II Part - Chapter 7 - Again

3.1K 135 73
                                    

"Excuse me?" Napalingon naman ako sa maliit na boses na narinig ko. May isang bata na nakatayo sa may pintuan ng opisina ko. Nakaplaid itong polo na nakatupi hanggang siko niya at nakapants na khaki. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Malaki ang pagkakamukha niya sa anak ko. Kamukha rin siya ni Matt kung hindi ako nagkakamali. Sammy?!

Kaagad akong tumakbo sa kinaroroonan ng bata. Lumuhod ako at tiningnan mabuti ito. Hindi ako maaring magkamali sa nakikita ko. Siyang-siya si Sammy. Nararamdaman ko. Niyakap ko itong mabuti. Hindi ko naman mapigilan ang luha ko. Hindi ako nagkakamali na si Sammy ito. Kilala ko ang anak ko kahit magkawalay man kami ng dalawang taon. He looks like his father.

"Sammy...baby." Pinaghahalikan ko ito. Nagulat naman ako ng tinatanggal ni Sammy ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I'm not Sammy. Please let go of me." Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay Sammy. "Who are you? Why are you crying?"

"Sammy..."

"Hindi po ako si Sammy."

"Hindi...teka--"

"Tita Rea!" Tuluyan ng kumawala sa akin ang bata at tumakbo kay Rea. Inaasahan ko si Rea ngayon pero bakit kasama niya si Sammy? "Tita Rea, she keeps on calling me Sammy even if I tell her I am not Sammy." Nagtago pa si Sammy sa likod ni Rea. Hindi ako maaring magkamali. Si Sammy ang bata.

"May kamukha ba ang batang makulit na ito, Sam?" Naglakad na ito patungo sa akin habang ang bata ay nasa likod niya lang at sumisilip-silip sa akin. "Teka, anong nangyari sa'yo at ganyan ang mata mo? Umiyak ka ba?" Kaagad akong nagpahid ng mukha ko.

"Si-sino siya Rea?" Nanginginig ang boses ko.

"Itong big boy na ito?" Kinuha nito ang kamay ng bata at iginaya niya sa harapan niya. "Baby, introduce yourself to Tita Sam."

"Ayaw ko po." Nagtago ulit ito sa likuran ni Rea.

"Ay, baby, hindi iyan ang magalang na pakikipag-usap sa matanda. Di ba sabi ni Daddy kailangan respectful ka at gentleman sa mga babae at matatanda? Lady si Tita Sam. Be respectful of her." Napalunok ako sa sinabi ni Rea. Is she talking about...

"Okey po." Naglakad patungo sa akin ang bata.

"Hi Tita Sam. I am Matteo Samuel Domingo. You can call me Teo." Hindi ko inaasahan na may kumawalang luha sa mga mata ko. Siya nga si Sammy ko. Ang baby na hindi mawalay sa akin at sa akin lang sumasama noon. Sammy. And Rea's fiance is...

"Teo is my fiance's son." Hinawakan nito ang kamay ni Sammy at ngumiti ang anak ko kay Rea.

"My Daddy's name is Matthew. He is an engineer and he builds big buildings and houses." Tumango ako. Alam ko...alam na alam ko, anak.

"Oh bakit umiiyak ka, Sam?" Napatingin ako kay Rea sa sinabi niya. Siya ang fiancee ni Matt. Siya na ang mahal ni Matt ngayon.

"Na-alala ko lang iyon anak ko. Lalake rin iyon at kasing-kasinglaki na ni Sammy ni Teo pala." Pagtatakip ko pa.

"May anak na kayo ni Boaz?" Umiling ako.

"Anak ko siya sa dating asawa ko." Mahina kong tugon.

"O.M.G. Kinasal ka na? Akala ko ba twenty three ka lang?"

"Maaga akong naging Mommy, Rea." Tingin ko kay Rea matapos ay tiningnan ko si Sammy. Nakatingin itong mabuti sa akin. Para naman nakikita ko si Matt sa kanya.

"Magkwentuhan tayo next time. Sa ngayon kailangan muna namin ang mga flowers. Ikaw ha, bakit di mo agad sinabi na wala kang delivery trucks. Bibili ka ba o gusto mo ibigay ko na lang sa'yo ang isa sa mga delivery cars ko?"

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon