Chapter 25 - Goodbye

3.4K 156 42
                                    

Umuulan simula madaling araw hanggang umaga. Malakas ang ulan at nakatingin lang ako sa labas ng kotse at hinihintay ko si Matt na pagbuksan ako at si Sammy.

Binuksan ni Matt ang pintuan ko at sumukob kami ni Sammy sa payong niya. Nababasa kami pareho kahit malaki ang payong dahil malakas ang ulan pero binalot ko ng maigi si Sammy para hindi siya mabasa.

Nakahawak sa braso ko si Matt habang naglalakad dahil madulas ang tiles ng simbahan. Naglakad kami at pinagbuksan kami ng isang babae na may salamin at nakangiti.

"Kayo ba ang ikakasal?"

"Opo." Sumagot si Matt. "Parating na rin po ang witness namin." Si Ate Aida, Simone at Mark ang witness ng kasal namin. Kung noon una ay maraming bisita at kasama ang mga magulang namin ngayon ay hindi. Ikenansela ni Matt lahat. Pati na rin ang suot namin gown at suit ay hindi na namin sinuot. Simpleng bestida lang at long sleeves polo ang kay Matt.

"Halika na kayo."

Pumasok na kami kung saan gaganapin ang maliit namin kasal. Pumayag ako sa pagpapakasal sa kanya dahil iyon na lang rin ang maibibigay kong kapalit sa mga ginawa niya sa akin at kay Sammy. Kung paano niya ipapasawalang-bisa ay hindi ko alam.

Tumuloy na kami sa maliit na kwarto na may krus na puti sa gitna. Carpeted ang flooring nito at maaliwalas ang itsura. Pumunta ako sa may upuan, binaba at inayos ko si Sammy. Tinaggal ko ang pinambalot ko sa kanya at inayos ko ang damit niya. Pareho silang nakaputing long sleeves ng Daddy niya at ang gwapo-gwapo ng anak ko.

"Mommy nun?" Turo ni Sammy sa krus at ngumiti ako rito.

"That is a cross baby."

"Kos." Tumango ako. Binaba ko na ito at nagtatakbo ito sa lugar. Wala naman siyang maaring akyatan bukod sa iilan upuan kaya hinayaan ko lang ito habang tinitingnan ko. "Mommy!" Lalapit ito at ngingiti ng malaki sa akin matapos ay tatakbo palayo. Natigilan ako. Ilang beses na akong binabagabag ng tanong, kung makakaya ko bang iwanan si Sammy. Mahal na mahal ko ang anak ko. Buo na ang desisyon kong umalis pero ang iwan si Sammy ay hindi pa.

"Mommy, halika na." Tumingin ako kay Matt at nakita ko siyang kasama na ang pastor na magkakasal sa amin. "Ako ng bahala kay Sammy." Si Matt na ang humabol at nagkarga kay Sammy. Bibigay na sana nito kay Simone pero ayaw sumama.

"Mommy! Mommy!" Sigaw pa nito.

"Di pwede baby, mamaya na lang."

"Mommy!" Sumigaw ito at nag-echo sa buong kwarto. Pumayag na rin ang pastor na kargahin ko si Sammy habang kinakasal kami at napakagulo nito. Kinukuha nito ang mic ni pastor at ginagaya ang ginagawa nito. Hindi ko na nga gaanong maintindihan si pastor dahil sa kulit ni Sammy.

"Mommy at Daddy, alam kong pangalawang kasal niyo na ito at alam kong sa pangalawang pagkakataon ay mas mamahalin niyo ang isa't isa biglang mag-asawa." Nagkatinginan naman kami ni Matt dahil sa sinabi ng pastor. "Alam niyo ba ang kasabihan, Love is sweeter the second time around?" Nakatingin ang pastor kay Matt at tumango ito matapos ay tumingin sa akin. "At totoo iyon. A good example is the story of the prodigal son. Do you both know the story?" Tumango ako at tiningnan ko si Matt na tumango rin. "The other son squandered all his inheritance and when he realized that doesn't have anything in his possession he thought of his father and retured to him. Naimagine niyo siguro ang maaring reaksyon ng tatay. Kung sa teleseryeng pinoy palagay ko ay nagkaroon ng matinding drama at tabuyan ang naganap. Praise God the parable is not a teleserye but an example on how God love us. Noon bumalik ang anak, anong ginawa ng tatay? Tinanggap niya ito with open arms. Alam niyang nagsisi ang anak niya sa nangyari at tinaggap niya ito ng walang sabi-sabi at binigyan pa siya ng party. How good is that? And in return the son love the father so much than before because of that second chance. 'Of that second time around'. I know and I pray that this second wedding would bring that much sweeter love, more patience to each other, more kindness, more grace to one another and more forgiveness."

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon