CHAPTER 15

12K 259 7
                                    

Brinna

Nasa unit ko ako ngayon since saturday naman, kumakain.

Nakakaistress ang Drew na yun, sasabihin niyang may mahal siya tapos gusto niya maging kami naman?, kundi ba naman siya gago!.

Tapos makikita ko siyang may kalandian sa counter ng acoustic bar na pinuntahan naming magpipinsan kahapon. Loko loko ang animal na yun!

Pero ang sakit lang, nagagawa niyang makipaglandian sa iba samantalang ako kung sino sino ang pinipili kong sasamahan. Nagfefeeling siguro akong masasaktan din siya kapag nakipaglandian ako sa iba.

Haaist! Bwisit ka Mendes bakit parang wala lang ako sayo!

Ayaw kong magtake advantage that time nung tinanong niya ako kung pagbibigyan ko siya na maging kami ulit. I'm not stupid para maging rebound niya at masyado naman ata siyang proud sa sarili niya kung akala niya makukuha niya ako sa haplos at halik niya. Oh di ba muntik ka ng bumigay? Tangina namang utak to oh!
Bumukas naman ang pinto ko at iniluwa si Lian, may lahi atang mushroom tong babaeng to bigla biglang susulpot.

"Hindi ka nanaman nagsara ng pinto. Asa ka namang dadaan si Drew dito para makipag make love sayo" sabi niya sabay salampak sa couch ko.

Napansin kasi nilang iniiwasan or should I say nagiiwasan kami ni Drew, at yun kinwento ko sa kanila yung nangyari. Maliban na nga lang dun sa intense make out session namin.

"Ikaw Lian ha! puro ka kahalayan!" sabay bato ko naman sa kanya ng unan

"Ano bang pinanggagawa mo sa sarili mo?! Ba't ang daming pagkain! Kung pinuntahan mo nalang si Drew at nagtapat ka sana, hindi yung nagsti-stress eating ka dito, napaka-kalat ng condo mo!" Sermon niya sakin sabay dampot ng mga nakakalat na box ng pizza, balat ng mga chips at chocolate tapos bote ng coke at sprite. Matapos niyang damputin yun isinilid niya sa garbage bag.

"Itatapon ko to sa unit ni Drew tapos sasabihin kong ligawan ka niya, halata namang mahal ka pa nung tao at pakipot ka lang!"

"Lian bwisit ka! Ilagay mo nga yan sa trash can ko!" At sinunod niya naman

"Ako bwisit lang, ikaw tanga!"

"Kung mahal niya ako, eh bakit siya may kalandian sa acoustic bar kagabi?" Tanong ko sa kanya sabay subo ng spoonful na ice cream.

"Malay mo dinadiverge niya yung feelings niya para sayo sa iba"

"Sabi niya sakin may mahal na siya" sabi ko at tumulo naman yung luha ko. Naalala ko kasi yung pag-iyak niya sa balikat ko habang sinasabi niya yun.

"Tinanong mo ba kung sino yung mahal niya?" Umiling lang ako

"Hindi naman pala eh, malay mo ikaw pala yun?" duda naman ata ako sa sinabi ni Lian kaya hindi ako nagsalita.

"Alam mo Bree, minsan talaga sinasabi ng isang tao sa mahal nila na may mahal sila pero hindi naman nila sinasabi kung sino ito. Minsan tinitingnan lang nila kung anong magiging reaksyon ng taong mahal nila kapag sinabi nila yun" makahulugan niyang sabi

---

Monday na at maaga naman akong pumasok para hindi ko makatabi si Drew.

Naupo ako sa tabi nila Lian at Pres.

Panay naman ang tingin ko sa pinto, ewan kung bakit.

"Lian oh! May hinihintay yung isa" pagpaparinig ni Pres

"Oo nga eh, starts with letter D ba?" Sang-ayon naman ng isang bwisit sa tabi ko

"Oo ata eh, baliw na yang katabi mo" sabi ni Pres at niroll ko naman yung notebook ko at pinukpok sa kanilang dalawa

Still - (GxG) <COMPLETED>Where stories live. Discover now