CHAPTER 6:

16K 440 8
                                    

"Ako."

Sabi ni Lucas. Halos lahat ay napatigil sa pagkain at napatingin sa sinabi ni Lucas.

"Ahahaha! Ano ba naman kayo. Ang ibig kong sabihin ay ako ang nakilala nya dahil nagkita kami sa airport at pinasakay ko sya sa private plane namin."

Bawi nito at tumawa. Pilit na tumawa ang karamihan.

"Ang korni mo kuya Lucas. Haha!"

Sarkastikong sabi Eric dito.

"And ganda ng biro kuya."

Sabi ni Nathan na nakayukong kumakain.

"Ehehe! Kuya Lucas talaga! Ang lakas magpatawa."

Sabi na lang din nya. Parang ang awkward ng pakiramdam dahil sa sinabi ni Lucas.

"Pero yung totoo iha, wala ka bang nakilalang lalaki doon? I mean wala ka man lang dinate?"

Tanong ulit ng mommy nya.

"Wala po mommy. Trabaho po ang pininta ko dun, tsaka tama po Nathan na nasa underground catacomb kami nakadestino kaya impossibleng may makadate ako doon."

Pagsasabi nya ng totoo. Binalikan nya ang pagkain. Tumingin sya kay Nathan at napansin nyang nakangisi ang loko.

"Uy kambal, baka maihipan ka ng hangin magmukha kang asong nakangisi dyan."

Mahinang sabi nya dito.

"Grabe ka naman kambal, sa gwapo kong ito magmumukha akong aso? Nakakasakit ka naman ng puso kambal."

Sabi nito sa kanya.

"Eh bakit ka ngiting aso dyan? Para kang manyak."

Pang-aasar nya dito.

"Eh? Manyak? Naman kambal."

"Ehehe. Sorry naman. Eh bakit nga kasi nakangiting nakakairita ka?"

Sabi nya at ngumiti dito.

"Kasi sabi mo wala kang dinidate. Akala ko nagtataksil ka na sa akin."

Sabi nito sa kanya.

"Ah! Ako pa talaga ang nagtataksil? Oy dong! Hindi tayo no? At tsaka wag mo ipahid sa akin ang mga gawain mo."

Sabi nya dito at dinuro ang noo nito.

"Aray ko naman kambal. Masakit ah, nasasaktan ang puso ko."

Sabi nito sa kanya, at pinahiran ng sauce ang tungki ng ilong nya.

"Ano ba Nathan! Wag mo ngang paglaruan ang pagkain."

Saway nya dito.

"Ehehe. Sorry."

Sabi nito at pinunansan nito ang ilong nya gamit ang daliri nito at saka dinala ang daliri sa bibig para sipsipin ang sauce na galing sa ilong nya.

"Kadiri ka talaga."

"Hindi iyon kadiri, galing iyon sa ilong mo."

Sabi nito sa kanya.

"Wooooo!!! May papunas-punas pa ng ilong na nalalaman! Dumadamoves si Nathan!"

Pang-aasar ni Yuan sa kanilang dalawan. Ngayon lang nya napansin na nakatingin na pala sa kanila ang lahat ay may mga ngiting nakakaloko. Pwera lang kay Ezekiel at Liam. Hindi marunong ngumiti ang mga loko.

"Wag na kayong mang-asar, tingnan nyo si kambal, nagbablush."

Sabi ni Nathan sa kanya.

"Ha? Anong nagbablush?!"

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu