CHAPTER 17:

13.8K 355 9
                                    

Gumising nang may hang-over si Nathan noong umagang iyon. Sapo nya ang ulo dahil sa sobrang kirot.

  "Ugh! What the f*ck!"

Tumayo sya at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Binuksan nya ang ref at tumungga ng tubig sa pitcher. Pumunta naman sya ng banyo para maligo nang mahimasmasan naman sya kahit papaano. Habang nasa shower ay pinilit nyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya. Ang naaalala nya ay tinawagan nya si Yuan para pumunta sa BGC Republique para doon uminom. Halos limang bote ng whiskey ang tinungga nya. At pagkatapos noon ay wala na syang maalala.

  "Ugh! Bakit wala akong maalala? Ano ba ang nangyari? Parang may mali."

Sabi nya sa sarili. Nang matapos syang magshower ay agad syang nagpatuyo ng katawan at nagbihis. Pumunta sya ulit sa kusina para kumain. Kumuha sya ng bowl at kinuha ang cereal at gatas sa ref saka kumain. Habang kumakain ay naisipan nyang tawagan si Yuan dahil ito nga ang huling kasama nya. Kinuha nya sa kwarto ang cellphone at dinial ang numero ni Yuan. Wala pang tatlong ring ay sumagot na ito.

  "Yo insan! Musta na ang hang-over."

Pang-aasar nito sa kanya sa kabilang linya.

  "Tigilan mo ako Yuan, anong nangyari sa akin kagabi?"

Agad nyang tanong sa pinsan. Tumawa naman si Yuan.

  "Dude! Ano ka ba naman! Lalaki ako no! Walang nangyari sa atin,di tayo talo."

Muli nitong pang-aasar sa kanya.

  "Yuan wala ako sa mood makipagbiruan ngayon, masakit ang ulo ko."

Naaasar na sabi nya dito.

  "Cool! Ang aga-aga eh. Bakit wala bang nangyari kagabi?"

Makahulugang tanong ni Yuan sa kanya. Nalilito naman sya.

  "Ano bang pinagsasabi mo?"

  "Sus! Doon sa naghatid sayo dyan sa bahay mo. Hindi ka ba nya pinagsamantalahan?"

Panloloko ni Yuan kay Nathan.

  "Damn it Yuan! Umayos ka nga!"

  "Hay nako! Nagiging bugnutin ka ngayon bro alam mo iyon? Chilax okay?"

  "Sino ba kasi ang naghatid sa akin? Sabihin mo na."

Naiiritang sabi nya dito.

  "Okay okay! Sasabihin na. Si Patty ang naghatid sayo dyan, I called her to drove you home."

Pag-aamin ni Yuan sa kanya. Nagulat naman sya sa sinabi nito.

  "What?! Si Patty? Bakit si Patty ang tinawagan mo?"

Sabi nya dito.

  "Eh kasi sya lang naman ang alam kong mapagkakatiwalaang maghahatid sayo. Bakit? May nangyari ba?"

Sabi ni Nathan. Sa sinabi nito ay may bigla syang naalala.

*Damn you Nathan! I almost gave myself to you?*

Para syang kinidlatan sa naalala.

  "Hello? Nathan bro? May nangyari talaga?"

Sabi ni Yuan sa kabilang linya. Kaaagad nyang binabaan ng linya ang pinsan. What the f*ck! Did I almost did that? Sabi nya sa isip nya. Napaupo syang tulala. Napaface palm sya. Kahit malabo ay pinilit nyang alalahanin ang nangyari kagabi between him and Patty. So it was Patty who kissed him. Hindi nya alam kung matutuwa sya o matatakot, halo-halo ang nararamdaman nya ngayon. He touched his lips. He might look like a gay right now but he can't help but to smile. I kissed Patty without knowing that it was her. Pinilig nya ang ulo nya.

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Where stories live. Discover now