AFWE- Chapter 32

3.9K 161 55
                                    

***Thank you for the beautiful Book Cover Photo. ^_^ Salamat!!!

CHAPTER 32

 

 

“Wha-What do you mean papa!?”

 

 

In a blink of an eye ay nasa harap na siya ng papa niya.

 

 

“Isang kaibigan ang nagsabi sa akin na may isang ospital sa New York ang nag-ii-specialize ng mga kaso na kagaya ng kay Rebecca. Pupunta kami doon para ipagamot siya, for her to be able recover faster.” His papa replied, void with any emotions.

 

 

“New York? Kelan kayo pupunta doon? Ilang araw kayong mag-tatagal papa?” Sunod-sunod na tanong niya. Her heart is beating faster dahil sa sobrang kaba at sa pinatutunguhan ng usapan nilang mag-ama.

 

 

A hint of guilt flashes through her papa’s eyes, sa sobrang bilis iisipin mong namamalikmata lamang siya. Dahil bali-baliktarin man ang mundo, ang mag-guilty o maawa sa kanya ang papa niya ang huling emosyon na pwede nitong ipakita sa kanya, because all her life, bato ang puso ng papa niya pagdating sa kanya, a truth that really hurt but which she can’t do anything to change.

 

 

“Hindi ko alam kung kelan. Maaring ilang araw, lingo, o abutin ng buwan at taon.”

 

 

“A whole year?” Naguguluhang tanong niya. “Papanu ako papa? I mean, hindi ko kayang malayo kay mama, o sa inyong dalawa ng ganun katagal.” Desperation was evident in her voice. She was begging already, nilulunok na niya ang pride niya sa pagkakataong ito. If begging was the only resort she can do for her papa not to leave her behind.

 

 

Nakita niya ang pag-galaw ng mga muscles sa panga ng papa niya. “That is why I am giving you a week to cut any connections you have with that boy Mika. I am giving you a choice, all you have to do is to be smarter this time and choose what is right, leave him and I will let you come with us or magmatigas ka at ipagpatuloy ang kabaliwan mo pero mananatili ka dito hanggang sa bumalik kami ni Rebecca. But I am telling you right now, kapag gumaling ang mama mo, maaring hindi lang taon ang ilalagi namin doon, because I am planning to talk to Rebecca and persuade her to live there, permanently. So you should choice wisely Mika.”

 

 

“Choice!?” Pigil ang galit na bulalas niya. "Choice papa? Walang choice, dahil kahit saan sa dalawa ang piliin ko, those choices will only shutter my heart into pieces!." Hanggang sa hindi na niya napigilan ang galit at sama ng loob niya. "Napakasama niyo! Ang sama niyo!" All those painful emotions na itinago niya sa pinakasulok ng puso niya ay ibinulalas niya sa mga salitang yun, dahil yun ang totoo. Masama ang papa niya.

A Forever Without EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon