Epilogue

1.7K 70 40
                                    

A/N: Please do read. hi, hello po!! you guys still remember All we are? Yung kanta na kinanta ni Jason para kay Dana sa chap. 29? Please, kung hindi niyo pa po napapakinggan, try to listen kahit isang beses lang para po damang dama natin ang pagbabasa haha! Ayun maraming salamat po! Ito na last na'to! Hahaha :) ~


Epilogue

Dana's POV


Mahigit tatlong buwan narin ang nakalipas simula ng mangyari at mabunyag ang mga sikreto na gumimbal sa aming lahat.


Hindi madali.


Lalong lalo't hindi madaling tanggapin, na sarili ko palang ama ang kumitil sa buhay ng kapatid ni Gabriel. Gabriel...


Parang kapag naririnig ko ang kaniyang pangalan ay punong puno ng kalungkutan, ng hinanakit at paghihiganti. Sobra akong nahirapan na bumalik ang loob ko kay papa dahil sa mga nangyari pero ipinaliwanag niya naman saakin ang lahat at humingi siya ng tawad.


It was very hard to move on from such terrible memories, na bawat pagpikit ko ng mga mata ko parang bumabalik saakin lahat, parang nandun parin ako sa may bangin, sa napakataas na lugar at tumatangis habang bumubuhos ang napakalakas na ulan.


Na habang nagsasalita si Gabriel ay hindi ako makahinga sa sobrang sama ng loob....Napaka-bigat, sobrang sakit. Sinong mag-aakala na dito pala magtatapos ang lahat? Sinong magaakala na yung mga natanggap naming text ay ito pala ang kakahantungan.


Tatlong buwan na ngunit parang sariwang sariwa parin lahat ng takot at memorya sa isipan ko, walang gabi akong hindi umiyak at binabangungot ng mga pag-iyak at ng putok ng baril..


Paulit-ulit sa isipan ko ang ginawang pagtalon ni Gabriel at ni Lucas, tumatak din sa isipan ko ang kwento ng kaniyang kapatid. Wala akong takas... Walang wala.


Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig habang naghihintay sa labas ng café na paghihintayan ko sa kaniya.


Halos hindi rin kami nagkita nito simula ng nangyari at ngayon nalang ulit. Pinagkiskis ko naman ang aking mga palad upang maibsan ang lamig ng umaga... malapit na palang magpasko. At rinig na rinig narin sa bawat kanto ng iba't ibang lugar ang mga masasayang awitin at napakaraming christmas lights.


Ilang minuto pa akong nilamig-lamig hanggang sa dumating narin ang hinihintay ko.


"Dana," pagbati niya at ngumiti ng tipid.


"Simon," balik ko namang tugon, nagiba ang kaniyang hitsura. Kung dati ay mukha siyang pagod na pagod na pagod at kakikitaan ng poot sa kaniyang mga mata ay ibang iba na ngayon.


Maaliwalas ang kaniyang mukha at nagniningning ang mga mata, gulo gulo rin ang buhok niya ngunit hindi sa paraang magulo, what can I say, messy hair, jet black piercing eyes and a stud? Well that's Simon Ramirez everyone. Nakakapanibago..

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon