Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part II)

1.9K 77 48
                                    

A/N: Yeeeey as promised po ito na ! late nga lang ng ilang minutes hehehe.. Dedicated po kay ate Lv5Gekota, kasi naman thank you thank you thank you po talaga sa lahat ng fanarts na ginawa mo po para sa amin. From Jason x Dana, Alex, Raia and Janine to that 'oh-so-bishounens' Jason and Alex in one frame! (and too many to mention, kasi madami pa talaga at nakaka-touch po 'yon) Yass she drew ALL of our characters, thank you po ulit! And one more thing, we hope na may silbi na si Alex sa chapter na 'to for you hahaha (joke lang po)

Third Person's POV

Magkasama sina Lucas at Alex para ipagpatuloy na ang kanina nilang na-udlot na pag-alam kung sino nga ba talaga ang killer one.

"Teka, asan si Dana?" biglang tanong ni Alex dahil napansin niyang kanina niya pa hindi nakikita ang dalaga.

"Ha? Kayo magkasama kanina ah?"

"Bullshit hindi kami magkasama!" na-alarma sila pareho dahil sa sinabing iyon ni Alex at dali dali nilang hinanap si Janine.

Sakto din namang nadun sila Simon, Krystalle, Gabe at Jason.

Magkakasama sila at alam nila pare-pareho na ngayon na matatapos ang pangatlong laro.

"Ja, have you seen Dana?" agarang tanong ni Alex kay Janine at umiling-ilng ang dalaga.

"Bakit ako tinatanong mo, eh ikaw tong nagsabi na magkita kayo?"

"Putang-anong magkita??" Tumataas na ang tensyon dahil sa naging reaksyon ni Alex dahilan para kabahan silang lahat.

"H-ha?.. sabi niya magkikita daw kayo... you texted her right? Sabi niya sa likod... shit hindi ko na matandaan I-I'm sorry." naginginig na at nauutal na saad ni Janine dahil sa takot na nararamamdaman.

Lahat sila ay tila pinagsakluban ng langit at lupa dahil alam na nila ang patutunguhan nito. Ganito din ang nagyari bago mamatay si Raia... nawawala.

"Likod?? Hindi, hindi shit wala akong tinextext putang ina. Hindi tayo pwedeng tumayo lang dito. HANAPIN NATIN SI DANA!" ang napaka lakas na sigaw niya at nagkakanda ugaga na sila sa pag tawag kay Dana sa cellphone nito. Aalis na sana sila para maghanap ng biglang sumigaw si Lucas.

"No, no wag kayong umalis!" pagpigil niya at kumunot naman ang kanilang mga noo.

"Anong wag? LUCAS HINDI MO BA NAIINTINDIHAN nawawala si Dana!" napasabunot sa buhok niya si Alex at napa upo. Nanghihina ang kanyang mga tuhod sa panginginig.

"Stand up!" Kinwelyuhan ni Lucas si Alex at itinayo ito ng marahas.

"Wag kang magpadala sa kaba mo Alexander! Because I'm telling you, it will lead us to no where hindi niya papatayin si Dana, sinisigurado ko sayo 'yan!" madiin at nagtatangis ang mga bagang na saad ni Lucas sa binata.

Itinulak na man siya ng malakas ni Alex. "PAANO MO NASASABI YAN HA? Nararamdaman mo ba 'tong kaba ko Lucas ha? Si Dana..." napatakip na lamang siya ng kamay sa kanyang mukha. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob.

"Sigurado ako Alex. Siguradong sigurado. He's just using Dana to outwit us, tignan mo ang nangyayari sa atin! Lahat na tayo kinakabahan! Unahin mo ang laro Alexander, kung hindi sinasabi ko sa'yo, mamatay talaga ang bestfriend mo. You are losing your fucking focus!"

Ipinadausdos ni Alex ang kamay nito sa buhok at tumayo ng maayos. Kitang kita sa mga mata nito ang kaba at galit.

"Anong gagawin ko Lucas..." nagkatinginan sila ng diretso. Kumikinang na ang mga mata ng binata sa ilalim ng sinag ng buwan dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon