noh, sagot na kita .." :)

Si Karen na naman. My savior, hehe ngumiti ako sa kanya at tumabi na sya sa 'kin. Sya palang ang kumakausap sa 'kin ngayong araw na 'to ha ..

"Salamat ha .. " sabi ko sa kanya.

"Diba sabi ko naman sayo eh, matatapos din ang problema mo .." sagot naman sa'kin.

Siguro nga matatapos na. Tapos na nga eh, ayaw nya nga sakin diba. Pero hindi naman ibig sabihin nun tapos na din ang buhay ko, hindi lang naman sya ang nagpapatakbo sakin eh..

"Hahaha, hindi mo pa rin pala alam?" tatawa tawang sabi ni Karen.

Weirdo talaga tong taong to. Ano sya, mind reader? Eh alam ko na nga diba? Alam ko ng tapos na ang love story naming dalawa ni Joan. Pero ayos na rin na nandito sya kasama ko, atleast may nakakausap ako.

"Tara, andito na tayo .." sabi ko.

Hindi kami magkaklase ni Karen, pero sinabi nya sakin na kung gusto ko daw syang makausap ay lagi lang sya nasa library, tumango nalang ako sa kanya at pumasok na room. Walang pumapansin sakin, kahit tingin wala. Andun na silang lahat, kasunod ko naman si Ella na pumasok, saka lang nagsalita si Joan..

"Oh, bakit ngayon ka lang ?" tanong ni Joan.

"Dumaan pa ko sa kanya.. " nakangiti namang sagot ni Ella.

Umupo na rin kami, hindi ako nagsasalita, hindi rin nila ko nililingon. Nagpalit ng upuan si May at Joan, kaya hindi ko sya katabi ngayon. Sa buong maghapon ko sa school para kong nasa impyerno. Para akong multo na walang nakakakita. Pagkatapos ng klase ay dumerecho na ko sa library. At nandun nga si Karen gaya ng sabi nya. Nagkwentuhan lang kami, hanggang sa nagyaya nga akong umuwi ..

Hindi manlang ako tinext ng mga kaibigan ko maghapon, nakita ko sila magkakasabay umuwi. Mukhang may lakad sila, at hindi nila ako sinama dun, ansakit lang. >__

Papunta kami sa park, akala ko pa naman ay uuwi na kami. Naupo kami sa ilalim ng isang puno, naglabas sya ng libro sa bag nya at nagbasa ..

"Ano yang binabasa mo?" tanong ko.

"Foreign languages .." sagot nya.

"Ahh .. mahilig ka pala jan, anong language ba yan?" -ako

"Korean.." sagot nya.

May naalala ako ...

The ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon