07 - Ambush

224K 8.8K 3.3K
                                    

"You okay?"

"Y-yeah."


Pagkababa namin sa plane ay medyo umiikot pa ang paningin ko. Hindi naman talaga ako takot sumakay sa eroplano or sa heights pero after kong makasakay kay Kaoru, the private jet plane of Sir Hiroshi, naging uncomfortable na ako sa mga sasakyang lumilipad. Nakakapanghina tuloy.


"Wear your contact lenses," biglang sabi ni Mama kaya naman agad naming nilabas ang eyedrops.


Napangiti naman ako habang tinitignan ko siyang maglagay ng contacts. Parang dati lang, ang akala ko ay gamot 'yun para sa eye illness niya, 'yun pala ay para lang maconceal ang kulay ng mga mata niya. Akala ko rin, hallucination ko lang kapag may nakikita akong green colors sa mata niya tuwing nawawala ang effect ng eyedrops. It's fascinating how she managed to conceal her identity for a long time.

Nung nagsolidify na ang lenses sa mga mata namin ay natakpan na rin ang tunay na kulay ng mga mata namin. After that ay pinagsuot din niya kami ni Hiro ng sunglasses. Mukha tuloy kaming mga turista.


'Halt.' Napahinto naman kami kaagad ni Hiro at naging seryoso ang expression ni Mama.


Napatingin din ako sa paligid at may naramdaman akong kakaiba. I scanned the people around us and I saw several suspicious-looking persons observing us.


'How many?' tanong ni Mama.

'Five in total,' sagot ko.

'At 2 o'clock, the guy with white cap. About 20 meters to her right, the blond-haired woman and the girl wearing a red jacket.'

'That's a cardigan,' singit ko naman sa descriptions ni Hiro at nakita kong kumunot ang noo niya.

'Is there a difference? Isn't that a type of jacket?'

'Nevermind.' Well, guys like him cannot differentiate girls' clothing anyway.

'Anyway, at 10 o'clock, the white-haired man.'

'Where's the other one?'

'At the 3rd floor of the building 50 meters away from here,' dagdag ko naman.


Nilabas naman ni Mama ang fan niya at binigay niya kay Hiro ang bag niya.


"Mauna na kayo. I'll just clean this mess. You know where it is, right?"

"Yes. I know the coordinates," sagot ni Hiro.


Lumayo kami ni Hiro sa kanya at napansin ko ang babaeng naka-cardigan na unti-unting sumusunod sa amin.


'Leave them to me, kids.'


Halos tangayin ako nung may naramdaman akong malakas na hangin sa gilid ko. Pagtingin ko doon sa puno sa harapan namin ay hati na sa dalawa at kasabay nun ay ang malakas na pagsigaw ng babaeng sumusunod sa amin.

Her right shoulder is bleeding and Hiro's Mom is calmly folding her fan.


"Let's get out of here while they're distracted," sabay hatak sa akin ni Hiro palayo sa airport.

Truce (Erityian Tribes Novella, #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora