Chapter 10

6.2K 198 28
                                    

Chapter 10:

 

 

“Ma-in kang problema ha Mika?”

 

 

Tanong sa akin ni Nana Ising ng pumasok ako sa kuwarto. Nakatayo ito sa tabi ng kama at kasalukuyang inaayos ang unan at kumot doon.

Umupo ako sa silya na malapit sa nakabukas na bintana. Tulala at hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa mga salitang sinabi sa akin ni papa, lalo na at nagawa ko rin siyang sagot-sagutin. Ang panindigan kung ano ang pinaniniwalaan ko at higit sa lahat sabihin sa kanya kung ano ang nilalaman ng utak at puso ko. Hindi ko man naibuhos lahat kasama ng mga hinanakit ko, kahit papaano ay masaya pa rin ako na naipabot ko sa kanya ang mga hinaing ko. Sana nga lang ay napakinggan at naisapuso iyon ni papa.

“Wala po Nana, pagod lang po ako.” Sagot ko sa tanong niya. Tinatanong niya kasi ako kung may problema ako.

Taga Zambales si Nana Ising kaya paminsan-minsan, kahit matagal na siya dito sa Manila ay nakakalimutan niya, kaya minsan ay nagagamit niya pa rin ang lengwahe nila doon, na ayon dito ay Zambal ang tawag. Ang pinagkaiba lang, medyo mahirap intindihin ang salita ng Zambal niya, pinaghalong salita ng mga taga-Pampanga at Ilokano kasi.

Kumunot ang noo ni Nana Ising at matagal akong tiningnan. Pilit binabasa ni Nana Ising sa mukha ko kung nagsasabi ako ng totoo. Nginitian ko siya para ipaalam na talagang okay ako. Bumuntong-hininga ito. “Sigurado ba ikaw ha Mika? Aba eh kung ikaw may problema huwag kang mahihiyang lumapit sa akin anak at ako na si Nana Ising mo ay hanadang tulungan ko, hane?” Tumango ako. “O siya, ikaw ba’y hindi pa matutulog?” Umiling lang ako. Nana Ising smiled at me affectionately. Parang apo na kasi kung ituring niya ako. Dahil siguro sa mula pa noon ay dito na siya nagtrabaho hanggang tumanda. Dahil dalaga at walang anak kaya itinuring na niya kaming pamilya. “O sige ako’y baba na at matutulog. Kausapin mo muna ang mama mo at siguradong inaantay ka niya.”

 

I nodded. “Opo Nana, salamat.” Hinintay ko na lumabas si Nana Ising.

Narinig ko pa ang pag-click ng lock ng pinto, ibig sabihin ay ini-lock ni Nana Ising ang pinto mula sa loob, siguro para bigyan kami ng katahimikan ni mama.

Ironic, dahil hindi naman kailangan ng ingay sa loob ng kuwartong ito. Gustuhin ko man, hindi pwede at kahit anong ingay pa ang gawin mo… hindi nun magigising ang babaeng natutulog doon.

Mama…

 

 

Lumapit ako sa kama na nasa gitna ng kuwarto. Inabot ko ang basang bimpo na nasa palanggana na nakapatong sa mesa na nasa tabi mismo ng kama. Muli akong lumapit sa kama. Umupo ako sa tabi ng natutulog na babae doon.

A Forever Without EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon