Chapter 18

8.7K 174 14
                                    

Karen's POV

I only have one day left, bago ako mag crossover. Ang kaisa isang pag asang pinanghahawakan ko nawala nalang bigla, ang hindi ko lubos maisip, si Roxanne pa ang naging dahilan? Pinakamalapit na kaibigan ko? Pero kahit na kailangan ko ng umalis, hindi pa rin ako pumapayag. Hindi ko pa rin natatanggap, kaya hanggang ngayon, sinusundan ako ng sundo ko. I have to do something..

Maybe, atleast, magkaroon ng justice ang nangyari sa 'kin. I know na hindi naman sinadya ni Rox ang nangyari, pero sya pa rin ang dahilan, kaya sya lang ang makakagawa ng paraan, sya ang pagagawan ko ng paraan. Pero paano nya malalaman? Hindi ko din alam .. 

This is so complicated.. >___< 

Masama na kung masama, pero hindi ko sya patatahimikin hangga't hindi nya ko natutulungan. Sya na rin naman ang nagsabi na sabihin ko sa kanya ang dapat nyang gawin. Sana lang malutas 'to ni Rox, sana ...

Ang tatay ko .. Masaya sya, masayang masaya na sya, dahil nagbalik na ko. Malungkot ako na masaya, malungkot ako para sa sarili ko, masaya ako para sa tatay ko. :/ Lahat ng ginagawa nya para sa 'kin dati, gagawin na nya para sa iba. Mawawalan na ko ng papel sa buhay nya, parang batang inagawan ng paboritong laruan..

At ang taong gumawa sa 'kin nito.. Hindi ko hinihiling na mangyari din sa kanya ang lahat ng 'to, o ang maghiganti. Galit na galit lang ako sa kanya,

kahit pa mahal ko sya ..

________________________________________

Roxanne's POV

Umaga na, akatalukbong pa ko ng kumot ng bumukas ang pinto..

Si manong .. May dalang agahan para sa 'kin. Ibinaba nya yun sa mesang nasa tabi ng kama, at hinawi ang kurtina sa bintana ng kwarto, na nakasilaw sa 'kin, nagtago ulit tuloy ako sa kumot..

" Anak, alas onse na, bumangon ka na .. Ngayon lang kita nakitang ganyan katanghali magising ha.." -manong

 Pagtatakang tanong sa 'kin ni Manong. Ganito naman talaga ako magising pag walang pasok .. =___= Inaantok pa nga ako eh. Oo nga pala, hindi ako si Roxanne, ako si Karen sa paningin nya. Si Karen na masipag at matalino..

The ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon