CHAPTER 13

12.7K 261 0
                                    

Brianna

After ng date ko with Mark ay umuwi na ako. Mark is a senior and football player sa kabilang school and nanliligaw sa'kin ng 2 months na I think?.

Pero laking gulat ko naman nung umaga ay biglang may nagdoorbell.

I went to the door and open it.

"Hi Bree, breakfast tayo... my treat" si Mark lang pala. Nakapambahay lang siya kasi yung unit niya ay di naman kalayuan dito sa building namin

"Oh, okay. Wait lang" sabi ko naman ng nakangiti, di naman sa nakikipaglandian pero kasi before siya manligaw ay friends na kami ng mahigit 1 year.

"Tara na" sabi ko pagkatapos kong i-lock yung pinto.

Nagkekwentuhan lang kami ni Mark habang naglalakad at napansin ko naman si Drew na kakasara lang rin ng pinto niya. Pero di ko nalang binati.

So pumasok na kami sa elevator at ganun din si Drew, I look at her reflection through the closed door of the elevator. Bakit ganun ang aga-aga ang hot niya?

Our eyes met but she avoided her gaze 'cause her phone rang.

Nang makalabas kami sa elevator ay pumunta nalang kami ng mcdo ni Mark since ayaw ko ng heavy breakfast ay napag-isipan ko nalang magpancake.

Nakita ko si Drew na pumasok din pero nilampasan lang yung counter at dumiretso sa hindi mataong part ng mcdo, medyo madilim din dun. Nakita ko namang kiniss niya yung babaeng naghihintay sa kanya, hmmp! Mga Haliparot!

At bakit parang galit ka?

Hindi ako nagseselos!

Walang nagsasabi Brianna, guilty!

Punyeta!!

Tumigil na ako sa pakikipagtalo sa utak ko dahil dala na ni Mark yung order namin. Ano ba naman kasi yan.

Umupo kami sa hindi rin masyadong mataong parte ng mcdo, peste! Sa harap pa ng table nina Drew!

Naiinis nanaman ako!, pano ba naman ang lakas humalik sa'kin tapos may kalandian namang iba ngayon.

Habang kumakain ay hindi ko naman maiwasang di mapatingin sa kanila. Nakakabwisit may pahalik halik pa sa pisngi at mga ngitiang akala mo gagawa ng milagro mamaya, may pahampas-hampas pa yung babae sa kanya. Well maganda naman yung babae, parang model pero mas maganda ako. Oh! Kailangan i-compare? Hindi sa ganon!

Maya-maya ay umalis na rin sila. At ang loko ay hindi ata ako nakita man lang.

Bakit ka naman niya papansinin eh busy siya?

Eh basta, bwisit siya!

Natapos ang breakfast namin ni Mark at nagpaalam na akong umuwing mag-isa, wala gusto ko lang and pumayag naman siya.

Dumaan ang maghapon at gusto kong puntahan si Drew sa unit niya para sa reaction paper, ginawa kasi ni Ma'am na by two's yung work at dahil magkatabi kami ay kami na rin daw ang magkapartner.

Pero heto ako sa kwarto tulala, nung kami pa ni Drew ganun din yung tingin niya sa'kin yung kagaya sa babae kanina.

Dati kahit magkaibigan pa kami ni Drew ay madalas ko na siyang bakuran, gusto ko ako lang kasama niya nung 4th year kami dahil siya nalang yung close ko, si Clyde naman kasi ay lumipat na sa US and kahit noon naman ay iba din ang friends niya, pero madalas sila ni Drew ang nag-uusap.

So me, kapag may lumalapit kay Drew at yumayakap na ibang babae kahit close niya ay hinihila ko siya agad. Madalas sinasabi ko ay nagseselos ako, at ayaw kong may gumagawa nun sa kanya. Nakikinig naman siya at ngumingiti lang.

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon