Chapter 12 part 1

5.5K 193 34
                                    

Sabi nila matututunan mo ang true meaning ng love pag nasaktan ka.

 

Sa sitwasyon ko ngayon…

 

Mas natutunan ko ang TRUE MEANING NG LOVE NG SINAKTAN KITA.

 

 

Chapter 12 part 1:

 

 

Nabitin sa ere ang akma kong pagsampal kay Oddette.

Sandali akong natakot ng makita ko na nakatayo si papa sa nakabukas na pinto ng kuwarto ko. At mas lalong nakadagdag sa takot na iyon ang galit na naka-rehistro sa mukha niya. Lalo na at nakatingin siya sa amin ni Oddette.

Tiningnan ko sina Ate Jenny, Ate Tiffany, Nana Ising at ang iba pang mga katulong na nasa loob ng kuwarto ko, at lahat sila ay natigilan, bakas din ang takot sa kanila.

Lumingon ako sa parte ng kama ko at nakita ko doon si Tita Stefi na nakasalampak sa sahig, sa paanan ng kama ko, at nandoon pa rin ang shock at pagkagulat sa ginawa ko sa kanya.

Bumalik ang mga mata ko kay Oddette, at mas nagulat ako sa nakita ko… she was crying. At hindi iyon fake na pag-iyak gaya ng lagi niyang ginagawa kapag gusto niyang ipahamak ako. Ang mga luha na lumalabas sa kanya ay totoo.

Magulong-magulo ang buhok niya at puno ng pulang marka ang mukha, batok, balikat at mga braso. Kahit sinong makakakita sa kanya ngayon ay agad na masasabing nangaling ito sa isang bugbugan. May mga kalmot din ito. Hindi ko man gusto pero nakaramdam ako ng satisfaction sa ginawa ko sa kanya.

Pagkatapos kong makita ang mukha niya at maramdaman ang satisfaction ng ginawa ko… nawala din ang takot na kanina ay nararamdaman ko dahil sa pagdating ni papa. Nakakatakot pero nararamdaman ko na unti-unting nagiging bato ang puso ko. Kung noon ay naawa ako kay Oddette at natatakot ako na saktan siya… ngayon… wala ng hesitation sa akin. Dahil ngayon gusto ko ng iparamdam na sa tuwing sasaktan niya ako ay dapat matakot rin siya dahil mas doble ang ibibigay ko sa kanya.

Nasaktan man nila ako… worth it naman ang mga latay ng palad at kalmot ko sa mukha at katawan niya. Worth it ang lahat ng ginawa ko sa naging hitsura niya.

Binitawan ko siya. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakasabunot sa buhok niya. Napangiti ako sa mga hibla ng buhok na nakapulupot sa mga kamay ko. Tiningnan ko siya and I smirked. She shrieked and curled herself away from me. Natatakot na baka saktan ko ulet siya. And that smirk became a blown-out smile.

And when she realized na hindi naman ako gumalaw para sunggaban siya ulet, I saw how her posture lighten and became at ease, at nakita ko ang relieve sa mukha niya.

A Forever Without EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon