Chapter 1

69.3K 477 28
                                    

June 8, 2012

Biyernes ng umaga, 6:30 na pero ang sarap parin ng pagkakahiga ko sa kama. Nagising ako dahil sa mga nagtatahulang aso sa labas ng bahay namin, may pasok pa nga pala ako. Hindi na naman tumunog ang alarm clock ko, nakalimutan kong i-set kagabi, pano ba naman, iyak ako ng iyak. Hindi alam ng parents ko na nagboboyfriend na ko, syempre, 17 years old palang ako, only girl at bunso pa, lahat nalang bawal.

Kagabi, nakipag break na ko kay Kevin, natatakot na kasi ako na baka malaman ng parents ko, saka ewan ko ba... andali kong magsawa. Isang dahilan na din kasi, aalis na sila ng family nya papuntang Japan, dun na daw sila titira. Naisip ko na ang bata bata ko pa para itali ko ang sarili ko sa isang tao, lalo na malayo sya sakin.

Babangon na sana ko para mag asikaso, pero naunahan na ko ni mama. Kinakalampag na naman nya ang pinto ng kwarto ko, lagi nalang syang ganun, akala mo kung ano ng nangyayari. Tok! Tok! Tok!, " Roxanne, tanghali na ! " Hindi ako sumagot, binuksan ko lang yung pinto at tumingin ako sa kanya na parang may kasamang inis dahil inaantok pa talaga ako. Pagbaba ko, nakahanda na ang almusal, ininit lang ni mama yung steak na ulam namin kagabi at nagluto sya ng fried rice. Pero wala akong gana, sumubo lang ako ng konti, at naligo na ko.

Last day na ng first week ko sa college, masaya dahil maraming bagong kaibigan at bago ang environment. Medyo nasasanay na ko, sa classroom, sa bago kong uniform, at sa mga professor na nakakatakot sa una, pero mababait din naman. Hindi ako palasalita talaga, bukod sa nasa pinaka unahan ako nakaupo dahil maliit ako eh mahiyain talaga ako sa una. Kaya pinagkakamalan nila akong mataray dahil lagi akong nakadekwatro at nakakalumbaba, nakikinig at nagsusulat lang.

30 minutes lang mula sa bahay ang campus namin, mini bus ang sinasakyan ko lagi. Madalas kong nakakasabay si Ella, classmate ko, mejo magkalapit lang din kasi ang bahay namin. Palakaibigan sya, masayahin, at madaldal, kaya nakakatuwa sya kasama, hindi ako nabobored. Lagi lang kaming nagkkwentuhan pag nagkakasabay kami, lahat na ata ng tungkol sakin nasabi ko na.. 6:55 na nun, nawala na sa loob namin na malelate na kami, daldalan kasi kami ng daldalan, ng biglang naramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ni ella dahil nasa bulsa nya ito at magkatabi kami sa bus. " Uy ella, may natawag ata sayo. " Dali dali nyang sinagot ang fone nya, gusto ko sanang tanungin kung sino yon pero hindi nalang, mukhang tuwang tuwa kasi sya sa kausap nya. "Oh bhe? Oo, sige sige malapit na kami, kasama ko si Roxanne, bbye."

" Si joan tumawag sakin rox, kung may assignment daw tayo, pakopya daw. Haha "

Hindi ko pa sya kilala, kasi nga hindi lahat ng classmate ko, kinakausap ko. Natawa nalang din ako, sabay pindot sa buzzer, muntik pa kaming lumagpas sa school.

Pagdating namin sa room, ibababa ko na sana yung bag ko pero wala yung armchair ko.

" Roxanne, dito ka nalang umupo sa tabi namin. :) "

Paglingon ko sa likod andun si Joan, nilipat pala nila yung upuan ko. Sya pala yun, ang ganda nya, matangkad, lagi kong napapansin ang lips nya, ang pula pula kasi lagi, pero nkakadagdag yun sa ganda nya. Mejo naiilang ako kapag katabi ko sya, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil hindi pa naman kami ganun ka-close. Lagi syang nakahawak sa cellphone nya, naisip ko na siguro may boyfriend sya kaya hindi nya maalis sa kanya yun.

Ilang months na rin ang lumipas, yun yung mga panahon na close na close na kaming lahat. Si May, Ella, Bel, si Joan at ako ang lagi ng magkakasama. Lagi din kami nasa mall dahil walking distance lang yun mula sa campus namin at isa pa, lagi kasi maaga ang uwian namin.

Isang gabi, nagawa ako ng research paper nun, as usual, copy paste lang naman lagi galing sa wikipedia ang pinapasa ko. Parang mas mahabang oras pa nga ako nagffacebook kaysa maggawa ng homework eh. Napasilip ako sa facebook account ni Joan, una kong tinignan yung relationship status nya. Tama nga ako, may bf na sya. Parang bigla akong nalungkot pero mas nagulat ako sa nararamdaman ko. Bakit ako nalulungkot na may bf na si Joan? Kaibigan ko lang naman sya? At isa pa, pareho kaming babae kaya imposible na may gusto ako sa kanya. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil don.

The ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon