Chapter 19

8.2K 124 5
                                    

Marlon's POV

I'm on my way to Dylan's crib, tropa ko. It's a bit late na, galing pa kasi ako kayna Karen eh, it's good to know na okay na sya.. Haayy, kung hindi lang nagkakagulo sa kabilang gang eh matututukan ko sana ang pagbabantay at pag aalaga kay Karen. 

Pinark ko na yung otto ko tapos dumerecho na ko sa loob, dito kasi ang bagong tambayan ng buong tropa. Dylan is a new recruit here, okay sya, cool. Transferee din sya sa school ko, dun namin sya nakilala, wala daw ang parents nya at nasa states kaya naman free na free ang bahay nila para samin. Nadatnan ko lang dun sina Chen, Jovie, Mac, saka si Dylan, as always, shot na naman. Pagpasok ko, nag appear ako sa kanilang lahat, then kumuha ako ng isang alak sa mesa at umupo na.

"Brod, where have you been? Kanina pa kami dito nagsimula .." - Mac 

"May pinuntahan lang ako, kung makapaghanap ka sa 'kin ha, nasan ang iba?" -ako

"They were out, naghamon na naman daw ang mga taga West, eh kaya na daw nila kaya hinayaan na namin." -Chen

Hindi na talaga nagsawa ang mga taga kabilang school. Wala naman kaming ginagawa sa kanila, nanalo lang naman ang basketball team namin, ayan, akala na naman nila nagyayabang kami. Lagi namin sila tinuturuan ng leksyon, pero anlakas pa rin maghamon..

"Pero brod, napansin ko lang ha .. lagi ka nalang missing in action, ano ba yang pinagkakaabalahan mo? Wag mong sabihing, si Karen na naman?" -Jovie

Pabirong sabi ni Jovie, sabay nag apir sila ni Mac. Palibhasa walang kaseryosohan sa buhay 'tong mga 'to eh. I've always been there for her, for Karen. Lagi akong humahanap ng time para mapuntahan sya sa hospital dati kaya minsan hindi ako nakakasama sa tropa.

 "Wala naman akong nakikitang mali dun mga brod. Nga pala, okay na ba sya?" -Dylan

Si Dylan lang naman ang kakampi ko.. Ewan ko kng bakit concern na concern 'to sa 'ming dalawa ni Karen, pero pwede na rin, may kasangga ako .. ;]

"Okay knight in shining armor .. Haha Why don't we just go out. Mag bar hopping tayo." :D -Mac

 At ayun, party all night, we always do this. We can't blame others kung iniisip nila na takaw gulo lang kami, we just wanna have fun, may mga tao lang talaga na walang magawa sa buhay kundi manghamon at makipag basag ulo.

The ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon