Chapter 20

8.9K 150 10
                                    

Roxanne's POV



Wala na naman si Manong sa bahay. Haay ... Madalas tuloy akong naiiwan mag-isa dito. Namimiss ko na si mama, sya kasi lagi naghahanda ng pagkain ko eh. Ngayon, ako na lagi ang gagawa dito sa bahay, siguro ganun si Karen .. Mukha namang ganun nga, masipag yun eh tapos pala aral pa. Buti nga hindi napapansin yun ni manong eh, pano, pinipilit ko namang maging kagaya ni Karen, kahit dun lang sa kasipagan, wag na dun sa katalinuhan. :P







Linis ng bahay, luto, kain, ligo, tapos tulog.. Yun lang ang alam kong gawin ngayon. Minsan lumalabas din naman ako, kapag bibili kunyari sa tindahan. Nginingitian ko lahat ng makasalubong ko, eh pano kasi .. Malay ko ba kung kaibigan pala yun Karen? o kamag anak? Nakakahiya naman kung hindi ko babatiin noh, ang hirap lang talaga, nangangapa ako sa buhay ng iba.








Karen, karen, karen .. Yun nalang lagi iniisip ko. >___< Nakakabit ba siguro sya sa buhay ko. Isang bagay na hinding hindi ko na maiaalis sa sarili ko.

Ano ba naman kasi ang dapat kong gawin? San ako magsisimula? Parang magtataka naman si manong kung tatanungin ko sa kanya yung nangyari kay Karen, dahil eto si Karen, sa katauhan ko, buhay na buhay. 

Nagluto na ko para sa tanghalian, sabi kasi ni manong sa 'kin bago sya umalis kanina eh dito daw sya kakain. Maya maya, dumating na din sya, mukhang pagod kaya ipinaghain ko na sya sa mesa.

"Tay, kumain na po kayo.. " alok ko sa kanya.

"Salamat anak, halika't sabayan mo na ko." -manong

Umupo na rin ako at kumain. Nagdadalawang isip ako kung magtatanong na ba ako sa kanya eh, tungkol sa aksidente.. Aksidente nga ba? Tsk. >__<  Hindi na muna..

"Anak, napapansin ko yatang hindi ka man lang lumalabas ng bahay.." -manong

"Lumalabas naman po ako.. minsan." -ako

"Hindi mo ba gustong makita ang mga kaklase mo? O mamasyal manlang?" -manong


Yung nga kinakatakot ko eh, yung makita ko sila. Pero hindi naman sa ayaw ko, hindi ko lang alam yung mararamdaman ko. Namimiss ko na sila, pero natatakot ako, lalo na kung makita nila ko, hindi ko alam ang gagawin ko >__< ..

"Anak?.." -manong

Tulala na pala kong nag iisip .. Ayt >__<

The ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon