Chapter 9

6.2K 182 34
                                    

Batid kong nasaktan kita sa ginawa ko…

Pero mas masakit para sa akin ang gawin yun,

 

Sana sa muli nating pagkikita…

Kayanin kong humarap sayo,

 

Poot at galit man ang ibigay mo…

Sana kaya itong hugasan ng PAGMAMAHAL KO.

 

 

Chapter 9:

 

 

“Ayan! Matutupad mo na ang matagal mo ng pinapangarap!” Excited at sabay na bigkas ng mga kaibigan ko.

 

 

“Ang manalo at maging Queen ng Notre Dame?” Tanong ni Eriq.

 

 

“Hindi… ang pangarap ko ay ang sundan ang yapak ni mama.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Gusto kong maging kagaya niya.”

 

 

Baka sa pamamagitan nun… mahalin din ako ni papa- - - mga salitang gusto kong idagdag but I bit my lower lip to suppress it.

 

 

 

 

“Kumusta ang pag-aaral ninyo?”

 

 

Mahina ngunit puno ng authority ang boses na narinig ko na siyang nagpabalik sa akin mula sa naglalakbay kong diwa.

Ang boses na nung bata pa ako ay kinatatakutan ko na lalo na kapag tumataas na ang tono nito.

Ang boses ng aking ama na kelan man ay hindi ko naringgan ng magandang komento para sa akin.

I sigh.

He is my father… anak niya akong maituturing pero kahit kelan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya… pagmamahal na katulad ng isang ama sa kanyang anak.

Parang may itinayo siyang harang na ginawa niya lamang para sa akin. Harang na sinadya para sa aming dalawa. Harang na mas matibay sa harang na itinayo ko… hindi ko kalianman mapasok… ni hindi ko nalapitan.

I sigh again.

Halos nakatitig na lamang ako sa plato ko. Sa pagkaing aandon. Kasalukuyan kaming naghahapunan. Parang tipikal na pamilya. Normal sa labas kung iyong titingnan pero andun ang nakatagong tensyon sa loob… o mas tamang sabihin na tensyon na bukod tanging ako lang ang nakakaramdam.

A Forever Without EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon