Chapter Twenty four - Uncertainties

1.8K 63 18
                                    

A/N: Hello poooo~ So this update came advanced as we have expected lewl. Short update lang naman po ito ^^;


Chapter Twenty-four

Dana's POV


Ibabalik ko na dapat ang phone ni Simon sa kanya nang bigla siyang naglakad mabilis palayo sa amin, kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya at galit na tuluyang naging mga luha, kaya't si Krystalle na ang tumanggap nito. She gestured at us na susundan niya lang si Simon, maging siya ay lubos na nag-aalala na rin at tumango-tango naman lahat kami. Naiintindihan namin ang nararamdaman ni Simon sa panahong gaya nito. Siya ang magli-lead ng fourth game.


Mabilis na nawala ang dalawa sa paningin namin, sa isang iglap ay balik nanaman kami sa ganitong sitwasyon. Hindi alam ang gagawin, hindi alam ang mga susunod na mangyayari.


Pero isa lang ang nasisigurado ko dito... may mawawala na isa sa amin. Who knows who, who knows when? Iyan ang mga tanong na hinding-hindi namin kayang sagutin, dahil ang lahat ay naaayon sa kagustuhan niya, this is his game and only his.


Ipinagpatuloy nalang namin ang paggawa ng mga decorations, balik sa kanya-kanyang mga sariling ginagawa kahit na ba nakakawala ng gana dahil sa tawag na iyon, wala na kaming magagawa pa. Tahimik at taimtim lang kami hanggang sa may biglang nagsalitang boses ng babae galing sa mga speakers na nakapalibot dito.


"Paging Mr. Gabriel Cervantes, please proceed to the staff room now. I repeat, paging Mr. Gabriel Cervantes, please proceed to the staff room now. Thank you."


Napatingin kami sa direksyon ni Gabe at nakita ko namang nakunot ang noo niya dahil sa narinig, inayos niya lang saglit ang mga kalat niya pero tumayo din naman agad siya at saka nagpaalam sa amin.


Bago pa man din siya makalayo ay huminto siya saglit at humarap sa amin, "Uhmm Dana, hahatid kita mamaya sa inyo, ok lang ba? Ayoko na maulit yung nangyari eh, lalong-lalo na sayo." nahihiya niyang sambit sa akin at napakamot pa sa batok. Haha, he's so cute.


Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? Ihahatid ako ni Gabe? Say whaaaaat?! Hala hala.


I heard how Jason cleared his throat, yung malakas at alam mong nananadya. Epal na to, suntukin ko siya sa lalamunan niya eh.


"Ahh, ehhh... nakakahiya naman." promise hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung alok o hindi, si Alex lang naman kasi ang gumagawa niyan sa akin.


"D.ana, mas safe kung sa akin ka sasabay. Yang mukhang yan? Yung totoo? Tsk tsk." pabirong giit ni Jason at umiiling-iling pa, kaya binigyan siya ni Gabe ng kanyang death glare. Natawa naman ako bigla. Aso't pusa talaga.


Napahalukipkip ng kanyang mga braso si Gabe tapos hinilig pa ang ulo niya, "Ako pa talaga? Wow eh sino kaya sa atin dito yung-"


"Imbis na nagtatalo kayo diyan, ikaw Gabriel pumunta ka na sa staff room at ikaw naman Jason tumulong ka dito. Mga ugok." singit ni Lucas dun sa dalawa habang abala pa rin sa paggawa ng mga decorations.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon