Chapter 6 - Baby

4.2K 173 35
                                    

"Mi-micah?" Nagulat ako sa sinabi niyang pangalan niya. "Micah as in Mik-mik?" Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

"Yes, Sammy, I am your Mik-mik."

"Hi Micah!" Napasigaw ako sa sobrang excitement. "Kamusta? Do you still know how to speak in Filipino?"

"Opo. Ano ka ba? Hindi ko naman agad malilimutan iyon dahil diyan ako lumaki." Napangiti ako sa pagsasalita niya ng Filipino. "Kamusta ka na, Sammy?"

"Maayos naman, Micah. Maayos naman." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi alam kung may alam ba siya sa nangyari sa amin ng kapatid niya at ayokong sa akin magmula.

"What is this that I heard that Kuya Matt married you? Is this true?" Kinuyom ko na lang ang palad ko. Walang alam si Micah sa palagay ko.

"Oo, Micah..." Maingat kong sagot.

"Why you didn't tell me? I just found out this morning from Mom and she said the two of you are already married. C'mon! Why you didn't even tell me?"

"Ahm...Maysadong mabilis ang pangyayari. Sorry. Akala ko nasabi na sa'yo ni Matt ang lahat."

"Matt? You call him Matt now?" Narinig ko itong magbuntong hininga. "Anyway, ayoko ng magalit dahil sa hindi mo pagsabi sa akin. Pero sabihin mo nga, Sam, bakit ang aga? My goodness, you just turned nineteen."

"Kay Matt mo na lang tanungin, Micah." Mahina kong tugon. Naiiyak na naman ako sa di naman sadyang paalala ni Micah.

"Sammy, ikaw ang kausap ko ngayon bakit ko itatanong kay kuya? Huwag mo sabihin nabuntis ka niya?" Nanlamig ako sa sinabi ni Micah at naramdaman ko na tumulo ang luha ko. Hindi ako makapagsalita dahil baka marinig niya ang paghikbi ko. Nilayo ko ang cell phone ko sa akin. "Sam? Are you still there?" Huminga ako ng malalim. Hindi niya ako dapat marinig na umiiyak.

"Ye-yes Micah." Naiinis ako sa panginginig ko.

"What's wrong, Sammy? Are you crying? What's the matter?"

"Hindi...Micah. Hi-hindi ako naiyak." Pagpigil ko pa ng hikbi. " Tama ka, Micah, buntis ako at si Matt ang ama."

"I knew it! Kayo ha! May tinatago pala kayong ganyang relasyon ni kuya. Ang alam ko lang Sammy na crush mo si Kuya Matt pero hindi ko naman naisip na gusto ka rin pala ni kuya." Napalunok ako sa sinabi niya. Pinigil ko ang panginginig ng labi ko. "Hay! Kuya Matt should better be good to you. Sabihin mo sa akin kapag may ginawa siya sa'yo o inaway ka niya akong bahala." Tumango ako. "Sam? Ano ba? Umiiyak ka ba?" Gusto kong pigilan umiyak pero naiyak na naman ako. "Sam? Hay naku! Inaway ka ba ni kuya?"

"Hi-Hindi."

"Hindi ako naniniwala. Naku! Huwag mong intindihin si kuya. Huwag mong tabihan 'pag matutulog na kayo. Tingnan natin kung hindi ka niya suyuin."

"O-okey." Wala na akong ibang masabi dahil hindi naman talaga kami magkasamang matulog.

"Sam, bakit ba? Sabihin mo na kasi sa akin? May ibang babae ba si kuya? Gusto mo bang umuwi ako diyan at sisipain ko siya sa lungs niya talaga kapag may babae siya."

"Wa-wala, Micah. Ga-ganito raw kapag buntis sabi nila iyakin."


"I don't believe you. You are not a cry baby, Sam, I know that for a fact." Iyon din ang pagkakaalam ko sarili ko dati pero hindi na ngayon simula ng nangyari iyon. "Maybe, kuya did something. Granny told me when kuya was still here studying that he had a lot of girlfriends. Kaya nga nag-aalala ako sa'yo. But...he married you so I think his priorities has already shifted."

"Wala...wala talaga. Hindi ako niloko ni Matt, Micah. Emosyonal lang ako." Narinig ko siyang magbuntong hininga.

"I really hope so. And don't cry Sammy, I heard crying has an effect to the baby. So stop it. Baka ugly siya pag lumabas sige ka." Sinubukan kong tumawa. "How far are you?"

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon