CHAPTER 9

12.8K 293 1
                                    

AN: Switching of point of view or POV will going to be different from now on. It depends on the situation, flow of the story.

Brianna

"Good morning Bree" Si Lian na kakalabas lang ng guest room ng bahay namin, di na kami natuloy sa unit ko dahil magulo pa pala dun. Tinext ko nalang si Drew and sabi niya she'll still follow me pa rin.

"Bree para kang tanga, ngumingiti mag-isa" si Talia na gising na pala

"May hangover pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila, gising na pala silang lahat.

"It's freakin' obvious, what kind of mind do you have?" Pres using her irritated voice. Ganyan talaga si Pres pagkamay hangover, lumalabas ang ugaling mataray

"Itoktok ko sayo tong itlog Prescila gusto mo?" Pagtataray ko naman at umatras naman siya. Saming lahat ay ako ang medyo superior kaya takot sila pagnagbanta na ako.

Si Lian nalang ang pinagluto ko dahil hindi na naman daw masakit yung ulo niya at ako naman ay kumuha na ng pain killer para sa hangover nilang apat, I also shake carrots with milk kasi fav nila yun.

After namin kumain ay pumunta muna kami ng kwaro namin, sila sa mga guest room at ako naman ay sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay sinimulan ko ng ayusin yung mga gamit na kinalat ko last week, trip ko kasi nun magreminisce ng HS life kaya pinakialaman ko yung mga photo album ko sa box na ngayon ay inaayos ko na.

Pagkatapos ko mag ayos ay may napansin naman ako na isang red box sa tabi ng pinaglagyan ko ng box ng mga photo album ko.

Kinuha ko ito at binuksan, bumungad sa'kin ang isang cute na photo album din, Eiffel tower yung cover niya na kulay brown naman yung papel. Eto yung pinagiipunan ko ng picture namin ni Drew noon.

"What's that Bree" at naihagis ko naman yung photo album dahil sa gulat ko, lahat kasi ng friends ko nandito na sa kwarto ko.

"Uso kumatok" anas ko

"Hindi, nakaawang yung pinto eh" si Lian at kinuha naman yung naihagis ko. Oh my gosh wag mo yang buksan!!, gusto ko sanang isigaw pero wala na.... too late, ba't ba kasi ako nagkaroon ng pilyang mga kaibigan.

"With Drew" they said in unison sabay tingin sa'kin ng nakakunot yung noo, kukunin ko na sana kaya lang inilayo nila. Uuugh!

Wala na akong nagawa, sooner or later malalaman din naman nilang mag-ex kami ni Drew.

"In Tagaytay... field trip?" I just rolled my eyes as they read the caption.

Sa Tagaytay ko noon sinagot si Drew or should I say nagconfess din kay Drew, and dun ko siya unang hinalikan. Buti nalang walang nakakita. Tsk! Naalala ko yung kalandian ko nung HS.

"Magsabi ka nga, mag-ex kayo ni Drew noh?" Tanong ni Lian, dahil nakaramdam ata na hindi normal yung kasweetan namin ni Drew sa mga picture na nakikita niya. Mayroon kasi na nakahalik ako kay Drew sa pisnge na picture, nakaback hug ako, mayroon ding angkas niya tapos nakatakip yung kamay ko sa mata niya.

"Ye--y-yes" nauutal kong sabi ewan kagabi proud ako sa sarili ko na ex ko yang sexy na dj na yan! pero ngayon gusto kong kainin ako ng lupa.

"My ghaaad Brianna don't tell me ikaw dahilan kung bakit gago yang si Drew ngayon" sabi pa ni Lian na hindi ko naman maintindihan, bakit ako?. Ni hindi ko nga alam kung minahal niya ba ako. Sinaktan niya rin naman ako noon. I thought magiging friends kami after I broke up with her, but what did she do?, she keep her distance from me, ni lingunin nga di niya magawa that time.

"I-uhm.. I do-don't know" nanginginig kong sabi ewan, nalulungkot kasi ako kapag naalala ko yun eh. Every time I reach for her, there's no reply.

"What the... lips locked" napatingin naman ako sa picture na hawak ni Nat. It was a picture who captured by Drew, it was me and her sharing a passionate kiss, a first one.

"Pang ilang girlfriend ka ni Drew?" Tanong ni Lian

"Uhmm, she said I'm her first" I said then look away

"So ikaw nga!" Kanina pa'to ha

"Ang alin ba?" Tanong ko sa kanya

"The one who broke her, her first love" Lian casually said

"She did not loved me" I said and lahat naman sila napatingin sa'kin

"Why?" Sabay nilang tanong

"If she loved me, edi dapat hindi siya lumayo nung naghiwalay kami. I said we can still be friends. But she reciprocated what I've said. Lumayo siya, hanggang graduation kakausapin niya lang ako kung kailangan. She even admired our Ms. Intramurals in school. So how can she say that I broke her. She caused pain for me too." I said then my tears started to fall and my hands starts to tremble. After all this years ngayon ko lang nailabas to.

"Does your parents know about the two of you?" Pres ask

"Her parents do... Masyado akong takot kay mama nun. Kaya pinili kong makipaghiwalay"

"Nasaktan din siya Bree, I know Drew nung elementary kami, she's a jolly person. Kaya nga nagulat ako nung nagibang tao na siya nung nagkasama kami sa isang project sa Modeling Agency" si Lian na binibigyan ako ng tissue na inabot ko naman.

"Yeah, and... hindi lalayo si Drew sayo kung hindi niya kelangan magmove-on. Tingnan mo'tong picture na'to, the way she look at you, may sparks oh. I can say na inlove siya rito and you're just numb enough para di mapansin" sang-ayon ni Nat habang pinapakita yung picture.

"Makasabi kayo parang di ko kayo kaibigan" nagtatampo kong pahiwatig, nakakainis kasi umiyak na nga ako sa harap nila tapos yun pa sasabihin sakin. Mas kinakampihan pa nila si Drew.

"Di sa ganun Bree, para malinawan ka rin na pareho din kayong nasaktan" si Lian

"Lian ba't may alam ka sa past ni Drew?" Tanong ko sa kanya, curious lang

"Uuhm, sa dalas naming nagkakaroon ng project ni Drew, pansin kong medyo balisa siya last 2 years sa Canada. Sabi nga ng iba nagbago na si Drew. And yun I asked her. Fresh from break up pala siya. Napag-usapan namin yun nung lumabas kami. Syempre inuman na rin. Hindi niya nga lang binanggit yung name mo, pero sabi niya first girlfriend niya daw. Then after nun kung sino-sino na yung karelasyon niya, pero mga high profile naman" kwento niya, and parang nagsink naman sakin na, sayang kami.

After namin magbonding, umuwi na sila. Dito na muna ako mage-stay, bukas na lang ako uuwi. Baka kasi makita ko si Drew.

These past few days gumagaan yung pakiramdam ko tuwing magkasama kami. Ni hindi ko nga naaalala yung ginawa niya nung HS kami.

I don't know what's got into me but I'm comfortable when I'm with her.

I'm enjoying her touch and kisses. But I know that it's nothing to her. Maybe we don't have to cross that line again.
Who are you fooling around Brianna? Naaaah!!! Kasi naman eh I think Drew's kiss makes me weak! Badtrip. I don't know but it feels so hot when we're having hot make-out session. And anytime gusto kong bumigay sa kanya. Lande much!

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon