Finale

1.7K 69 29
                                    

A/N: Dedicated po sa idol naming mystery writer dito sa wattpad. Sana po mabasa niyo yung A/N namin sa pinaka-dulo hahaha :) Maraming salamat po sa paggawa ng mga storya na sobrang gaganda at nainspire po kami ng ganito. Thank you po!


Finale

Third person's POV


"Kuya yung baon mo nakalimutan mo!" sigaw ng batang si Gabriel at hinabol pa ang papalabas na niyang kuya sa kanilang maliit na apartment na nababayaran nila sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng nakakatandang kapatid habang nag-aaral.


Humarap ang binata at ngumiti sabay abot ng bag na naglalaman ng 2 pirasong tinapay na pinalamanan.


"Salamat bunso," at ginulo pa ang buhok ng kaniyang nakakabatang kapatid, "Paano nalang pala kapag wala ka," sinundan pa nito ng pagpitik sa kaniyang ilong kaya pabiro niyang sinuntok ang kaniyang kuya.


"Hindi kuya no, paano kapag wala ka," nag-ngitian lang sila at nagsabihan ng kanilang mga paalam sa isa't isa na kinasanayan na nila tuwing aalis ang binata papasok sa kolehiyo.


They said their usual goodbyes without knowing it was the last time they could see each other's smile.


Mabigat ang loob ni Gale na bumiyahe at iwanan nanaman ang kapatid niyang mag-isa sa apartment nila. Masyado itong delikado, lagi niyang iniisip pagkat alam niyang walang laban si Gabe kung may mangyari mang masama.


Napakabilis ng oras na pagkapasok niya sa kanilang unibersidad ay makalipas lamang ang labing isang oras ay shift niya nanaman sa kaniyang trabaho. Mula ala-sais hanggang ala-sais imedya ay nagpapahinga siya at mula naman alas-siyete hanggang alas-diyes ng gabi ang kaniyang trabaho sa isang convenience store.


"Sige po boss una na kami. Bukas po ulit," pagpapaalam niya habang hinihintay na siya ng kaniyang kabigan sa labas.


"Oh hijo dalhin mo na ito," pag-aabot niya ng kakaunting pabaon sa binata at agad naman itong nagpasalamat na animo'y nahihiya pa.


Pagkalabas pa lamang niya ay damang-dama niya ang pagdampi ng malalamig na hangin sa kaniyang pisngi at agad siyang pinanlamigan. 'Uulan naman?' sa kaniyang isip-isip at binilisan na lamang sa kaniyang paglalakad.


"Hoy vincent, mag-ingat ka ah." Pabiro niyang habilin sa matalik na kaibigan at nag-paalam na sa isa't isa.


"Tss gago ikaw rin, huwag kang tatalon diyan sa bangin ah!" sabay tawa pa nito. At doon na sila naghiwalay ng landas.


Nakakapagtaka, dahil kakaiba ang pakiramdam niya ngayong gabi. Hindi siya mapalagay na tila ba'y may nagbabadyang masamang pangyayari. Na isang maling galaw niya lamang ay may mawawala sa kaniyang mahalaga.


Dumaan siya sa kaniyang laging dinadaanan araw-araw. Ang daan malapit sa kanilang eskwelahan, na noo'y dinaraan talaga ng mga tao ngunit sa kasalukuyan ay abandonado na.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon