Chapter 15 part 1

5.3K 168 13
                                    

Hindi ko sadya na i-corrupt ang mga inosente niyong isipan, weeehh meron ba kayo nun?LOL

Chapter 15 part 1

“O diba ang ganda? BONGGA!” Tuwang-tuwang sabi ni Lovely sa akin habang iniikot-ikot niya sa harap ko ang damit na isusuot ko mamaya sa parade.

Sobra akong natutuwa sa mga kaibigan ko. Hindi ko akalain na yun damit na ipina-uwi nila sa akin ay clone lang pala. JAPEK. At hindi totoong susuotin ko sa parade.

Dahil ang damit na nasa harap ko ngayon na hawak ni Lovely ang orig na damit na susuotin ko DAW mamaya.

Beauty and the Beast inspired ang damit na ginawa niya. Pale yellow ang ginamit niyang kulay, para daw mas papusyawin ang kaputian ko. May lining din ito na pinaghalong black and brown para ilutang ang kurba ng katawan ko. Off shoulder ang damit pero may ukab sa likod, hindi naman ganun kalalim, sapat na ukab lang para ipakita ang likod ko.

All in all. Ang ganda ng damit. Bongga kung bongga talaga.

 

“Akala siguro ng Oddette na yan eh kaya niya tayo. Wais ini. Wais!” Pa-kikay naman na sabi no Yen.

“Tama! Wais tayo! Wahahahaha. Sorry na lang siya at may extra tayo noh! Napaghandaan na kaya natin ‘toh!” Segunda naman ni Abbie.

 

 

“Buti na lang matalino kami. Don’t you feel bless na nagkaron ka ng kaibigan na kasing talino namin. Mga kaibigan na - - - - - - - - - - -

Naglapit-lapit sila at nagform ng parang charlie’s angel na pose.

- - - - - - - - - - DIYOSA!”

Nakakaaliw sila. Bless talaga ako sobra at naging kaibigan ko sila.

“Ahahahahahaha! Sige kayo na! Kayo na malakas ang hangin sa katawan!”

Isa isang nagsitinginan ang mga kaibigan ko kay Eriq and they all snap at him.

A Forever Without EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon