II Part - Chapter 15 - Third time

7.8K 261 71
                                    

"Daddy! Daddy! Daddy!" Sigaw ng sigaw ang anak ko habang pinapanuod namin ang Daddy niya na magbasketball. Once a month ay naglalaro sila ng mga kabarkada niya at ngayon ko lang nalaman na ang buong barkada niya ay nasa basketball team noon highschool. May kalaban silang ibang team na inimbitahan ni Jim, isa sa barkada ni Matt.

Nakashoot si Matt at tuwang-tuwa si Teo. Gusto na ngang tumakbo sa court at pinipigilan ko lang. Trenta minuto pa ang lumipas ng maupo si Matt sa tabi namin at hinihingal. Agos ang pawis nito sa mukha at katawan at kaagad kong inabutan ito ng tuwalya.

"Daddy ang galing mong magshoot. Mommy and I are shouting for you. Daddy three points!" Akto pa ni Teo na magshushoot. Napangiti na lang ako.

"Oo nga baby. Thank you sa pagchicheer ginaganahan tuloy si Daddy." Uminom na ito ng tubig niya at kinuha ko naman ang tuwalya niya para punasan ang mukha niya. Namumula na ang pisngi niya. "Pero bakit si Mommy di ko marinig magcheer?"

"Mommy is praying Daddy for you not to get hurt. Sabi po kasi ni Mommy mahigpit daw po bantay sayo ng enemy. Lagi ka daw pinafoul."

"Mommy, I am okay. " Tumingin naman sa akin si Matt. Ngumiti lang ako.

"Daddy, huwag kasi masyadong competitive. Natatakot ako baka magkapisikalan na kayo. Pinipisikalan ka na kaya unti-unti."

"Okey...okey...sige pahinga muna ako."

"Good!" Salita ko at nagulat na lang ako ng mabilis niya akong hinalikan sa labi. Smack lang naman pero hindi ko naman expected. Teo was looking at us and he was smiling.

"Kiss si Mommy and Daddy."

"Of course baby because Daddy loves Mommy so much." Ngisi pa ni Matt. Ngingiti-ngiti sa amin si Teo. Itong si Matt talaga. Hindi naman sa ayaw kong ipakita sa anak ko pero dahil kasi pda na. Walang kaso na makita kami ni Teo na naglalambingan pero siyempre disente naman. That way ay example kami ng Daddy niya to be affectionate to once another at madala niya.

Nagulat naman ako ng hinapit ako nito sa bewang at ninakawan na naman ng halik.

"Dad--"

"May pagawaan ba ng asukal dito?" Sinubukan kong humiwalay kay Matt pero nanatili lang itong nakahawak sa bewang ko. Napatingin naman ako sa nagsasalita. Si Adam. Bagong dating lang ito at kasama niya si Rea?

"Hi Daddy Matt and Mommy Sam. Hi baby Teo." Ginulo nito ang buhok ni Teo at napatingin ako sa anak ko.

"Tita Rea. I miss you."

"I missed you too!" Umupo naman ito sa harapan ni Teo. "Gusto mo bang kumain tayo sa favorite restaurant mo mamaya after ng game?" Kuminang naman ang mga mata ng anak ko.

"Mommy, pwede po ba tayong kumain doon? Masarap po ang fried chicken doon tapos may playground." Hinawakan naman ni Teo ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagkalas ni Matt sa bewang ko. Tumingin ako kay Rea at nakangiti ito. Hindi ako komportable.

"Pupunta tayo sa farm ni Mommy after ng basketball baby. Doon na tayo kakain sa may maraming isda." Napatingin ako kay Matt sa sinabi niya. Ngumuso naman ang anak ko at pumunta sa harap ko at nagmamakaawa sa akin.

"Mommy. Ngayon na lang po ako makakain doon."

"Teo." Seryoso si Matt.

"Baby--" Natigilan naman ako ng pareho kaming nagsalita ni Rea. Pinauna ko na siya. "Next time na lang baby. Yayain mo sina Daddy at Mommy mo doon."

"Mommy! I want to eat there. Please." Nangingilid na ang luha ni Teo at hindi ko na maipinta ang mukha niya. "Mommy please talk to Daddy."

"Baby, next time na lang. Di ba plano na natin umuwi sa farm. Pupunta tayo doon kapag pauwi na tayo sa farm." Paliwanag ko pa.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon