Chapter Fourteen - Not all angels have wings

2.1K 76 23
                                    

A/N: Eto na omg mahaba haba 'to. Actually kaya po kami excited na excited eh isa ito sa mga favorite naming chapters na isinulat. We hope that as you read through this update, you'll feel the same way as we did while writing this :) Naglagay din po kami ng multimedia at paki play pag na-mention na sa story :D

Dedic kay starlux93 kasi kilig na kilig daw siya kay Dana at Jason, so eto na malunod ka sa sparks :))

Chapter Fourteen

Dana's POV

2 weeks after

Halos magdadalawang linggo na pala simula nung makauwi ako sa amin. Balik na rin sa normal ang lahat, pati ang pagpasok ko sa school.


At kahit hindi pa rin naaalis yung takot sa puso ko eh pinipilit ko pa ring magpatuloy.


Minsan pa nga sa gabi, napapaginipan ko yung mga nangyari sa puting kwartong yun, and then I'll just find myself crying in the middle of the night. Hindi pala madaling kalimutan ang isang bangungot na halos kunin ang buhay mo.


Hindi madali lalong-lalo na kung naging saksi ka talaga kung gaano karaming dugo ang dumanak at kung nakita mismo ng sarili mong mga mata ang brutal na paraan ng pagkamatay nila.


Sa loob ng dalawang linggong nakalipas, wala akong iniisip na magpapaalala ulit sa akin ng mga masasaklap na pangyayari nung araw na yun.


Madalas magkasama lang kami ni Alex na naglalakad-lakad lang at nag-uusap ng mga bagay-bagay gaya ng dati.


Bumalik na nga yung dati kong buhay.


At ngayon mismo, nakasakay ako sa bike ko at tinahak ang daan papunta sa eskwelahan namin.


Sa mga oras na to wala pa masyadong tao, ang aga pa kasi kaya kahit medyo mabilis yung pagpapatakbo ko eh keri lang.


Paliko na sana ako ng makarinig ako ng may parang nag-aaway yata?


Hindi naman ako chismosa sa mga ganyang away-away  kaya nagpatuloy lang ako sa pag-pedal ngunit agad din naman akong napahinto nang mapagtanto ko kung sino yung taong binubugbog.


Halos mapako ako sa kinalalagyan ko. Hindi siya lumalaban. Ni parang wala na siyang paki kahit puro dugo na ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa lakas ng mga suntok nila.


Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat.


Ano bang nangyayari sayo?


Hindi ikaw yan.


Walang pagdadalawang-isip kong iniwan ang bisikleta ko at lumapit sa kinalalagyan nila. I've been to hell and back. Alam kong delikado tong gagawin ko pero shit, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan nalang.


"Tigilan niyo siya!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas. At kung anong lakas ng sigaw ko, ganun din kalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon