CHAPTER 8

13.5K 285 0
                                    

Brianna

Naglalakad kami ngayon ni Dylan, gay cousin ko papuntang elevator. We decided kasi na sa fast food nalang kami kumain. Sa Mcdo daw gusto niya.

Pagkasakay namin ng elevator ay may pumasok din. Si Drew.

Nagkatinginan kami saglit pero nung tumunog yung cellphone niya ay inalis rin niya yung tingin niya.

Pagkalabas namin ng elevator ay dumiretso na kami sa Mcdo, di naman ako masyadong gutom kaya pancake lang ang in-order ko. I don't like heavy breakfast in the morning.

After naming kumain ay diretso kami sa unit ko para kunin ni Dylan yung gamit niya. Pupunta na kasi siyang LA para sa work niya as fashion designer. Bigtime na siya kaya kung saan-saan siya nagpupunta, then busog naman ako sa pasalubong. Minsan lang siya umuwi dito and sinisigurado niyang makapage-stay siya sa unit ko kahit 1 night lang. Di pa naman siya nagdadamit babae kaya gwapo at lapitin siya ng babae, pero pagnagsalita na siya ay dun na mahahalata. Boses bading kasi and super ingay.

So after niya ligpitin yung maleta niya ay kiniss niya na'ko sa forehead ayaw niya kasi magpahatid lagi kaya yun nalang yung huling moment namin and yun gora na siya.

Naboboring ako ngayon sa unit ko kaya nung tumawag sila Lian na magbar daw kami later at 9pm eh pumayag na'ko. Minsan lang kami gumimik, depende kasi kapag di busy sila Nat. And speaking of Nat, ayun! may gusto ata talaga kay Drew, laging nagtatanong about sa manyak na yun at ako naman eh sinasabi yung kakulitan niya. Selos naman si Nat at naiinis sakin dahil lagi ko daw tinatarayan baka pa nga kami na daw yung magkatuluyan, if she only new na mag-ex kami ni Drew, baka pagselosan na'ko nun.

Hours passed by and nagreready na'ko para sa gimik namin later. After ko ayusin yung kulot kong buhok sa baba ay nagdress na'ko. A black one will perfectly suit for me this night.

Ding Dong

Andyan na siguro si Lian, wala kasi siyang car ngayon dahil hiniram ng kapatid niya kaya sasabay nalang daw siya sa'kin papunta sa venue.

"Hey good evening Bree, you look.... gorgeous" puri niya at nginitian ko nalang.

"Ano bang meron at naisipan niyong magparty?" I asked while wearing my heels.

"Uuuhm, opening kasi ng bar ngayon ng close friend ko sa modeling agency. 25% off ang drinks and foods kaya sayang naman and... wala namang busy satin tapos nakakamatay ang school" at umarte pa siyang kala mo inaatake sa puso

"Siraulo" sabi ko nalang at tumayo na.

"Tara na Bree, in-invite ko pala sina Drew..." ano ngayon?

"Ang dami mong pwedeng iinvite yung mga makukulit pa talaga"

"Yung dalawa lang yung pumayag, si Drew naka don't disturb mode daw eh" hindi ko alam kung bakit parang nawala yung party mode ko sa sinabi ni Lian.

"Anong don't disturb mode?" Tanong ko dahil di ko gets

"Di ba may girlfriend yun?, eh di kasama niya. Baka nagsesex nga yun ngayon" seriously kailangan talaga sabihin ang bagay na di sinasabi?. Pwede namang sabihin niyang kasama niya lang yung girlfriend niya.

"Bastos ka Lian!" Sita ko sa kanya at tumawa lang ang loka

"Sus normal nalang yun. Let's go na"

Nasa loob na kami ng bar, hindi naman masyadong maingay kasi konti palang yung tao. Close friends lang kasi yung inimbitahan, then bahala na rin sila mag-invite pa and syempre may post din siguro sa social media.

We started to drink na, cocktail muna yung in-order namin later na daw yung mas matapang. Ewan ko ba pero parang gusto ko nang magpakalaho kanina pa.

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon