CHAPTER 4:

17.7K 484 12
                                    

Nasa sasakyan sila ngayong dalawa ni Nathan papunta sa restaurant nito.

"Nate, hindi ko pa pala natatawagan sila daddy at mommy na napaaga ang lapag ng eroplano. Ang alam nila bukas pa ang dating ko."

Sabi nya kay Nathan.

"Eh di tawagan mo na sila."

Sagot nito sa kanya na may halong pamimilosopo, sinuntok nya ito sa balikat.

"Ikaw Patrice nakakailang suntok ka na sa akin ah, masakit na."

Sabi nito sa kanya at bahagyang hinilot ang braso.

"Eh kasi tigilan mo yang pamimilosopo mo."

Inirapan nya ito.

"Halikan kita dyan eh."

Pananakot nito sa kanya.

"Di mo madadala sa ganyan mo Nathan."

Sabi nya dito at nagulat sya nang bigla dumampi ang labi nito sa pisngi nya. Nanlaki ang mga mata nya.

"Gusto mo ba talagang madisgrasya tayo Nathan?!"

Bulyaw nya dito pero nanatili ang mga pilyong ngiti nito sa labi nito.

"Wag ka mag-alala kung madidisgrasya man tayo ngayon, ang mahalaga magkasama tayo."

Sabi nito sa kanya. Kinilabutan sya sa sinabi nito.

"Tama na Nathan! Kung ano-ano iyang pinagsasabi mo. Kinikilabutan ako."

Sabi nya dito.

"Hahaha! Eto naman di maloko. Tsaka bakit ka nagagalit na hinalikan kita? Palagi ko namang ginagawa yun sayo ah? Wag mo sabihing may boyfriend ka na?"

Tanong nito sa kanya.

"Eh basta. Ang dami-dami mong babaeng nahalikan, baka mahawa ako ng mga virus nila."

"Wala pa akong nahahalikan ngayong araw, ikaw pa lang kaya wala pang virus ang labi ko. Well ngayon meron na, virus na galing sa mga kalansay."

Pang-aasar nito sa kanya. Tiningnan nya ito ng masama.

"Whoa, easy ka lang. Nagbibiro lang."

"Hindi nakakatawa Nathan."

"Teka sumusumpong na naman yang mood swings mo, kanina bati tayo, ngayon galit-galit na? May period ka ba ngayon?"

"HA? ANONG PERIOD?!"

Napataas ang boses nya dahil sa tanong nito.

"Period, menstrual cycle."

Sabi nito, sa mukha nito ay mukhang seryoso ito sa tanong nito.

"Wala no! Tsaka wag mo nga pakialaman ang period date ko!"

Sabi nya dito. Bigla tuloy syang nakaramdam ng hiya dito.

"Magdrive ka na lang, nagugutom na ako eh."

Dahdag nya.

"Yes boss."

Sagot ni Nathan sa kanya. Kinuha nya ang cellphone nya sa bag nya para tawagan ang mga magulang nya at kapatid. Dinaial na nya ang number. Pero walang sumasagot. Tinawagan nya ulit pero wala pa din.

"Bakit? Anong problema?"

Tanong ni Nathan sa kanya na bahagyang tumingin sa kanya.

"Hindi ako sinasagot ni daddy at mommy."

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora