CHAPTER 14

12.7K 254 1
                                    

Drew

Sa ilang araw maraming nangyari.

I don't know what's got into me why'd I asked her like that.

Nakwento ko rin kay Shane yung nangyari and she said na it's better if we end what we have 'cause we both know na wala naman kaming nararamdaman para sa isa't-isa. Maybe we could still hang-out together pero hanggang dun lang, walang mas malalim na relasyon. We're Friends now.

Panalo kami sa game namin last week at pasok sa semi.

Halos ilang araw na ring iwas sakin si Bree at kasalanan ko naman kasi nadala ako sa sensasyon, and I didn't mean to say those words. Saglit palang kaming nagkakasama tapos ginanun ko siya.

I admit it, I really can't get enough of her. Konting galaw niya palang napapasunod na ako ng tingin, and when she smiles... I don't know but I think, all the walls I made to cover my soft side are slowly breaking down.

I know I'm still inlove with her and I don't know what to do, kung dinahan dahan ko lang sana. Edi sana walang ganito, sana hindi ako nasasaktan ng paulit-ulit.

Kung di ko ginawa ang bagay na yun edi sana hindi ako yung sumampal sa sarili ko sa katotohanang walang magiging kami, na kahit kailan wala ng magiging.

That night pagkatapos niyang umalis ay bigla nalang tumulo yung luhang matagal ko ng inalay sa kanya. It's still the same feeling at naiinis ako, kala ko pag nakita ko siya ulit ay wala na'kong mararamdamang sakit. Pero wala eh, sayang yung dalawang taon.

Tapos na lahat ng klase namin at nakita kong lumabas na siya ng room, di talaga maipagkakaila na iniiwasan niya ako. Masakit, knowing that the person who mean so much to you is always making a gap between the two of you.

Pumunta na ako ng gym, hindi ko kasabay sila Clyde dahil pinaubos ko na muna yung tao dito sa room.

Pagkapunta ko ng gym ay nasalubong ko naman si Lian at nginitian lang ako. Malamang alam niya yung nangyayari samin. Nang makatalikod naman ako ay narinig kong may sinabi siya na nakapahinto sakin

"She loves you Drew" sabi niya pero nagtuloy na ako sa paglalakad.

Kung mahal niya ako, bakit niya kailangang umiwas?, nakakatawa at nakakatanga naman yun.

Thursday ngayon kaya meeting lang ngayon with coach and other staff para sa semi. Mostly formation and tactics ang pinag-uusapan namin.

"So Lim, ikaw pag nasayo ang bola ipasa mo sa kung sino ang nasa three point line o di kaya ikaw Mendes pumwesto ka dun para sayo nalang ipapasa ang bola. Para madali nating masungkit yung panalo"

Sana ganun din sa love, sana ganun kadali. Para naman madali siyang mapasakin.

"So dapat girls eto lagi niyong tatandaan, dapat sa lahat ng laro natin ibigay niyo yung lahat" si coach

Lahat? Wala na ako nun, nabigay ko na sa maling tao. Haaaist! Corny ko!

Natapos ang meeting at palabas na kami nina Clyde at Rain ng gym nang may tumawag samin. Si Candice, leader siya ng pep squad or cheerleading squad ng school namin. She has a Dark ash blonde hair, pair of dark eyes, maliit ang bewang, tama lang ang height at maganda.

"Hmm, why Dice?" Tanong ko sa kanya using her nickname na ibinigay ko sa kanya, nahahabaan kasi ako sa Candice eh.

"Opening ng acoustic bar ko bukas, baka pwede kayong pumunta kung di kayo busy" pangyaya niya, mana talaga siya sa dad niya. Kung anu-anong pinapasok na business.

"Talaga? Sige!. Libre ba drinks namin?" Si Clyde na parang excited

"Oo nga Candice libre na yung amin" si Rain na pinagdikit pa ang palad, kala mo nagpepray

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon