II Part - Chapter 8 - It's too late

3K 126 31
                                    

"Sam, may naghahanap sa'yo." Lumingon ako kay Ate Ana ng tumawag ito sa akin. Kasalukuyan naglalagay ako ng pataba sa mga halaman ko ng tumawag ito.

"Sino raw po?" Tumayo na ako. Sumakit naman ang balakang ko sa pagkakaupo.

"Hindi ko natanong. Lalake."

"Sige po. Ate pakipagpatuloy na lang po ang ginagawa ko. Balikan ko po kayo mamaya. Salamat po." Naglakad na ako patungo sa bahay. Bumungad naman sa akin ang hindi ko inaasahan. "Ma-matt."

Nakatayo ito at lumingon sa akin. Nakapoloshirt ito, shorts, top-sider at shades. Napatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga ni Matt.

"Alam mo na siguro ang pinunta ko rito." Seryosong salita nito.Tinanggal nito ang shades niya at nagpakita ng mata niya at halata ko ang inis at contempt doon.

Tumango ako.

"Tuloy ka muna sa opisina ko." Tinanggal ko ang gloves na suot ko at pinatuloy ko siya sa office. "Maghuhugas lang ako ng kamay. Marumi kasi ang kamay ko."

Tumango lang ito kahit bakas ang di pagsang-ayon sa mukha niya.

Kaagad akong nagpunta sa mini kitchen at nilagay sa lababo ang gloves ko. Naghugas akong mabuti ng kamay. Nagpapatuyo ako ng kamay ng mahagip ko naman ang sarili ko sa may maliit na salamin sa may ref. Napatingin ako sa mukha ko na pawis at ang buhok ko na magulo. Napailing ako. Hindi presentable ang itsura ko. Kaagad kong tinanggal ang pagkakaipit ko ng buhok ko at pinusod ulit ito. Nagpahid rin ako ng pawis sa mukha. Tumingin ulit ako sa salamin. Hindi pa rin ako ganoon kapresentable. Tiningnan ko ang sarili ko. Ang damit ko na sando, longsleeves polo at maluwag na pantalon at mojo. Ang layo-layo sa fashionable na porma ni Matt. Napabuntong hininga ako. Teka, bakit bigla naman ako naconscious sa itsura ko? Napailing na lang ako.

Kumuha ako ng pitsel ng tubig at dalawang baso na nilagay ko sa tray. Tumingin na naman ako sa repleksyon ko sa may maliit na salamin. Sam, ano bang nangyayari sa'yo? Kakausapin mo lang naman si Matt patungkol sa annulment at sa condition kay Sammy bakit kelangan mong magpaganda?

"Matagal ka pa ba?" Muntikan na akong mapalundag sa gulat ko. Lumingon ako at nakita si Matt at tinaasan pa ako nito ng kilay.

"Ito na po. Sorry." Dinala ko na agad ang tray. Tiningnan lang ako nitong mabuti at ang tray ng hawak ko. Umirap naman ito at lumakad na ito pabalik sa opisina ko.

Nilapag ko ang tray sa mesa ko at pinagsalinan ko siya ng tubig.

"Baka nauuhaw ka."

"Gawin na natin itong madali, Sam." Seryosong salita nito at lapag pa ng envelope na hawak nito. "I'm here for the annulment. I want you to sign the necessary papers and attend one trial and that's it. After that I will not bother you anymore." Business-like ang tono nito sa pakikipag-usap sa akin. Itinulak nitong marahan ang envelope papunta sa bahagi ko ng mesa. Binuksan ko ito at maraming pages. "Nilagyan ko na ng signature tags para di ka na mahirapan at para madali na tayo." Binuklat ko ang pahina at maraming clauses dito. "Sige na pirmahan mo na." Pagmamadali pa nito. Tiningnan ko lang siya at tinaasan ako nito ng kilay.

"Pwede ko ba munang basahin?" Nagbuntong hininga ito at alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Gusto ko munang pag-aralan. Ayoko naman basta pirma lang."

"Wala ka naman balak na makipag-ayos sa akin so bakit kailangan mo pang basahin? Ipapasawalang bisa lang naman ang kasal natin dati. Ano pa bang habol mo?" Natigilan ako sa sinabi ni Matt. Matalim kasi hindi lang ang titig nito kundi ang mga salita niya.

"Wala akong habol sa'yo o sa inyo. Kailangan ko lang naman basahin. May masama ba roon?" Mahinahon kong tugon.

"Hay...this will be a long day." Ramdam na ramdam ko ang disgust sa boses niya.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon