Chapter 12 - Crushed Flowers

3.1K 170 20
                                    

Nakapila kami sa labas ng sinehan sa platinum suites. Hindi ko alam kung worth it ba ang papanuorin namin dahil cartoons ang pinili ko at hindi naman umalma si Matt. Mahal kasi ang platinum suite na sinehan.

Pumasok kami sa loob at nakita ko kung gaano kaganda ang platinum suite. May malalaking kanya-kanyang upuan at may couple seats din. Umupo kami ni Matt sa magkatabi ngunit single na upuan. Napakakomportable ng upuan at pwede mo pang ihiga. Pwede rin magrequest ng blanket o pillow. Umorder si Matt ng popcorn at idedeliver daw iyon kapag magsisimula na ang sine. Iginala ko lang ang mata ko sa ganda ng sinehan.

Dumilim na ang paligid at inabot na sa akin ni Matt ang popcorn ko. Inihiga ko ng kaunti ang upuan ko at talagang nakataas pa ang paa ko. Nilagay ko ang popcorn sa lagayan ng popcorn sa gilid ng upuan. Nagsimula na ang palabas.

"Sam, Sam...baby wake up." Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Matt. "Gising na. Tapos na ang movie."

Tumingin ako sa screen at credits na nga ang pinapalabas. Lumiwanag na rin sa sinehan at iilan na lang ang tao.

"Nakatulog ako." Salita ko sa kanya habang palabas kami ng mamahalin sinehan. "Sorry, sinayang ko iyon bayad mo sa mamahalin sinehan."

"Okey lang yun. Alam kong pinuyat ka ni Sammy."

"Pinuyat ka rin niya."

"Kahit nga ako nakatulog. Nauna lang akong nagising sa'yo dahil may tumapik sa akin dahil humilik daw ako."

"Hindi nga?" Tanong ko.

"Hindi...ikaw talaga iyon humihilik kaya ginising ako nun nasa likuran natin."

"Ha? Eh bakit hindi mo ako ginising? Grabe humihilik ako?" Nakita kong pinipigilan ni Matt tumawa at pinanliitan ko ito ng mata.

"Nakakainis ka Matt!" Hinampas ko siya sa braso niya ng maraming beses.

"Joke lang. Ito naman. Ang cute kasi ng reaction mo. Sorry na." Pinaghahampas ko pa rin siya.

"Nakakainis ka talaga!"

"Oo na. Sorry na."

"At anong kaguluhan ito Matt? Nakikipag-away ka sa babae?" Natigilan naman ako sa pagpalo sa kanya ng may marinig akong boses ng babae. Lumingon ako at may nakita akong katamtamang tangkad na babae na may balinkinitang pangangatawan. May magandang singkit siyang mga mata at mapulang labi. Maputi siya at mamula-mula ang ang pisngi niya. Ang ganda niya!

"Ivy!" Lumapit si Matt sa tinawag niyang Ivy at niyakap niya ito. Niyakap rin siya noon Ivy. Napatingin sa akin si Matt at humiwalay siya kaagad kay Ivy at tila nagulat si Ivy sa ginawa niya. "Ivy si Sam, kilala mo na siya di ba? Sam si Ivy, bestfriend ko." Ivy? Napaisip ako. Teka siya ba iyon ex-girlfriend niya na kasama niyang pumuntang Palawan at bestfriend niya na rin ngayon?

"Nice meeting you, Sam. I didn't know you are this beautiful." Siniko pa ni Ivy si Matt at ngumiti lang ito. Nag-abot ng kamay sa akin si Ivy para magshakehands at nakipagkamay ako rito.

"Kilala niya kung sino ako?" Tumingin ako kay Matt at tumango ito na tila nag-aalinlangan. Kilala niya na asawa ako ni Matt?

"She is my bestfriend, Sam, and she knows everything."

"Everything?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Yes." Naiinis ako. Akala ko ay walang makaalam ng mga nangyari sa amin liban sa pamilya namin at heto si Ivy na may alam sa kung anong meroon kami.

Journey of ForgivenessWhere stories live. Discover now