Desire His Climax

20.7K 249 30
                                    

Hindi ako makapaniwala na nandito na pala ang lalaking dati kong minahal ng lubos, Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Ngumiti ito sa akin at lalapitan na ako, Ano ang gagawin ko? Ngingitian ko rin ba siya na para bang walang nangyari sa amin?

"Althea?" Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi ko alam kung yayakapin ko rin siya, Bakit parang lahat ng galit na nararamdaman ko dati? Muling bumabalik dahil nakita ko siya, Mali.. Nakalimutan ko na ito at Kailangan kong humarap sa kaniya ng buo ang loob ko.

"Tama na Zeke.. Hindi na ako ang Dating Althea na Minahal mo, Kaya sana.. Huwag mo na akong yakapin ng ganiyan." Ngumiti ako sa kaniya at Inalis na rin niya ang yakap nito. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang naman, Ikaw?" May nagbago sa kaniya, Ang dating itim niyang buhok naging kulay tsokolate na ito, May Hikaw na rin ito sa kaniyang kanang tainga.. Iba na rin ang kaniyang pananamit, Ang dating Zeke na nakilala ko, Hindi ganito manamit na parang bang Rebelde. "Ayos lang rin."

"Hahaha! Ang Ganda mo naman diyan sa Suot mo ngayon." Hindi din ganiyan magsalita ang Zeke na nakilala ko, Tama.. Hindi ganiyan si Zeke.. Hindi siya ang Zeke na minahal ko, Ibang-iba na siya.

"Salamat.." Ang kaniyang tayo, Iba na rin.. Ibang-iba na, Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba ang pakialam ko sa kaniya ngayon.

"Bakit ganiyan ang suot mo? Itim, Kasal ngayon ni Gray at Donella, Dapat nakabarong ka man lang.." Nasaan na ang Ingles na pananalita niya? Nasaan na ang Malamig niyang boses?

"Ngayon lang ko lang nalaman dahil masyadong abala sa trabaho ngayon kaya hindi ko alam na dapat nakabarong pala.."

Naglakad ako palayo sa kaniya, Bakit ibang-iba na siya? Bakit ko hinahanap ang Zeke na minahal ko? Iba na ang panahon ngayon, Hindi na siya ang Mahal ko pero bakit hinahanap ko? Ano bang nangyayari sa akin?

Lumabas na ako para magpahangin muna, Hindi ko siya kayang harapin, Hindi ko kayang ipakita na matapang ako, Naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking katawan, Gabi na pala ngayon at ang sarap tignan ang lumiliwanag na Buwan ngayon.

"Althea?" Si Zeke, Siya si Zeke.. Tama, Boses niya ito.. Agad akong humarap at nakita ko rin siya sawakas, Ang Zeke na minahal ko dati.. "I'm Sorry.."

"Wala na sa akin, Matagal ng panahon yun, Kalimutan na lang natin.." Niyakap niya ako, Hindi mo alam Zeke, Kung ilang beses ko yan hinahanap noong mga panahon na nangunglila ako at nasasaktan. "Zeke? Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, May Kasintahan na ako at ikakasal na kami." Napabitaw siya sa yakap niya, Hindi totoo na ikakasal kami ni Luke, Sinabi ko lang ito para lumayo na siya.. Gusto ko na talagang lumayo sa kaniya..

"I Love You.." Matagal na noong nasabi niya ito sa akin, Noong nasa Hospital ako at sobrang nabaliw ako dahil sa pagkawala ng Anak naming dalawa. "Zeke, Please.. Just for once.. Listen to me! I don't love you anymore.. Si Luke ang Mahal ko."

"You Don't know Althea, Kung ilang taon akong naghintay para makita kang muli.." Hindi mo rin alam Zeke, Hindi mo rin alam kung paano ako nahirapan para kalimutan ka..

"Stop it, Zeke.. Please.. Leave me Alone." Hindi niya pa rin ako binibitiwan, "Please.. Althea, Just Give me a chance to prove it na pinagsisihan ko na ang ginawa ko dati. Ilang taon akong nangungulila at umaasa na balang araw magkakasama muli tayo."

"No Zeke! Mahal ko si Luke at tanggalin mo na rin diyan sa isip at puso mo na magkakabalikan pa rin tayo, Wala ng patutunguhan ito. Aalis na ako. Goodbye.." Tumalikod na ako sa kaniya kasabay ng pagluha ko.

Ilang taon na ba akong lumuluha dahil sa kaniya? Masakit para sa akin ang kalimutan at iwanan siya noon pero ginawa ko lang ito para mahalin ko rin ang sarili ko.

"Althea! Where have you been?! Hinahanap ka nina Margaux and Fred, Come.." Nawala ang ngiti sa labi ni Donella noong makita niya kaming dalawa ni Zeke. "Zeke?! Bakit ngayon ka lang?! Halika.. Matutuwa si Gray nito." Umalis na si Zeke at naiwan kami ni Donella sa labas. "Ngayon? Nakita mo na ang pagbabago ni Zeke?"

"Wala na akong pakialam sa kaniya." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko, "Sigurado ka ba? Nakita ko ang mga mata mo, Ganiyan din dati iyan noong magkasama kayo ni Zeke." Ngumiti ako sa kaniya ng mapait at hinaplos ang kaniyang mukha. "Ang ganda naman ng Bestfriend ko ngayon, Mukhang natalo ako ngayon ahh." Pilit kong biro sa kaniya para mawala sa isip ko si Zeke.

"Ngayon? Alam mo na kung ano ang naging resulta sa pag-iwan mo sa kaniya noon?" Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya malaman kung ano talaga ang mararamdaman ko. "Grabe! Ang sarap ng simoy ng hangin no?"

"Bahala ka, Althea.. Hanggang ngayon nandiyan pa rin ang sugat ng nakaraan mo. Hindi mo nakalimutan si Zeke, Pinigilan mo lang ang nararamdaman mo, at Nakita mo na siya, Sumabog na yang nararamdaman mo, Ngayon? Tatanungin kita, Mahal mo pa ba siya?"

"Anong klaseng tanong yan?" Humarap ako sa kaniya at napalunok ako dahil sa kaniyang seryosong mukha, Alam kong seryoso si Donella ngayon. "Huwag na nating pag-usapan iyan, Araw mo ngayon kaya sana huwag mo muna akong intindihin."

"Bahala ka, Sana maayos na talaga ang problema mo, Huwag mo na sanang talikuran muli at takasan.."

Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now