10 - Resolve

197K 8.7K 5.4K
                                    


Hindi ko akalaing makikita ko sila rito. Of course, maliban sa Mama ni Hiro dahil kasama namin siya, pero sina Papa at Ma'am Michiko? Ni hindi 'yun sumagi sa isip ko. Pero habang nakatingin ako sa likuran nila, kinilabutan ako dahil sa presence nila.

How can these people radiate immense pressure just by standing there?

Tamang-tama talaga sa kanila ang title na Great Seven dahil mararamdaman ko kaagad kung gaano sila kalakas kahit sa isang tingin lang.


"Michiko," mariing sabi ni Papa.

"Roger!"


Ma'am Michiko ran towards the building while summoning four large swords. She jumped from the ground to the ruins and with a powerful slash from all her swords, the building was cut into halves.

Michiko is as good as Hideo when it comes to combat battle.

Naalala kong sinabi 'yun sa akin ng Mama ni Hiro nung nakaraan at napanganga na lang ako dahil nakita ko ngayon kung gaano siya kalakas. Who can cleanly cut a whole building into freaking halves?!

Napatigil naman ako sa pag-aadmire kay Ma'am Michiko nang naging visible ang loob ng building dahil sa ginawa niya at may nakita akong kakaiba. There are several cryogenic chambers and laboratory equipment in sight and I clutched my stomach when I saw bodies inside them. Ni hindi ko alam kung buhay pa ba ang mga nasa loob o kung dahil sa ginawa ni Ma'am Michiko ay may nangyari nang masama sa kanila.


"Hideo, calm down." Napatingin naman ako sa side nila nung narinig ko ang Mama ni Hiro na magsalita pero napaatras ako, maging sina Nel at Krystal, dahil parang biglang lumamig ang paligid.

"I should have done this years ago," sabi naman ni Papa at kahit hindi ko nakikita ang expression niya ay naramdaman ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan niya.


And I'm sure he's thinking about Akemi. He's talking about my mother.

Nakita ko namang ngumiti siya kay Papa at tinapik ang kaliwang balikat niya.


"Go all out. Erase this place where she suffered a lot."

"That's my plan from the very start," sabi ni Papa at nagulat ako nung bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya. Hanggang sa unti-unti na lang nagcollapse ang building.


Napansin ko namang nakatayo lang doon sina Mama at Michiko habang tinitignan ang unti-unting pagguho ng building sa harapan namin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng expressions nila. Galit? Lungkot? O parang ang tagal na nilang gustong gawin 'to.

Lalong-lalo na si Papa.

Bigla ko namang naalala sina Hiro at Darwin at nagpanic ako nung marealize kong nasa loob pa sila.


"Hey! Where are you going?!" sigaw ni Nel nung bigla akong tumakbo.

"Sa Chamber!" sigaw ko.


May mga sinabi pa sila pero hindi ko na 'yun pinakinggan. Tuluy-tuloy lang akong tumakbo papunta sa ruins at doon ko binuksan ang Black Dimension.

Pagpasok ko ay napasigaw ako dahil sumalubong agad ang mukha ng isang Shinigami. Napaupo agad ako at may naapakan akong kung ano. Pinulot ko agad 'yun at nung sinugod ulit ako ng Shinigami ay sinaksak ko sa kanya ang hawak ko. Natumba siya sa paanan ko at hindi ko alam kung anong swerte ang dumapo sa akin dahil ang panang ginamit ko kanina ang napulot ko.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon