CHAPTER 10:

14.8K 381 11
                                    

NP: God gave me you
(Kinikilig ako kapag napapakinggan ko itong kantang to dahil sa AlDub. Wahihi! Ciao!)

  "Aray koooo."

Naiiyak na hawak ni Patty ang pisngi dahil sa sobrang sakit ng ngipin nya.

  "Walang hiya ka Nathan! Pinapasakit mo talaga ang ulo at ngipin ko."

Sabi nya sa sarili. Ito ang unang beses na sumakit ang ngipin nya dahil sa cake na binake nito, naubos nya kasi ng isang upuan ang cake.

  "Aray! Huhuhu!"

Namaluktot sya sa kama nya. Narinig nyang may kumatok sa pinto.

  "Anak, bumaba ka na, kakain na tayo."

Tinatawag sya ng mommy nya para kumain.

  "Susunod na lang ako mommy. Masakit ang ngipin ko!"

Sigaw nya para marinig sya nito.

  "Bakit masakit ang ngipin mo? May kinain ka bang matamis?"

  "Basta mommy. Wag nyo po muna ako kausapin. Pasensya na po!"

  "Okay sige, di na kita pipilitin, papadalhan na lang kita ng pagkain at gamot."

  "Okay mom."

Niyakap nya ang unan nya. Kasabay ng pagsakit ng ngipin nya ang pagsakit ng ulo nya. Narinig nyang nagring ang cellphone nya. Kinapa nya ang bedside table nya at kinuha ang cellphone nya. Tiningnan nya sa screen kung sino ang tumawag.

*Nathan incoming call*

  "Hah! May gana pa syang tumawag."

Sabi nya sa sarili. Sinagot nya ang tawag nito.

  "Good morning sunshine! Miss me?"

Sabi ni Nathan sa kabilang linya.

  "Nakakaasar ka Nathan!"

Sagot nya dito.

  "Oh? Bakit ka nagagalit sa akin? Anong nagawa ko? Ang aga-aga masama ang timpla mo sa akin. Di ka pa nga nag-gugood morning eh."

Malungkot na sabi nito sa kanya.

  "Wag ka nga dyan! Pinasakit mo ang ngipin ko."

  "Teka? Wag mo sabihing inubos mo ng isang upuan iyong cake na binigay ko?"

Tanong nito sa kanya.

  "Eh sa nagugutom ako eh. Kasalan mo to eh."

  "Okay sorry na. Papunta ako dyan sa inyo ngayon, magdadala na ako ng gamot at nang maipagluto na rin kita."

  "Wag na, baka ang tyan ko naman ang sumakit."

  "Aww. Ang sakit mo naman magsalita kambal. Parang lason naman ang niluluto ko."

  "Ewan ko sayo."

  "Hintayin mo ako, malapit na din ako. Sige na, ibababa ko na ito dahil nagdadrive ako. Babye kambal. Lab yu."

  "Loko!"

Pinutol na nya ang linya.

  "Hah! Lab yu daw! Neknek nya uy!"

Tinaklob nya ang unan sa mukha dahil biglang kumirot ang ngipin nya.

  "Aray ko talaga."

**********

  "Kambal? Kambal. Gising ka muna."

Naramdaman ni Patty na may gumigising sa kanya.

  "Kambal. Kain ka muna."

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon